Chapter XXXIII

1.3K 50 42
                                    

MAHIGPIT na niyakap ni Prof. Dazil si Giya nang maramdaman niyang may balang papunta sa dereksiyon nila. If he's not mistaken, someone wants to snipe them. At hindi nga siya nagkamali ng hula. Mabilis pa sa alas-kuwatrong dumapa sila bago pa man matamaan ng bala. He can sense that it was a sniper from the mountain closed to the beach resort. Ilang metro ang layo ng sniper mula sa kanilang kinaroroonan kung kaya't muntikan na silang matamaan. Napatingin siya sa kalapit na bundok kung saan naligaw si Giya kagabi.

Nagtagis ang kaniyang bagang nang mapagtantong nasa 300 meters ang layo ng sniper. Base on his calculation, the sniper used CZ 455 MSR 22LR to kill him, enough distance to shoot him on the seashore. Yes. Him. Sigurado siyang ang punterya ng sniper ay walang iba kundi siya.

"Fúck!"

Malutong na mura niya nang maramdamang may sunod na bala papunta sa kanila. Mabilis na hinila niya pagulong si Giya na mukhang gulat na gulat sa nangyari.

"I-Ilaw... a-anong nangyari? Bakit may bumabaril sa atin?" bakas ang takot at nginig sa tinig na tanong ng dalaga.

"Someone wants to kill me now." Tumayo siya at agad na hinila si Giya papunta sa likod ng isang puno ng niyog.

"Na naman? Tangínang 'yan, bakit ba lapitan ka ng mga masasamang tao?" hindi mapakaling tanong nito.

His eyes darkened. "Dahil masama rin ako." Kumuyom ang mga kamaong sagot niya rito.

"Hindi ka masamang tao, Ilaw. Tandaan mo 'yan," natigilan siya sa kaniyang narinig.

He didn't expect it from her. She look serious while saying those words. Napatitig pa siya rito, hindi niya alam kung namalik-mata lang ba siya o ano. Nakikitaan niya ng kakaibang imosyon ang mga mata nito na agaran namang nawala.

"Shorty..." he paused.

May nakita siyang mga armadong lalaki na nagtatago sa puno ng mga kahoy ilang metro ang layo mula sa kanila. Shit. Mukhang malalagay na naman sa panganib si Giya dahil sa kaniya.

"Umalis na tayo rito."

"No. Fúck!" malutong na mura niya sabay hila sa dalaga nang makitang may nakatutok na baril sa gawi nila.

Kundi pa naging mabilis ang kaniyang kilos ay matatamaan ito ng bala. Nagtagis ang kaniyang mga bagang at walang kahirap-hirap na kinuha ang baril mula sa kaniyang beywang. He has no choice. He wouldn't let them harm her if he is their target.

"Stay here. Wait for my signal," kinasa niya ang gatilyo ng baril at akmang aalis siya sa punong pinagtataguan nila nang biglang yumakap si Giya sa kaniya.

"H-hindi puwede..." tila nangangambang pigil nito sa kaniya.

"Shorty..." naging mabilis ang pagtibok ng kaniyang puso ng mga sandaling iyon.

He felt something strange. He can't even breath properly without knowing the reason of it.

"M-marami sila... hindi ka maaaring lumabas upang harapin sila." Mahigpit ang yakap na saad nito sa kaniya.

DARK University Series #1: Teach Me, Professor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon