chapter III

3.7K 219 41
                                    


NAKANGUSONG nakasunod lang si Giya kay Professor Dazil na tuloy-tuloy lang sa paglalakad at hindi man lang siya nilingon nito. Kanina pa sila naglalakad sa kung saan hanggang sa tumigil sila sa harap ng malaking pinto. Nagtatakang tiningnan niya ang likod ng professor nang ma-realize kung nasaan sila. Nakita niyang ini-scan ng professor ang kamay nito dahilan para bumukas ang malaking pinto. Nauna itong pumasok habang siya ay nakangangang nakatingin lang sa pinto.

"Get in if you want to save yourself." Malalim ang boses na wika ng professor.

Napalabi na lang siya at mabilis na sumunod dito. Ngunit napatigil siya sa pagtakbo dahil sa dilim ng loob na animo'y isang malalim na gabi. Wala siyang makita kahit na ano.

"Professor Dazil, bakit ang dilim?" Boses batang tanong niya.

Wala siyang narinig na sagot mula sa professor dahilan para mapalunok siya.

"Professor Dazil!" Sigaw niya habang nangangapa.

Dahan-dahan siyang naglakad na nangangapa pa rin. Nakarinig siya ng nakakatakot na langitngit ng pinto dahilan para takot na napasigaw siya.

"Mommy!" Takot na sigaw niya sabay takbo sa kung saan.

Hindi na niya alam kung ano iyong mga nasagi at nabunggo niya, tanging mga ingay nang pagkabasag lamang ang narinig niya.

"Fvck!" Rinig niyang sigaw ng kung sino.

"Professor Dazil, buksan mo yung ilaw! Wahh!" Nagsisigaw na wika niya habang tumatakbo pa rin.

Mangiyak-ngiyak na napasigaw siya tuwing tatama sa kung saan ang noo at paa niya.

"Stop running, woman!" Isang nakakatakot at nakakapanindig balahibo ang nagpatigil sa kaniya.

Kasabay niyon ang pagbukas ng dim lights na sakto lang para maaninag niya ang paligid. Mabilis na hinanap niya Ang professor ngunit hindi niya ito nakita.

Napalunok pa siya nang makitang kulay pula't itim ang tema ng silid na animo'y isang silid ng bampira. Nanginig bigla ang mga tuhod niya nang maalala ang nasaisip niya kanina. Napayakap siya sa sarili dahil sa lamig na bumalot sa katawan niya.

'H-hindi kaya... hindi kaya bampira si Professor Dazil?'

Kagat-labing tanong niya sa isip habang tinatapunan ng tingin ang bawat sulok ng silid. Napakalaki niyon at nakakapanindig balahibo ang silid. Idagdag mo pang masyadong dim ang ilaw na mukhang sinadya talaga.

Mas tumindi ang takot at hinala niya nang mapagtantong takot sa ilaw ang mga bampira kung kayat siguro ay dim lang ang ilaw ng silid. Napapikit siya habang unti-unting umupo yakap ang sarili.

Naalala niya nag sinabi ng mga kaklase niya kanina. Ito ba ang ibigsabihin ng mga ito nung sinabi nilang hindi na nakabalik iyon Kimberly kuno. Bigla siyang nakarinig ng ingay na parang isang lobo. Dahan-dahang nagmulat siya ng mata at napatingin sa harap niya. Sandaling napa-freeze siya ng makita ang nasa harap niya.

"Ahh! Wolf!!" Napasigaw siya ng malakas sabay tayo at talon sa sobrang takot at gulat.

Napayakap siya sa kung ano habang nanginginig na nakapikit sa sobrang kaba't takot.

"Get off me," malamig ang boses na sabi ng kung sino.

Natigilan siya nang maramdaman ang mainit na hiningang tumatama sa leeg niya. Ganun na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang mag-angat siya ng tingin.

DARK University Series #1: Teach Me, Professor Where stories live. Discover now