Chapter XIII

3K 156 19
                                    

"AHHH!" tili niya nang tuluyan siyang nahulog mula sa bakod. Tuloy-tuloy na bumagsak ang kaniyang katawan sa lupa at malakas na napadaing siya dahil sa sakit ng kaniyang puwet. Hindi agad siya nakagalaw at parang nanigas ang kaniyang katawan sa lupa. Parang nakakita siya ng five star nang ipinikit niya ang mga mata. Napakahapdi rin ng kaniyang siko dahilan para mapangiwi siya lalo.

It was out of her guars.

"Cutie!" rinig niyang sigaw ni Hopper.

Sinubukan niyang igalaw abg kaniyang katawan ngunit napading siya sa akit."Araayy!" mangiyak-ngiyak na daing niya.

Napaluha siya nang maramdaman ang sakit ng kaniyang puwet. Pahiga kasi siyang bumagsak sa lupa. Buti na lang at walang mga bato ang binagsakan niya. Kung hindi, baka paglalamayan na siya bukas sa mansion ng kaniyang mga magulang.

"Cutie!" bakas ang pag-aalala sa boses na sigaw ni Hopper.

Nanlaki ang mga mata niya nang makitang umakyat ito ng bakod at walang kahiraphirap na tumalon pababa. Parang sanay na sanay na itong umakyat at tumalon sa ganoon kataas na bakod. Napataas ang kaniyang kilay.

Agad na dinaluhan siya nito saka tinulungang bumangon. "Are you ok? May masakit ba sa 'yo?" puno ng pag-aalalang tanong nito.

Sinuri pa nito ang kaniyang katawan at napatigil  ito nang makitang dumudugo ang kaniyang siko. Naitukod niya kasi iyon kanina nang bumagsak siya sa lupa.

"Fvck! You're bleeding," hindi mapakaling bulalas nito.

Tiningnan niya iyon at dumudugo nga ang kaniyang siko. Nagulat siya bigla nang punitan ni Hopper ang pang ilalim na damit nito na sa tingin niya ay sando na puti saka iyon itinali sa kaniyang sugat.

Hindi naman gano'n kalaki ang sugat sa siko niya. "A-ayos lang naman ako. Maliit lang naman ang sugat ko, eh."

Hindi ito nagsalita at hanggang sa matapos nitong talian ang kaniyang sugat. Bakas talaga ang pag-aalala sa mukha nito.

He look like a worried boyfriend.

"Where do you feel hurt?" tanong pa nito at muling sinuri ang kaniyang katawan.

"W-wala naman na, ayos na ako."  Pagsisinungaling na at tiniis ang sakit nang kaniyang puwet.

Bigla silang nakarinig nang mga yabag dahilan para mataranta siya. Mabilis na tumayo siya na ikinangiwi niya. Agad naman siyang inalalayan ng kaibigan.

"Tipaklong, may tao, bumalik ka na sa loob. Bilisan mo, dali!" Hinila niya ito para pabalikin sa loob.

"Wait––"

"Huwag ka nang maraming sinasabi, bumalik ka na sa loob!" giit niya rito ngunit ayaw sumunod ng binata.

Mas nataranta pa siya nang maramdamang malapit na sa gawi nila ang mga yabag.

"Hey! Calm down, okay?" pagpapakalma nito sa kaniya.

"Pero––" biglang may mga dumating na mga lalaking nakasuot ng itim na ikinalunok niya.

Mabilis siyang nagtago sa likod ng kaibigan. "Don't worry, they're my personnel." Hopper said.

DARK University Series #1: Teach Me, Professor Where stories live. Discover now