Chapter XXX

4.3K 145 97
                                    

NAPAIKOT sa sobrang tuwa si Giya nang makababa ng hagdan habang nakasunod si Prof. Dazil na hila-hila ang kaniyang maleta. Lingid sa kaniyang kaalaman ay pinagmamasdan lamang siya ng binata. Nang makita sila ni Reid ay aligagang kinuha ng lalaki ang hila-hilang maleta ng propesor ngunit itinaas lamang nito ang kaliwang kamay upang iparating na ito na ang magdadala ng kaniyang maleta. Nag-aalangang tumango si Reid bago tumingin sa kaniya saka umalis. Hinintay niyang makalapit ang binata bago sinubukang kuhanin ang kaniyang maleta ngunit ayaw ibigay ng propesor. Seryuso lamang itong naglalakad na para bang istatuwa.

"Akin na 'yan, ako na magdadala. Nakakahiya naman sa 'yo. Nagkaamnesiya lang ako, hindi ako pungkol," aniya pero nilagpasan lang siya nito. "Anak nang... hoy!" sigaw niya saka mabilis na sumunod dito.

Halos mapamura siya nang bigla itong huminto at saktong nagplakda ang kaniyang mukha sa malapad at matigas nitong likuran. Sa inis niya, kinagat niya ang likod nito dahilan upang malutong na napamura ang propesor.

"Fuck! Stop it, Shorty," he warned.

Isang kagat pa ang kaniyang ginawa bago lumayo rito. Madilim ang mga matang humarap ito sa kaniya kaya't napatakbo siya palabas. Binilatan pa niya ang lalaki upang asarin ito.

Nasa mood siya ngayon kaya ang sarap mang-asar lalo na't nakakaasar ang kaniyang kasama. Palagi kasing seryuso na akala mo dala-dala nito ang pag-ikot ng mundo.

"Stop running, Shorty, you'll be dizzy." Turo nito sa kaniya upang patigilin siya. "Jesus Christ! Stop running woman!"

May pag-aalala sa tonong sita nito sa kaniya. Lihim na napangiti siya. Marunong naman pala mag-alala ang binata. The last time na nahimatay siya sa tapat ng pinto nito sa opisina ay hindi raw ito mapalagay sabi ni Prof. Arzil hanggang hindi siya nagigising.

"I'm not a kid para paalalahanan mo pa," nakangiwing asik niya rito.

"On your height? Yes, you are still a kid for me." Prof. Dazil teased.

Napanguso siya sa sinabi nito. Ipamukha raw ba sa kaniya ang height niya.

"I hate you."

"Don't you dare."

"Daddy, I hate you."

"Shorty," he warned.

"What? I hate you!" kunwaring nagtatampong sigaw niya rito.

"Don't hate me. You're still my cute baby," parang tinambol ang puso niya sa mga katagang narinig mula sa propesor.

'I am his cute baby?'

'Tanginang 'yan, pati apdo ko kinilig ata to the bone.'

Kagat-labing nagpipigil siya ng ngiti saka tiningnan ang lalaki. Walang nagbago sa awra nito. Parang normal lang dito na sabihin ang mga katagang 'yon kanina.

'Robot ata 'tong taong ito, eh.'

"Ano'ng sabi mo?" kunyari hindi niya narinig ang sinabi nito.

"Tsk. Eyes on your way, baby," anas nito pero tinawanan niya lang naman ang binata. "Be careful!"

"Mama mo careful." Tumatakbong aniya nang saktong pagharap niya ay tumama ang kaniyang mukha sa hamba ng pinto dahilan upang makakita siya ng five star.

'Pakshit!'

"Baby!" aligagang lumapit si Prof. Dazil sa kaniya nang bumagsak siya sa sahig.

DARK University Series #1: Teach Me, Professor Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ