Chapter II

4.1K 202 11
                                    


HAWAK ang maletang nakatingala si Giya sa malaki't mataas na golden gate kung saan may nakaukit na 'DARK UNIVERSITY' sa itaas niyon. Ito ang bagong paaralan na papasukan niya ayon pa sa ama. Pina-transfer siya ng magulang niya dahil suko na sa kaniya ang mga guro sa dating pinapasukan niya. Napangiwi na lang siya nang maalala ang sinabi ng mga magulang niya tungkol sa paaralan na nasa harapan niya ngayon. Mga matatalino raw ang nag-aaral dito, lalo na ang mga professors.

Binilin pa ng mga magulang nito na huwag siyang pasaway sa bagong papasukan at mag-aral ng maayos. Babawasan ang allowance niya kapag nalaman ng mga itong nagbubulakbol na naman siya.

Pinutok na lang niya ang nginunguyang bubble gum bago lumapit sa gate kung saan may dalawang security guard na nakabantay. Halatang mahigpit ang unibersidad na papasukan niya.

"Hi, Kuyang Guard!" Magiliw na bati niya sa dalawa.

Napatingin ang mga ito sa kaniya at sinuri pa siya ng mga ito. Kapagkuwan ay lumapit sa kaniya ang isang guard.

"Ikaw ba si Miss Giya?" Tanong nito.

Mabilis na tumango siya habang hindi mawala-wala ang matamis na ngiti sa labi niya.

"Ako nga po," aniya.

Sinuri ng guard ang hawak nitong papel sabay tingin uli sa kaniya na animo'y kinokompirma nito kung siya ba talaga si Giya.

"Pasok ka na sa loob," kapagkuwan ay nakangiting saad ng guard.

Nakipag-aper pa siya sa guard na animo'y close na close sila. Pero imbes na sitain siya ng guard ay parang naaliw pa ang mga ito sa kaniya.

Kumuha pa siya ng dalawang box ng chocolates sa back pack na bag niya bago inabit sa dalawang guard.

"Para iyan sa inyo dahil mabait naman pala kayo." Masayang wika niya.

"Aba'y ang bait naman pa lang batang ito." Komento pa nung isang guard.

"Di mo sure," nakangiting sabi niya na tinawanan lang ng mga ito.

Agad na nagpaalam na lang siya sa dalawang guard at nagsimulang naglakad habang timitingin-tingin sa paligid. Halos malula siya sa sobrang laki ng unibersidad.

Naitanong niya kay mahiwagang google kagabi ang tungkol sa paaralan na ito at nalaman niyang private school ito. Sinabi rin ni Google na mga matatalino nga ang mga nag-aaral dito.

Pero infairness, nagustuhan niya ang vibes ng university. May nakita siyang mga studyante na nakaupo sa ilalim ng puno habang nag-uusap. Ang iba naman ay nagbabasa ng libro. Yung iba nakaupo sa bench at parang may isinasaulo ang mga ito.

"Hi,"

"Shotanginamers!" Gulat na sigaw niya.

Napatingin siya sa babaeng nasa harap niya at nagpipigil tawang nakatingin sa kaniya.

"Ba't ka nanggugulat?" Nakangusong tanong niya.

Lumapit sa kaniya ang babae at pinakititigan siya nito na ikinangiwi niya.

"Kanina pa kita hinihintay dito, Miss Giya," wika nito at biglang sinundot ang pisingi niya. "You look so cute and innocent." Komento pa nito.

Nginitian niya lang ito sabay tingin sa suot nitong ID na nakasabit sa leeg nito.

"Shannayah Cervantes, ang ganda ng pangalan mo, bagay na bagay sa'yo." Matamis ang ngiting saad niya.

DARK University Series #1: Teach Me, Professor Where stories live. Discover now