Chapter 46 - Saying Goodbye

113 10 3
                                    

Ken's dead?  Bakit hindi pa rin tinatanggap ng puso't utak ko na wala na si Ken. Na kinuha na sya samin. Masakit. Sobra.

Ilang linggo pa lang simula nung ilibing sya. Nagpasalamat ako sa family nya kasi dito sa Pilipinas nila piniling ilibing si Ken kaysa sa New York.

Simula nung binalita saming namatay si Ken, gusto kong lumipad agad papuntang New York. Baka kasi nagbibiro lang sila. Baka nang-gugood time ba.

Pero hindi, eh. Pagkadating ng box na pinaglalagyan ni Ken. Totoo. Totoo ngang wala na sya. Iniwan nya na kami.

Pilit kong tinatanong ang Diyos kung bakit, pero ang sabi ni ate, baka mission accomplished na sya. Na umabot na sya ng finish line.

Sa burol nya, kahit anong kausap sakin ng mga bumisita sa kanya, wala ako sa wisyong makipag-usap. Ngingitian ko lang sila, yun lang.

Pinili nila titang isarado ang kabaon, mas masakit daw kasi pag nakabukas ito. Isang araw lang nasa kabaong si Ken, sa mga sumunod na araw, pinili nilang ipa-cremate sya para hindi na ganung sakit.

Totoo nga, pero ang hirap pa rin tanggaping wala sya.

Bumaba ako ng kotse ko. Kinuha ko ang dala kong bulaklak saka dahan-dahang lumakad papunta sa kanya.

"Babe." Sabi ko at tinabi ang bulaklak sa kanya.

"Nakita mo na ba si mommy dyan? Sabihin mo, miss ko na sya." Pinigilan kong umiyak, pero hindi ko magawa. "Lalo ka na."

"Akala ko okay na ko after 40 days, pero hindi. Mahirap pa ring tanggaping wala ka na." Umiyak lang ako sa harap nya. Baka marinig nya ko. Baka yakapin nya ko. Baka punasan nya yung mga luha ko.

Hinawakan ko yung binigay nyang kwintas sa akin. "Di ko ito matanggal, kasi ito na lang ang ala-ala mo sakin." Nagpatuloy lang ako sa pag-iyak dun. Hanggang sa mapagod ako at nagkwento sa kanya ng mga nangyari sakin nitong mga nakaraang araw.

Pagkauwi ko, nandun si dad.

"Princess."

"Dad." Niyakap ko si daddy. Niyakap ko lang sya. Habang sya, hinaplos nya yung likod at buhok ko. Dun na naman nagsimulang mag-unahan ang patak ng mga luha ko.

"Just cry princess. Let it all out."

Naramdaman kong may yumakap din sakin. Base sa amky nya, si ate. Niyakap ako ni ate sa bewang ko, na mas lalong nagpaiyak sakin.

Puro na lang ako iyak, parang ang weak weak ko na. Hinayaan nila kong umiyak, hindi nila ko kinausap. Ganun kami palagi.

Makakaya ko ring wala si Ken. Na hahayaan kong bantayan nya ang pamilya nya, mga kaibigan nya, pati ako.

Makakaya ko ito.

Pero pagkaakyat ko sa kwarto ko, hindi pala. San man ako lumingon, mukha ni Ken ang nakikita ko. Kung pano nya ko ginising dati dahil malelate na ko sa boutique. Yung pagdala nya ng pagkain sa kwarto ko dahil nilalagnat ako. Yung magkasama kami dito sa kwarto, hindi nag-uusap dahil may kanya-kanyang ginagawa. There was that silence that made me feel comfortable at that time.

Pero itong katahimikan na bumabalot ngayon, it kills me. Big time.

Pinilit kong maglakad papunta sa terrace ng kwarto ko. Tumingala ako at may nakita akong ilang bituin malapit sa buwan.

"I know you're there."

"Please make me strong. Please don't let me give up easily. Please be my angel. Please.."

Kahit anong pilit kong pigilang wag umiyak, nag-uunahan tumulo ang mga luha ko.

"I will always love you, Ken Damien. Always.."

***

"Mace, are you ready?"

Tanong ni ate mula sa pinto ng kwarto ko.

Kinuha ko ang mga maleta ko saka tumango.

"I still can't believe na aalis ka na. You'll be leaving us for Austria."

"Ate naman.."

Pabiro nya kong sinuntok. "Joke lang. Nasa baba na si kuya, tara na."

Mahigit isang taon na rin simula nung nawala si Ken, and the first part of it was the worst part for me. Wala akong ibang ginawa kundi umiyak at magmukmok sa kwarto. Napabayaan ko ang botique, pati ang sarili ko.

Nang napansin ng mga kapatid at kaibigan ko ito, tinulungan nila akong makamove-on. May time na nag-out of town or country kami. Minsan, manonood kami ng movies or concerts para lang i-divert yung attention ko sa iba.

And salamat sa kanila, nakamove-on ako. Pero buwan-buwan ko pa ring binibisita si Ken. And pinaalam ko din sa kanyang aalis ako ng bansa.

Pupunta ako ng Austria para mag-expand ng business. Naisip kong mas maganda kung doon ako magsisimula ng bagong chapter ng buhay ko. Makakikala ng mga bagong tao. Makapunta sa ibang lugar. And kahit umalis ako ng bansa, I will always have Ken on my heart.

At saksi ang kwintas na binigay nya sakin.

---

Sorry po kung (sobrang) natagalan mag-update, marami po kasi akong inasikaso these past few weeks. Sorry po talaga! And, enjoy reading. Harthart :)

The Unexpected GuyWhere stories live. Discover now