Chapter XXVIII

2.8K 151 40
                                    

TUWANG-TUWA si Giya matapos sabihin ng doktor na tumingin sa kaniyang puwede na siyang makakalabas ngayon. Nabuburyo na kasi siya sa hospital, lalo pa't hindi siya pinapayagan ni Prof. Dazil na lumabas upang lumanghap ng sariwang hangin ng wala ang mga bodyguard nito. Abot langit ang kaniyang ngiti nang lumabas ng banyo matapos maligo. Sakto namang bumukas ang pinto ng silid at pumasok ang propesor na naka-pormal suit. May dala itong isang mini basket ng apple at chichirya na paborito niya.

'Yummy!'

Mas lalong lumuwang ang kaniyang ngiti sabay takbo palapit sa propesor upang kuhanin ang dala nito. Sa kasamaang palad, nadulas siya, wala kasi siyang suot na tsinelas at basa pa ang kaniyang paa.

"Ahh!" gulat na sigaw niya nang akmang babagsak na siya sa sahig.

"Shit!" rinig niyang mura ng propesor.

Bago pa man siyang tuluyang bumagsak sa sahig, may mga matitipunong bisig nang nakayakap sa kaniyang maliit na baywang. Pakiramdam niya ay nag-slow motion ang paligid nang magtama ang kanilang mga mata.

Napakurapkurap siya nang bumaba ang mga mata nito sa kaniyang labi. Hindi nakalihtas sa kaniyang paningin ang paglunok at pag-igting ng panga nito. Napaawang ang kaniyang labi sa nakita. Kung wala lang maskara ang nakatakip sa mukha nito ay baka pinagpantasiyahan na niya ito.

'Shit!'

Napatikhim ang propesor kaya napatayo siya nang matuwid at hindi pinahalatang nailang siya.

"You're still clumsy, baby," he whispered before he let go of her waist.

'Baby?'

'Tanginang 'yan parang ang sarap pakinggan kapag siya ang tumatawag ng 'baby' sa akin.'

Parang may kumiliti sa kaniyang tiyan kaya't kunwaring tumawa siya upang takpan ang nararamdaman niya. Ba't ba kasi ang husky ng boses nito.

"Hehehe. Thank you," mabilis na kinuha niya ang hawak nito saka naupo sa dulo ng patient bed.

Nagbukas siya ng isang chichirya saka kumain. Naramdaman niyang nakatingin sa kaniya ang batang propesor kaya't nag-angat siya ng tingin dito.

"Gusto mo?" alok niya rito.

Tinitigan lang siya nito bago umiling at lumapit sa kaniya. Nagulat siya nang hilahin siya nito patayo saka pinaupo sa harap ng malaking salamin na naroon.

"Daddy, anong ginagawa mo?" takang tanong niya nang kuhanin nito ang blower.

Hindi ito umimik at walang pasabing in-on ang blower sabay hawak sa kaniyang buhok. Nanigas siya sa kaniyang kinauupuan dahil sa ginawa ng propesor.

"Don't move," sita nito nang gumalaw siya.

Napanguso na lang siya habang ngumuguya ng chichirya. Tiningnan niya ang repleksiyon nito mula sa salamin. He look so cool and manly while drying her hair.

'Bakit kaya palagi siyang nakamaskara?'

Busisi niya sa kaniyang isip hanggang sa matapos itong tuyuin ang kaniyang buhok. Napasigaw siya sa gulat nang biglang ikutin ng propesor ang upuan niya paharap dito. Nahigit niya ang sariling hininga nang bumaba ang mukha nito pa-level sa kaniya.

"W-what are you doing?" nauutal na tanong niya.

Inayos nito ang ilang hibla ng buhok na nakatakas sa kaniyang mukha. Naamoy pa niya ang mabangong hininga nitong tumatama sa kaniyang mukha.

DARK University Series #1: Teach Me, Professor حيث تعيش القصص. اكتشف الآن