Chapter XII

3K 152 30
                                    

NAKAPANGALUMBABA lang si Giya habang nakatitig sa blankong mukha ni Prof. Dazil na busy sa pagtitipa sa anti-radiation laptop nito. Napasunod pa ang kaniyang mga mata sa kamay nito nang ayusin ng professor ang suot na salamin. He look so hot with his gestures. Natampal niya ang sariling noo dahil sa kaniyang naisip. Sumimangot siya saka nagbuntong-  hiningang sumandal sa sofa. It's been a week since the incidence happened in the forest. Napangiwi siya nang maalalang nakapatapay siya dahil sa professor tapos hindi man lang siya nito kinakausap mula nang magising ito.

Palaging busy, kaharap ang laptop, dinaig pang asawa niyon ang gadget, eh.

"Eh 'di sana inasawa niya ang laptop niya." Hinagis niya ang hawak na libro sa mini-table na nagsanhi ng ingay.

'Bakit, asawa ka ba?'

Napanguso siya naisip niya. "Shorty, could you please be quiet, will you?" wika ng professor nang hindi man lang siya nito tinatapon ng tingin.

"Tss! Ang sungit, dinaig pang may regla." Tumayo siya saka nagdadabog na pumasok sa kusina ng opisina nito.

Hinalungkat niya ang ref nito at nakakita siya ng apple. Awtomatikong napangiti siya sabay kuha ng tatlong apple. Sa lahat ng prutas ay ang apple ang pinakapaborito niya. Mas gugustuhin pa niyang hindi mabigyan ng pera basta may apple lang siya.

Kagat-kagat ang mansanas na lumabas siya ng kusina. Lumapit siya sa professor para magpaalam na lalabas lang muna siya. Amg boring kasi nitong kasama, walang sense of humor. Masyadong cold at introvert.

Naupo siya sa dulo ng mesa nito paharap sa professor. Hindi man lang siya nito pinansin at patuloy pa rin ito sa pagtitipa ng laptop. Bahagya siyang sumilip at wala siyang maintindihan doon. Halos numero at links ang nasa screen ng laptop.

"Anong ginagawa mo?" takang usisa niya rito.

Parang walang narinig ang professor kaya napanguso siya. Matunog na kinagat niya ang apple at akmang ngunguyain iyon bang may kalokohang pumasok sa kaniyang isip.

"Ayaw mo akong kausapin at pansinin, ah." Kinuha niya sa bibig ang kinagat niyang apple at iniumang sa bibig ng professor.

"Ahh," nakangiting aniya.

Walang lingong ibinuka naman ng professor ang bibig nito kaya mabilis na napangisi siya at isinubo rito ang apple.

"Masarap?" tanong niya.

"Tsk. Apple taste never change so its taste the same." Huminto ito sa pagtitipa sabay angat ng tingin sa kaniya.

Humalakhak siya nang tawa habang nakatingin sa professor nang mapatingin ito sa apple na hawak niya. Nagsalubong ang mga kilay nito at bigla itong natigilan.

"Shorty!" inis na sigaw nito at akmang hahablutin nito ang kaniyang kamay nang mabilis na tumalon siya sa sahig palayo sa binata.

"Masarap ang kinagat kong apple, no?" pang-aasar niya rito.

"You...!" mabilis itong tumayo at lumapit sa kaniya.

Tumakbo siya palayo rito habang tumatawa at dinidilaan ang professor. Hinabol siya nito ngunit panay lang ang takbo niya paikot sa sala ng opisina nito.

Para silang mga batang naglalaro ng hahabulan. "Bleh!" pang-aasar niya ngunit napatili siya nang biglang tinalunan ng professor ang sopa na nakapagitna sa kanilang dalawa.

"I got you silly girl." Hinawakan nito ang kaniyang kamay.

Mas napatili pa siya nang hawakan nito ang kaniyang beywang dahilan upang maitulak niya ito sa gulat na sana hindi niya ginawa. Parang nag-slow motion ang paligid at unti-unti silang bumagsak sa sahig at nabitawan niya ang mansanas na hawak niya kanina.

DARK University Series #1: Teach Me, Professor Where stories live. Discover now