Chapter XXII

3K 169 29
                                    

NAKATUNGANGA lang si Giya habang nakaharap sa mesa ni Prof. Dazil kung saan busy na busy ang propesor sa nakabukas na laptop nito. Nakaupo siya sa sopa at kumamain ng apple, kakatapos lang kasi ng klase niya sa hapon. Hindi niya alam kung bakit na naman siya pinapapunta roon ng propesor. Nitong mga huling araw ay halos palagi roon sa opisina ng binata ang punta niya kapag tapos na ang klase. Doon na rin siya mananghalian, syempre kasabay ang lalaki. Bantay salakay siya rito, dinaig pa nitong tatay niya. Kahit nga ang si Tipaklong ay hindi na niya nakakausap, tanging sa text na lang sila nagkakausap.

Matamang tinitigan niya ang propesor. Pansin talaga niyang may problema ito, kahit nga ang mga kapatid nito ay busy na rin. Minsan ang ibang subject teacher na lang ang nagtuturo sa kanila.

Tumayo siya saka dahan-dahang lumapit sa table ng propesor. Palihim na sumilip siya sa ginagawa nito, napataas ang kilay niya nang mabasa ang pangalan ni Misty sa laptop nito.

'Inii-stalk ba niya si Misty?'

Naningkit ag kaniyang mga matang tiningnan ang propesor. Kailan pa ito naging stalker, isa pa, bakit kailang pa nitong i-stalk ang babae?

Yumuko siya mula sa likuran nito upang silipan ang laptop at basahin ang mga nakasulat doon. Kundi siya nagkakamali, personal information iyon about kay Misty.

"What are you doing?" biglang tanong ng propesor sabay lingon sa kaniya dahilan para mabikis na napalayo siya.

Muntik na kasing mauntog ang noo nilang dalawa. Napakamot na lang siya ng batok at kagat-labing umiwas ng tingin dito.

"Sumilip lang ako. Ang busy mo kasi," nakalabing aniya.

Tiningnan siya nito ng ilang segundo bago bumalik sa ginagawa nito. Lumapit uli siya saka naupo sa arm chair ng swivel chair nito.

Hindi naman siya nito sinita at bagkus ay nakikain pa sa hawak niyang mansanas.

"Bakit mo inii-stalk si Misty?" nakangusong tanong niya rito.

"I'm not."

"Anong hindi? Ayan oh!" Turo niya sa laptop nito.

He sighed.

"I'm just looking––" napatigil ito sa pagsasalita nang may kumatok sa pinto at pumasok so Arzil.

Natigilan pa ito nang makita siya na nakaupo sa arm chair ng kapatid. Nginitian naman niya ito bago nagsalita ang lalaki.

"Daz, I have something to discuss with you." Prof. Arzil said in a meaningful tone.

"Okay." Tumayo ang propesor saka nakapamulsang naglakad paalis.

Hindi pa man ito nakakahakbang ng tatlong beses ay bigla itong huminto ng mawala sa paningin nila si Prof. Arzil at bumalik sa gawi niya ang binata.

"Ahh," anas nito sabay yuko sa harapan niya.

"Gusto mo ng apple?" Turo niya hawak na mananas.

He nodded. "Just one bite and I'll leave," he said using his husky voice.

'Ane be 'yen, tengene.'

Humakbang siya palapit dito saka kuminto at bumulong sa tainga ng batang propesor. "Kung gusto mong kumain, kumuha ka sa ref, marami ro'n. Hindi ka naman kimay, eh." Lumayo rito saka kinagat ang mansanas sa harap ng lalaki.

Sumama ang tingin nito sa kaniya pero inasar lang niya ito. Akmang tatalikuran niya ito nang mabilis na nahawakan ng binata ang kaniyang balikat at walang pasabing kumagat ito sa mansanas na nasa kaniyang bibig.

DARK University Series #1: Teach Me, Professor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon