Chapter XI

3.1K 162 24
                                    

TULALANG nakaupo si Giya sa labas ng private medical room sa underground ng university. Nakaharap siya sa pinto ng medical room. Nasa loob niyon si Prof. Dazil na ginagamot ni Prof. Arzil at ng dalawang kapatid nito. Alalang-alala ang magkakapatid sa kalagayan ng professor dahil nasa critical ang buhay ng binata. Ang sabi ni Arzil kanina ay may lason ang bala na tumama sa professor kaya nag-iba ang kulay ng balat nito. Mabilis din kumalat ang lason sa katawan nito.

Unti-unting pumatak ang kaniyang mga luha ng maalala ang nangyari kanina bago pa dumating ang tatlong magkakapatid.

Flashback

NATUOD si Giya sa kinatatayuan nito nang makitang nakabulagta sa lupa ang professor. Wala na itong malay at mabilis na nag-iba ang kulay nito. Parang... parang nalason ito at––napatingin siya sa lalaking bumaril kay Prof. Dazil, pilit tumayo ang lalaki at may hiwa ito sa dibdib. Kumuyom ang kaniyang kamao, nandilim ang kaniyang mga mata. Bumaba ang kaniyang paningin sa lupa kung saan may baril siyang nakita. Kung hindi siya nagkakamali, pag-aari iyon ng professor.

Bago pa man tuluyang makatayo ang lalaking bumaril sa professor ay mabilis na napulot niya ang baril. Itinutok sa gawi ng lalaki na saktong humarap sa kaniya.

"Bakit mo siya binaril?" galit na sigaw niya.

Her voice was different than normal.

Malayo sa bata at cute na boses nito. Nanginginig at nag-iinit ang kaniyang katawan sa galit.

"Abah, matapang kang bata," nakangising wika ng lalaki at tinutukan siya ng baril. "Mukhang 'di ka naman marunong gumamit ng baril, bata. Ang inosente mong tingnan––"

"Tumahimik ka!" umalingawngaw ang malamig na boses niya sa gubat. "Bakit mo siya binaril?" nanlilisik ang mga matang tanong niya.

Tumawa ang lalaki habang napapailing. "Bagay lang iyon sa kaniya. Mawawala na rin siya sa landas––" kinalabit niya ang gatilyo ng baril nang nakapikit.

DARK University Series #1: Teach Me, Professor Where stories live. Discover now