KABANATA XIX: A MOTHER'S WISH

31 2 1
                                    

"Bitawan mo nga ako pa ako tapos sa bruhang 'yun ano ba!"

Napapikit na lamang ang lingkod na si Ming Lan dahil sa inaasal ng kanyang mistress na ngayon ay halos hilahin na ng asawa nitong prinsipe patunngo sa Eastern side chamber kung saan sila pansamantalang tutuloy para sa gabing iyon. Nagtataka nga siya kung bakit ganoon ang ikinikilos nito ng mga nakaraang araw, hindi naman dating ganun ang kanyang si Lady Yue matapos ang insidenteng iyon tila ba nagbago ito, marahil ay kay Yue pa rin nga ang katawang iyon subalit parang hindi na si Yue ang kaharap niya.

Katulad ngayon hindi naman dating umiinom ng alak si Lady Yue subalit ngayon ay lasing na lasing ito at kung wala ang Prinsipe ngayon ay baka hindi niya mapigilan ito na puntahan pa si Lady Jian. "Xiaoyue tumigil ka na nga hindi mo naman siguro gustong magkagulo kayo ng iyong kapatid at mabigla ang iyong ina sa mga posibleng mangyari"

Babala nito subalit hindi nito napigil ang katigasan ng ulo ni Xiaoyue. Kaya naman napabuntong hinga na lamang ang prinsipe at ikinagulat nilang pareho ang ginawa nito binuhat ni Prinsipe Zhi Cheng si Yue at wala nang nagawa pa ang babae kahit pa magpumiglas dahil ano ba ang lakas ng lasing na si Xiaoyue kung ikukumpara sa isang prinsipe.

"ANO BA CHENGCHENG IBABA MO NGA AKO!!!"

Galit na ani ni Yue subalit tila bingi ang lalaki at patuloy lamang sa paglalakad patungo sa Western lateral Courtyard. "SINABI NANG IBABA MO AKO EH!"

"Isang sigaw mo pa ihuhulog talaga kita makikita mo" wala naman nang nagawa si Yue at dahan dahan ng ipinikit ang mga mata nito at hindi na nakipag talo

Pigil namang napangiti si Minglan at sumunod na lamang sa mag-asawa at hindi nito maiwasang mapangiti sapagkat sawakas mayroon na ring nagpapahalaga at dumidisiplina sa makulit niyang amo na si Lady Yue.

Sinalubong naman sila ng dalawang katulong ng mansyon ng Chen pagka dating nila sa Eastern side chamber kung saan sila mamalagi. Agad niyang sinensyan ang dalawa at tumalima naman ang mga ito, pinagbuksan ni Minglan ang mag asawa at nakatutuwang nakaayos na ang lahat doon mukhang nais talagang panindigan ng Chen family ang pagtrato ng tama sa mga anak ng pamilya. Ang eastern side chamber na iyon ang ikalawa sa pinaka malaking silid sa mansyon, ang silid ng dating si great madam Chen na ina ng kasalukuyang Duke ang namalagi roon at kung hindi siya nagkakamali ay pinaalis ang kanyang si Lady Yue noon sa silid na iyon ng mamatay ng Great Madam dahil kina Concubine Li at Lady Xi kaya naman nais malaman ni Minglan ang dahilan kung bakit tila na bakante na silid na iyon.

"Kamahalan, ikukuha ko na po ng pamalit ang Consort iuutos ko na rin po sa kanila ang tubig at tuwalya upang mapunasan ang mahal na consort"

"Sige lang ako na muna ang bahala sa kanya"

Ani ng prinsipe matapos ihiga ng maayos ang asawa na nakatulog na pala habang aila ay nag lalakad patungo roon.

"Ying, Zhao kumuha kayo ng maligagamgam na tubig at malinis na mga tuwalya utos ng kamahalan"

"Masusunod Minglan-jiejie"

"Pero jiejie pwede ka ba naming makakwentuhan mamaya matagal din kayong hindi napunta rito ng Consort nais naming makipag balitaan"

"Hmm, ngunit kailangan mo na nating tapusin ang mga gawain kaya naman madali kayo baka mapagalitan tayo"

Tamang pagkakataon upang makakuha ng impormasyon at balita para kay Yue...

Kinabukasan...

Nagising si Xiaoyue ng napaka sakit ng kanyang ulo tila binibiyak ang kanyang ulo sa sobrang sakit.

Wow just wow this hangover is so annoying ano ba kasi ang ipinainom sa amin ng bruhang iyon?

"Minglan! Minglan!"

His Royal Mistress (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon