Chapter XIV

3K 153 42
                                    

TULALANG naglalakad si Giya papunta sa PolSci department habang nakasabit ang bag sa kaniyang balikat. Hindi mawala-wala sa kaniyang isip ang nangyari kaninang madaling araw sa labas ng university. Yes. Nakabalik na siya sa university since ayaw niyang mahuli na tumakas na naman siya. Actually, ayaw pa sana niyang bumalik kundi lang nag-text si Xia sa kaniya na baka hanapin siya ni Prof. Dazil kapag hindi siya bumalik agad. Kaya matapos ang nangyari kaninang madaling araw sa loob ng kotse ng lalaki––nalimutan niyabg itanong ang pangalan nito dahil sa pagmamadali niya.

Lulan pa kasi siya ng sasakyan noong estranghero kanina nang matanggap niya ang text ni Xia. Which is ipinagpasalamat dahil natauhan siya mula sa pagkatulala matapos marinig ang mga katagang binitawan ng lalaking iyon kanina.

" Xîhuan."

" Xîhuan."

" Xîhuan."

Parang silang plaka na nagpaulit-ulit sa pandinig niya ang mga salitang iyon. Sa buong buhay niya, ngayom lang siya napatulala ng isang lalaki. Ngayon lang siya tinalaban ng mga salitang kadalasan ay siya ang nagsasabi just to make some jokes or fun.

Sa sobrang pagka-occupied ng kaniyang isip ay hindi na niya namalayang mabubunggo na niya ang isang taong nakatayo sa kaniyang dinaraanan.

"Araayy!" daing niya nang mauntok ang kaniyang noo sa matigas na likod ng taong nakabunggo niya.

"Giya?" a baritone voice filled her ear.

Kamot ang noong nag-angat siya ng tingin sa taong kabunggo niya. Napatuwid siya nang tayo ng makita si Prof. Kizil na kausap Ayana.

Napatingin pa siya sa babae at naningkit ang mga matang nakatingin na ito sa kaniya. Pasimpleng inirapan naman niya ito bago bumaling uli kay Prof. Kizil na animo'y sinusuri siya.

"You didn't sleep well last night, aren't you?" takang tanong pa ng professor.

"Hehehe. You've guessed it right." Nakangiting aniya sa professor.

Napapailing na tiningnan siya nito. "You look so sleepy. Why don't you sleep first?" saad nito na ikinanguwi niya.

"Mag skip class ako para parusahan na naman ako ni Ilaw ng sandamakmak na aralin?" nakangiwing bulalas niya sabay iling.

"But I bet that you're just sleeping on the class later on." Nakatitiyak na wika ng professor.

"Mas mabuti na iyong matulog ako na nasa klase dahil present pa rin ako. Eh 'di hindi ako mapaparusahan ni Ilaw," aniya na ikinabunting-hininga ng kausap.

"You're really unbelievable," naiiling na wika nito bago siya tinalikuran.

'Abah! Bastos to, ah!'

'Hmp!'

Talikuran daw ba siya. Nang tingnan niya si Ayana ay nakita niyang pasimpleng ngumisi ang gaga. Inirapan lang uli niya ito bago nilagpasan ang mga ito.

Nagmamadaling naglakad siya papunta sa PolSci department nila dahil Political science ang subject nila ngayon, which is one of her major.
Malapit na sana siya sa classroom niya nang biglang may tunawag sa kaniya dahilan para mapatigil siya.

"Cutie!" napatigil sa ere ang kaniyang isang paa nang akmang hahakbang na sana siya nang marinig niya ang boses ni Hopper.

Napalingon siya sa kanan at nakita niya ang binata na nakapamulsang lumapit sa kaniya.

DARK University Series #1: Teach Me, Professor Where stories live. Discover now