chapter XIX

3K 200 67
                                    

MADILIM ang mukhang nakaupo si Prof. Dazil sa gilid ni Giya habang mahimbing na natutulog ang dalaga sa patient bed. Nasa underground sila sa loob ng isa sa silid malapit sa private medical room. Nasa medical room naman si Shannayah na ginagamot ni Arzil dahil natamaan ito sa braso noong itinulak nito ang kaniyang kapatid. Samantalang naiwan si Rizil at Xia sa gym kung saan ginanap ang event upang masigurong ligtas ang lahat ng mga naiwan doon. Napakuyom ang kaniyang kamao, nauubos na ang kaniyang pasensiya.

Alam niyang may hindi magandang mangyayari bago pa man sila pumunta sa gym kanina. Na hindi por que inubos ng tatlong misteryusong babae ang mga kalaban sa gubat ay matatapos na ang lahat.

He knew it. His instinct never failed at all.

At hindi nga siya nagkamali, ang masama pa ay dinamay pa nila ang babaeng hindi dapat galawin. Nagkakamali sila ng ginalaw.

They hurt the person that they shouldn't have to hurt. But now, they've reach the limit.

Pinagbigyan niya lang no'ng una ang kanilang mga kalaban, pero mukhang nagkamali siyang patubuin ang sungay ng mga ito.

He won't be merciful this time.

Gamit ang invisible device sa kaniyang tainga ay tinawagan niya si Kizil, ang may hawak sa limang lalaking nagtangkang pumatay sa kanila kanina.

"[Daz,]" Kizil answered.

"[Where are they?]" walang kabuhay-buhay na tanong niya.

"[Hell jail,]" tugon ng kapatid.

His face darkened. "[The dead one?]" tukoy niya sa lalaking hinagisan ni Giya ng espada kanina na wala ng buhay.

"[Ipinakain ko sa mga alaga mo. Just like what you told me to do.]"

"[Good. Tell all the forces not to show some mercy when an enemy tried to invade again.]" He command.

"[Roger,]" huling sabi ng kapatid bago nawala sa kabilang linya.

Inayos niya ang kumot ng dalaga bago ito hinalikan sa noo at bumuntong- hininga saka tumayo. May kailangan pa siyang dapat na ayusin.

Kinuha niya ang golden box sa kaniyang bulsa. Naupo siya sa dulo ng mesa nang nakaharap sa screen monitoring data. Tiningnan ng maigi ang box bago iyon binuksan. Bumungad sa kaniya ang nakatuping papel na golden color.

Hindi iyon basta-bastang papel lang. Nang kuhanin niya iyon upang tingnan ay wala naman siyang nakita. Lumapit siya sa lampshade at itinapat ang papel doon. Saka lang niya nakita kung ano ang laman niyon.

Nagsalubong ang kaniyang mga kilay ng makitang isa iyong secret message na nakasulat sa codes. It is not just a simple codes, it was written in Loxian alphabets (the water script). Natigilan siya, isa lang ang alam niyang gumagamit ng gano'ng codes.

He automatically scan the codes. It's hard to read if you don't know how to decode the codes. Luckily, he knew a lots of codes.

Itinapat niya ng mabuti sa lampshade ang papel at inisa-isang binasa ang bawat nakasulat sa papel.

~Be careful. There's a spy on your univ. They tried to find your weaknesses. Don't trust easily.

~G4

Napakuyom ang kaniyang kamao habang nakatingin sa papel na hawak niya. Tama ang kaniyang hinala. May spy na nakapasok sa kanilang unibersidad. 'Don't trust easily?.' He sigh heavily while poking his hair using his barehand. For the first time, someone told him not to trust easily which is he used to be. Ever since, he didn't trust anyone except of his brothers of course.

'But who does she mean by not trusting easily?'

Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga habang nakatitig sa hawak na pirasong papel ngunit bigla siyang natigilan.

DARK University Series #1: Teach Me, Professor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon