Chapter XXIII

2.9K 167 29
                                    

LUMIPAS ang mga araw ay naging mas mahigpit na si Prof. Dazil kay Giya mula noong gabing may kumidnap sa kaniya. Kahit sa pagpasok ay palaging sinisigurado ng propesor na may kasama siya. Mas naging protective rin ito sa kaniya, dinaig pa ng batang propesor ang pagiging ama sa kaniya. Naalala pa nga niya noong araw na inatake siya ng dysmenorrhea at nilagnat siya, ito ang nag-alaga sa kaniya. Nagpakain sa kaniya ng sopas at nagpainom ng gamot. Nag-init ang kaniyang pisngi nang maalala ang huling ginawa ng propesor no'ng hindi pa bumaba ang kaniyang lagnat.

Prof. Dazil gave her a body heat to lessen the heat of her body. She didn't expect it from him to do such thing like she used to do to the propesor before when they was in the treehouse. And to her surprised, he bought lots of pads for her.

Nakaka-turn on lang isipin na ginawa iyon ng binata para sa kaniya. Hindi man lang nahiyang bumili at lahat pa ng brands binili nito. To think that he's a well known respectable propesor all over the world. Kahit saang magazines at tv shows and news stations ay laman ng mga iyon ang propesor pati na ang mga kapatid nito.

She's lucky that she made the propesor to do such thing that other guy's can't.

"Giya, are you okay?" biglang kalabit ni Xia sa kaniya.

Ito kasi ang kasabay niya ngayon papunta sa research department. Ngayon ang reporting nila, and what's more worst? Individual ang research since college na sila. Mas lalobg napipiga ang utak niya.

Halos isumpa nga niya ang propesor dahil binigyan lang sila ng one week para tapusin ang research nila. Kaya sa kaba niya, humingi siya ng tulong kay Ilaw.

"Ayos lang ako. Bakit mo natanong?" nakangiwing balik tanong niya sa kaibigan.

"Namumula kasi ang mukha mo, eh. Akala ko nilalagnat ka na naman," saad ng kaibigan.

Napakamot na lang siya ng batok sabay ngiti sa kaibigan. Nang makarating sa research department ay nando'n na ang apat na propesor. Sila ang mga panelists sa defense.

Hindi niya alam kung kinakabahan ba siya o nati-tense siyang makita si Prof. Dazil, pa'no ba naman, halos magkahalikan sila kaninang umaga no'ng pakiusapan niya itong huwag siyang gisahin sa defense. Hindi pumayag ang propesor at inasar pa siya nito kaya sa inis ay hinila niya ang necktie nito na hindi niya dapat ginawa. Na-out of balance kasi siya dahilan upang pareho silang bumagsak sa sahig, nakakubabaw sa kaniya ang propesor at muntikan nang magdikit ang kanilang mga labi.

Mula pa noong nakaraan ay hindi na siya mapakali. Halos hindi na nga siya natulog sa pag-aaral ng research nila. Dinamay niya rin si Ilaw, kinatok niya ito sa kuwarto sa kalagitnaan ng hatinggabi.

Flashbacks

PALAKAD-LAKAD siya sa harap ng kaniyang kama habang piping nagdadasal na sana ay hindi matuloy ang defense dahil hindi pa siya ready. Halos tawagin na niyaang lahat ng mga santo ngunit alam niyang nanaginip lamang siya ng gising sa kaniyang hiling. Dala ang laptop ay lumabas siya ng silid at tinungo ang kuwarto ni Prof. Dazil na alam niya kanina pa natutulog. Walang pasabing hinampas niya ang pinto imbes na katukin iyon.

"Ilaw! Ilaw!" sigaw niya ngunit walang nagbukas ng pinto.

DARK University Series #1: Teach Me, Professor Where stories live. Discover now