Chapter XXXII

1.8K 46 41
                                    

Day 4 (Danger)

TUWANG-TUWA na naglalakad si Giya sa daang tinahak nila sa loob ng gubat. Hawak ang isang flag na nakita niya kanina ay tinungo nito ang gawing kanan kung saan may nakita siyang mga bulaklak. Umaasa rin siyang makakita ng flag doon. Ang activity nila sa hapong iyon ay kailangan nilang hanapin ang mga flags na inilagay sa gubat. Ang unang makakahanap ng tatlong flags at makabalik sa camp ay siyang mananalo. The winner will get free tickets going to the country he/she wanted to visit for at least one week vacation. At dahil usapang vacation 'yon, 'di siya magpapatalo. Gusto pa naman niyang pumunta sa tsina para bisitahin ang great wall of China na itinag noong kasagsagan ng giyera.

It was built around 220 B.C.E., under Qin Shi Huang supremacy, the First Emperor, united China. He masterminded the process of uniting the existing walls into one.

Sa pagkakaalam niya, itinatag ang mahabang muog ng tsina upang maprotektahan ang kanilang bansa laban sa mga mongol. Libo-libong mga manggagawa ang nagtutulungang itatag ang great wall of China. Hindi lang tatlong daang libong kawan o mga sundalo ng tsina ang gumawa. Nagpatawag din ng mahigit limang daang libong manggagawang sibilyang tsino upang mapadali ang paggawa ng great wall.

It is also known as the longest man made structure in the world. It has over 21,000 entire wall kilometers long. The average height and width of about six to eight metres. Dahil sa laki at haba ng great wall, pinaniniwalaang umaabot ito ng tatlo hanggang anim na buwang paglalakad doon.

Speaking of walking. Hindi na namalayan ni Giya na nalalayo na siya sa kaniyang mga kasamahan. Ilang beses pa itong tinatawag ng pres nila ngunit parang wala siyang narinig.

"Wow! Ang ganda ng mga ito!" tuwang-tuwa na anas niya nang makalapit sa mga bulaklak na naroon.

Napatingin siya sa unahan, may nakita siyang kakaibang bulaklak na nakakulombitin sa isng puno. Napakaganda tingnan, gustong-gusto niyang kuhanin subalit malapit sa bangin ang dereksiyon niyon.

Philippine Jade Vine or locally known as Tayabak is native flower to the Philippines. It has a unique claw-like shape that hangs on a tree. Jade Vine Flower blooms turquoise or aquamarine flower. Its striking color and interesting appearance makes it one of the rarest flowers in the world. It typically blooms from March to April.

Also called Emerald Vine, the Philippine Jade Vine is truly a sight to behold. This rare tropical plant only thrives in tropical rainforests with rich biodiversity. 8 species of Jade Vine are considered endemic here in the Philippines. (Source: Google)

Nangangati ang mga kamay niyang abutin ang nasabing bulaklak kung kaya't dahan-dahan siyang naglakad palapit doon. Hindi alintana ang nakakatakot na bangin, nakalapit siya sa puno.

"Ang ganda..."

Tumingkayad siya upang abutin ang bulaklak ngunit hindi niya iyon maabot. Ikaw ba naman ang pagpalaing halos kasing tangkad ni Emao sa encantadia.

Eme.

"Ayaw mo magpaabot ha," ibinaba niya ang isang flag na hawak bago tumingin sa puno.

Nakapamaywang pa siya habang tumatangong nagsasalita. "Aakyatin na lang kita." Hawak ang sanga ng puno, buong lakas na kumapit siya roon upang makaakyat sa taas.

Napamura pa siya sa tuwa nang maabot ang bulaklak bago iyon pinitas. At dahil hindi siya makababa'ng hawak ang bulaklak, kinagat niya ang maliit na sanga niyon bago dahan-dahang bumaba.

"Mahirap na at baka mahulog pa ako, wala pa namang sasalo." Hirit pa niya hanggang sa tuluyang makababa.

DARK University Series #1: Teach Me, Professor Where stories live. Discover now