KABANATA XXII

121 5 2
                                    

Sa loob ng Prince Yu Manor...

Eastern chambers: Hall of Betrothal Peace.. (Lady Li Chang Le's)

Galit na itinapon ni Chang Le pabalik sa kahon ang mga damit at sulat na natanggap niya mula sa lalaking nagngangalang Hong Luo ang lalaking dahilan kung bakit niya tinakbuhan at iniwanan ang pamilya ng Li upang maging isang royal concubine. She is the youngest daughter of the family's Matron and her mother has more ulterior motive for her but she chose to abandon that just because she didn't want to marry an scoundrel and drunkard young master of the well-known Luo family.

'Mas pipiliin ko pang maging isang mababang Concubine ng isang prinsipeng anak ng Emperador kaisa makasal sa kagaya niya!'

Bago, mamahalin at magaganda ang mga damit na iyon subalit ayaw niyang isuot o tanggapin man lamang ang mga iyon dahil hindi niya talaga gusto ang binata at bukod pa doon isa na siyang miyembro ng royal harem ni Prinsipe Yu subalit ang kanyang ina ay nagpumilit na tanggapin ang mga iyon dahil umaasa pa rin itong babalik pa siya at magpapakasal sa binata.

"A'Huan magpadala ka ng mensahe sa aking ina na sa sandaling may dumating pang kung ano mang regalo o kung ano man dito sa Manor na mula sa taong iyon ay mananagot na siya sa mahal na Prinsipe dahil sa panggugulo at pambubulabog sa isang concubine maluwag ba? Isauli mo rin ang mga yan paki sabing hindi ko kailangan ang mga basurang yan"

Galit niyang utos sa tagapalingkod na si Jing Huan. "Pero my lady..."

"Wag mo hintaying sa iyo pa ako magalit dahil alam mo na ang mangyayari sa iyo!"

Dahil sa takot at wala nang nagawa pa si Jing Huan kundi sumunod sa kanyang Mistress sapagkat alam niya na higit kanino man ay ang mistress ang nasasaktan sa sitwasyon at tanging siya lamang ang namumykod tanging pinaglalabasan ng galit nito.

"Mawalang galang na po Li Shufei ipinapatawag po kayo ng Consort sa Kanlurang bulwagan"

Anunsiyo ng isang tagapag lingkod mula sa Western court kaya napabuntong hininga lamang siya at inayos ang sarili hindi maaring magmukha siyang katawa tawa sa harap ng Mistress mas mababa man ang antas nito sa kanya ay wala siyang magagawa dahil siya ang asawa ng prinsipe at siya ay hamak na concubine lamang.

"Sa anong dahilan daw at ipinapatawag ako maari ko bang malaman?"

"May mga panauhin po at nais ng mistress na samahan niyo sila kaya kung mamarapatin ninyo nyo my lady"

At dahil wala na siyang pagpipiliaan ay  sumama na lamang siya agad din namang sumunod sa kanya ang ikalawang dowry maid na niya si Xinzi. Sapagkat umalis ang kanyang kanang kamay na si Jin Huan.

Nang makarating sila sa Hall of Great Benevolence ay naghihitay doon ang Consort maging ang ika labing tatlong prinsesa at isang dalaga na hindi niya kilala pero sa ayos at itsura ng babae ay mukhang taga ibang kaharian ito o di naman kaya ay mula sa kolonya ng Imperyo. "Wangfei bumabati ang inyong lingkod na si Chang Le mga kamahalan"

"Ano ka ba Li Shufei tama na ang pormalidad halika at samahan mo kami, siya nga pala Lin'er meimei, Tarou jiejie siya ang isa dalawang concubine ng kamahalan si Li Chang Le, Li Shufei batiin mo ang nakatakdang Consort ng ika siyam na prinsipe at ang mahal na Prinsesa"

"Nagagalak si Chang Le na makilala kayo Lin Gongzhu, Tarou guniang"

(Gu niang~ unmarried lady)

"Li jiejie! Wag ka na maging pormal sa akin hindi ko iyon gusto maari mo akong tawaging Lin'er katulad nila"

"Nagagalak din akong makilala, Lady Chang Le"

"Ah marami pong salamat siya nga pala kamahalan anong dahilan at pinatawag ninyo ako?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 30, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Royal Mistress (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon