Chapter IV

3.6K 209 12
                                    

Dalawang linggo pa lang si Giya sa DARK University pero nagbabalak na itong tumakas ng unibersidad. Gusto niyang pumunta sa labas upang gawin ang lahat nang nakagawian niya noon. Sa dalawang linggo na pananatili sa unibersidad ay hindi niya magawa ang lahat ng gusto niya. Magmula kasi nuong tinanong siya ni Professor Dazil kung sino si Aristotle at pilosopo ang naging sagot niya kaya naging mahigpit ito sa kaniya. Lahat ng kabulakbulan na ginagawa niya ay hindi makakalusot sa professor. Masyado itong istrikto at seryuso pagdating sa klase.

Kapag hindi niya nasagot ang tanong nito ay sandamakmak na sulatin at takdang-aralin ang ibibigay sa kaniya. Minsan ay pinapalinis sa kaniya ang canteen bilang parusa tuwing namimilosopo siya sa professor. Minsan naman ay ang weird na office nito ang pinapalinis sa kaniya.

Ayaw pa ng professor na may makikita itong dumi o alikabok sa mesa, sahig at upuan nito. Hindi sila magkasundo ng professor lalo na kapag nasa classroom. Ngunit tuwing naglilinis siya sa office nito ay hindi naman ito ganun ka istrikto. Masungit ito pero kinakausap naman siya––gamit ang nakakakilabot at parang nang-aakit na boses nito. Ang mga mata nitong makikitaan mo lang ng emosyon kapag nasa office.

Minsan naiisip niyang magkaibang tao ang nakakasalamuha niya sa office at sa professor na iniinis niya sa classroom tuwing class hour nito. Sinusubukan niya ring alisin ang maskara nito ngunit dahil maliit siya, isang hawi lang sa kaniya ng professor ay napapalayo na siya rito. At ngayon, naisip niyang tumakas at magwalwal sa labas ng unubersidad.

"Giya, may lakad ka? Gabi na, ah?" Halos mapatalon siya sa gulat dahil sa pagsulpot ni Shanayah nang buksan niya nag pinto ng dorm nila.

Akala niya ay nasa loob na ito ng kuwarto at tulog na. Napatingin pa siya sa hawak nito na agad naman nitong itinago sa likod nito.

Lihim na napangiti na lang siya sa kaibigan. Oo, magkaibigan na sila, ito lang kasi ang pinagkakatiwalaan niya. Hindi siya basta-basta nagtitiwala ng tao lalo na kapag sa tingin niya ay may abilidad ito.

"Magpapahangin lang ako sa labas. Naiinip ako sa kuwarto ko, lagi ko naalala ang nakakainis na si Professor Dazil Moonvalle." Nakangiwing sabi niya sabay kaway rito.

Hindi na niya hinintay ang sagot ng kaibigan at parang batang nakatakas na nagtatalon paalis. Natatawang napailing na lang si Shannayah sa kaniya.

Malaki ang ngiting lumabas siya ng gate at prenteng naglakad habang nakasuksok sa bulsa ng hood niya ang isang kamay. Ang isa naman ay hawak ang cellphone at wallet niya. Panay pa ang tingin niya sa paligid na baka may makakita sa kaniya bago lumiko ng daan at pumunta sa palikuran na malapit lang sa gate.

Ayaw niyang dumaan sa gate dahil minsan na niyang ginawang tumakas at inuto ang dalawang guard ngunit hindi siya nakalusot. Minsan naisip niyang bawiin abg chocolates na binigay niya sa mga ito noong unang araw niya sa unibersidad.

Napatingala siya sa pader na puwede niyang akyatan ng makarating sa palikuran. Buti na lang medyo madilim at sapat lang ang kunting liwanag para makaakyat siya't makababa. Kahapon pa niya iyon nakita na hindi gaano kataas ang pader roon.

Mabilis na umakyat siya sa pader at mahinang napamura siya nang muntikan na siyang mahulog, buti na lang at nakakapit kaagad siya. Hanggang sa makabaa siya dahilan para magtatalon siya sa tuwa. Napasuntok pa siya sa hangin at kapagkuwan ay tumakbo siya palayo roon.

Dinaig pa niyang magnanakaw sa kilos niya. Akalain mong ang isang maliit at maamong mukhang tulad niya ay pasaway pa sa mga lalaking basagulero.

"Woah! I'm free!" Tuwang-tuwa na hiyaw niya nang makarating sa kalsada.

DARK University Series #1: Teach Me, Professor Where stories live. Discover now