chapter V

3.6K 195 2
                                    

PILIT sinisilip ni Giya ang mukha ni Prof. Dazil na natatakpan ng maskara habang naglalakad sila papunta sa office nito. Curious na curious talaga siya sa mukha ng professor simula pa lang. Pasimpling tumabi siya rito at tumingkayad para sana tanggalin ang maskara nito nang mabilis na napigilan ng professor ang kaniyang kamay. Napangiwi pa siya nang maramdaman ang mahigpit na pagkakahawak nito sa pulsuhan niya.

"You can't trick me, Miss Concoles." Seryusong wika nito bago binitawan ang kamay niya.

She pouted.

"Bakit ba kasi hindi mo tanggalin ang maskara mo." Nakangusong aniya.

Hindi umimik ang professor dahilan para mapairap siya sa kawalan. Parang nakikipag-usap lang siya sa bato, eh. Minsan napagkakamalan niyang maligno ang lalaki. Ang puti-puti pa naman nito na dinaig pa ang kutis babae.

Nang makarating sa tapat ng office nito ay naunang pumasok ang professor. Bigla siyang napatigil at mabilis na tumingin sa paligid. Para kasing may taong nakamanman sa hindi niya malamang dahilan.

Napadako ang mga mata niya sa isang malaking puno na malapit lang sa office ng professor. Napakunot ang noo niya nang makitang parang may taong nakatago roon.

"Sino ba yun?" Takang tanong niya.

She was about to look for that person when Prof. Dazil called her in a hoarse voice.

"Miss Concoles, are you planning to escape?" Napangiwi na lang siya bago pumasok sa loob.

"As if naman makakatakas ako, eh." Bulong niya bago isinara ang pinto.

Napakusot pa siya ng mata upang maka-adjust sa dilim ng silid nito. Akmang kukunin niya ang cellphone para sana may flashlight siya nang pigilan siya ng professor.

"I told you, no flashlight is allowed here." Paalala nito.

Napabusangot na lang siya at ibinalik sa bag ang cellphone niya. Kapagkuwan ay napausog siya nang may biglang pumasok at tuloy-tuloy na lumapit ito kay Prof. Dazil.

"Daz, I saw someone's spying on you." Kasinlamig din ng yelo ang boses na wika nito.

It was Prof. Arzil Moonvalle, his second brother. Mukhang napansin din ata ng lalaki ang nakita niya kanina sa labas.

"Tsk! Just let him be." Maikling sagot ni Prof. Dazil na animo'y alam na nitong may nagmanman talaga sa kaniya.

Napataas ang kilay niya. Hindi naman niya nakitang lumingon ito kanina sa puno kung saan niya nakita ang taong nagmamanman, ah. Papaano nitong nalaman na––napatakip siya ng bibig. Nanlalaki pa ang mga mara pati ang butas ng ilong niya habang nakatingin sa professor. Baka tama ang hinala niyang maligno talaga ang binata.

"I'm not a 'maligno', Miss Concoles. Stop thinking some stupid things." Biglang sabi ni Prof. Dazil na ikinathimik niya.

Papaanong nalaman nito ang nasa isip––oo nga pala, nakalimutan niyang mind reader nga pala ang professor.

"Ikaw na magaling," bulong niya bago dahan-dahang naglakad palapit sa sofa nito.

She was about to sit when the professor spoke.

"Did I told you to sit?"

She turn around with a poker face.

"Hindi. Pero gusto kong umupo––teka! Nasaan na si Prof. Arzil?" Takang tanong niya nang hindi na niya makita ang kapatid nito.

DARK University Series #1: Teach Me, Professor Where stories live. Discover now