Chapter XX

3.4K 184 43
                                    

Every thing has its own value. But it may be gone sooner or later. So, cherish it while you still have it.

NAKAUPO si Giya sa harap ng malaking salamin sa loob ng kaniyang silid na inuukupa sa bahay ng propesor habang iniisip kung saan siya dadalhin mamaya ni Prof. Dazil. Niyaya kasi siya ng propesor na may pupuntahan sila mamayang gabi ngunit 'di nito sinabi kung saan. Idagdag mo pang medyo naiilang siya rito matapos ang nangyari kahapon sa kanila. Halos wala siyang maimukha nang asarin siya ng propesor. Paalalahanin daw ba siya sa kaniyang mga sinabi noong nahulog siya.

Flashback


"A-anong kailangan mo?" nauutal na tanong niya.

Titig na titig ito sa kaniya. "About what you said earlier..." he paused.

Mabilis na napaiwas siya ng tingin. "H-ha? May sinabi ba ako?" pagmamang-maangan niya.

"Yes. You have," biglang bumaba ang mukha nito sa kaniya dahilan para manlaki ang kaniyang mga mata. "And I clearly heard it."

Sunod-sunod na napalunok siya. Hindi na maawat ang lakas nang tibok ng kaniyang puso. Nag-init ang kaniyang mga pisngi.

"W-wala akong sinabi," tanggi niya.

He grinned. "Really?" he teased. "But I clearly heard that you said..." he paused to tease her again.

"A-ano ba'ng sinabi ko?" kagat-labing hamon niya rito.

Sinubukan niyang iiwas ang kaniyang mga mata rito ngunit pilit nito iyong hinuhuli. Nakagat niya ang pang-ibabang labi niya upang pigilan ang kaniyang imosyon.

He chuckled again. "You said... ěr, xǐhuān .

(Translation: Dazil, I like you.)

Her heart skip from beating as she heard those words that she said earlier. But to think of it honestly, she admit that she meant it.

'I meant it.'

Hindi siya nakapalag pa nang hawakan ulit ng propesor ang kaniyang baba at hinuli nito ang kaniyang mga mata.

Her heart stop from beating when their eyes locked to each other. His eyes were full of unreadable and unpredictable emotions.

Ang palaging blanko at walang kabuhay-buhay na mga mata nito ay napuno ng mga sari-saring imosyon na hindi niya mabasa o mapangalanan.

DARK University Series #1: Teach Me, Professor Where stories live. Discover now