Chapter XVII

3.4K 200 74
                                    

HINDI maintindihan ni Giya ang nararamdaman niya habang buhat siya ni Prof. Dazil papunta sa kung saan. Pakiramdam niya ay sasabog siya sa sobrang init ng kaniyang at gusto niyang maghubad ng saplot sa katawan. Nag-iba na rin ang kaniyang paningin, parang naging doble ang bawat nakikita niya. Nagiging malabo at para siyang nagha-hallucinate. Panay lang ang likot niya sa sobrang init habang nakakapit nang mahigpit sa braso ng binata. Pinilit niyang maging maayos ang kaniyang paningin at tinitigan ang professor.

Mas naging triple pa ang init ng kaniyang katawan nang mapadako ang kaniyang mga mata sa labi nito. Pakiramdam niya ay gusto niya itong halikan.

'Ano bang nangyayari?'

"Ang init..." mahinang ungol niya.

"Fuck. Don't move," sita sa kaniya ng professor.

Hindi siya nakinig, dala na rin ng kakaibang pakiramdam ay iniyapos niya ang kaniyang mga kamay sa leeg ng professor at walang pasabing hinalikan ito.

"Uhm..." mahinang ungol niya nang maglapat ang labi nila ng professor.

Napatigil ito sa paglalakad at parang natuod sa kinatatayuan nito dahil sa kaniyang ginawa. Wala na siya sa tamang huwesyo kaya iginalaw niya ang kaniyang labi laban sa labi ng binata.

Medyo gumaan ang kaniyang pakiramdam ngunit mas lalong tumindi ang init ng kaniyang katawan.

Ni hindi man lang niya inalinta ang maskara ng binata na naging hadlang sa paghalik niya rito. Wala na sa tamang dereksiyon ang kaniyang isip. 

"S-shorty, stop it." Lumayo ang mukha nito sa kaniya pero mabilis na sinapo niya iyon upang pigilan.

"I want to kiss you." Hinila niya ang batok nito at muling sinakop ang labi nito.

She's out of herself right now.

"Fuck!" mahinang mura ng professor at mabilis na pinigilan siya.

Naramdaman niya ang mahigpit na pagkakabuhat nito sa kaniya habang mabilis na naglalakad. Nagpupumiglas siya sa mahigpit na pagkakabuhat nito at parang balim na hinaplos ang leeg nito.

Tumiim ang bagang ng propesor nang paglandasin niya ang kaniyang mga daliri mula sa leeg pataas sa labi nito. Gustong-gusto niya itong halikan sa hindi malamang dahilan.

"Ilaw," halos pabulong na tawag niya rito.

"Hmm?"

"Ang init," sumbong niya.

"I know. I feel the same too. Someone's put a pill on the alcohol we drunk." Parang nahihirapang wika ng professor.

Wala siyang masyadong naintindihan sa sinabi nito. Napaungol siya nang mas lalong tumindi ang init ng kaniyang katawan.

Hindi niya rin namalayang pumasok sila sa isang madilim na silid at inilapag siya sa malambot na kama. Halos nagpagulong-gulong siya sa kama para lang mabawasan ang init na nararamdaman niya.

"Shorty, stop moving. You'll fall on the floor––fvck!"

Bigla siyang nahulog sa sahig ngunit hindi siya nakaramdam ng kahit anong sakit. Gusto niyang hubarin ang suot niya kaya hinila niya pataas ang dulo ng kaniyang dress upang hubarin iyon nang may pumigil sa kaniya.

"D-don't remove your clothes––shit! I feel dizzy––stop it." Hinawakan nito ang kaniyang mga kamay bago siya binuhat pabalik sa kama.

Hinaplos niya ang sariling katawan na para bang mababawasan niyon ang kaniyang nararamdaman. Nauuhaw na rin siya, gusto niyang uminom ng malamig na malamig na tubig.

DARK University Series #1: Teach Me, Professor Where stories live. Discover now