Chapter 35 - Unwinding

302 14 3
                                    

"Susunod daw si Ken." Bungad sa akin ni kuya pagkaupo ko. Nasa restaurant kami, halfway. Tsaka para makapagpahinga sina kuya at Ian.

Napairap ako ng wala sa oras. "Okay." Saka ako sumandal sa upuan ko. Magsasalita pa sana si kuya pero pinigilan sya ni Sheena. Thank you, Sheena.

Nag-order kami ng pagkain at kumain din agad. Siguro dahil sa pagod, natapos din kami kumain, pero hindi muna kami umalis.

"Tara na po?" Tanong ni Ross. Nagsitayuan naman kami.

Pagkapasok ko sa kotse, sumandal agad ako at pinasak sa tenga ko ang earphones.

Nagising na lang ako nung naramdaman kong may tumapik sa braso ko.

"We're here." Sabi ni Ross. Tumango naman ako at umayos ng upo. Nasa Sagada na nga kami! Bumaba ako sa kotse at nagulat ako dahil nandun na si Ken. Naka-ngiti sya sa akin but I looked at him, emotionless. Galit ako.

Nag-iwas ako ng tingin at dumiretso kay dad na ngayo'y kausap ang front desk.

Siniko naman ako ni Tine. Nilingon ko sya.

"Ang mean mong girlfriend. Nag-effort yung tao na sundan ka dito, no stop-overs, no pahinga, tapos ang sasalubong sa kanya, masungit na girlfriend. Kiss mo naman muna, saka ka na magsungit." Pinandilatan ko sya.

"Seryoso ka?" Tumango naman sya. Tinignan ko si Ken na kausap si kuya Theo. Hinihilot-hilot nya rin yung balikat nya.

"See? Pagod ang boyfriend mo, tapos susungitan mo." Saka sya umiling-iling. I felt guilty. Ang sama ko naman sa kanya. Lumapit ako sa kanya habang buhat-buhat yung shoulder bag ko.

Nung nakalapit ako sa kanila, napatingin sya sa akin at nginitian ako. Niyakap ko agad sya kahit nakaharang yung right arm nya. Tinaas nya yung kamay nya at pinaikot sa bewang ko. He kissed my forehead.

"Pa-chicks ka, Mace." Binelatan ko lang si kuya. Nagtanguan lang silang dalawa at umalis si kuya sa harap namin. Humarap naman sa akin si Ken at hinawakan ang mga kamay ko.

"Galit ka?" Umiling ako. "Tampo?" Tumango ako. Hinila nya ako palapit sa kanya at niyakap. "Sorry. Mag-e-explain ako, promise." Tumango ako sa dibdib nya.

Nung bumitaw ako sa yakap, lumapit na kami kay daddy.

"Room assignments, girls and Ross, first room." Saka inabot ni daddy yung susi kay Ross. Naramdaman ko namang pinisil ni Ken yung kamay ko. Napangiti naman ako.

"Then, tayong apat na ang magkakasama sa isa pang kwarto." Tinaas ni daddy yung susi.

"Tara na!" Sigaw ni Ross saka pumunta sa designated rooms namin. Palakad na sana ako, pero pinigilan ako ni Ken.

"Why?"

"Sinong katabi mo?" Napangiti naman ako.

"Either Tine or Sheena. Why?" Napapikit sya ng mata at bumuntong hininga.

"Okay." Saka sya ngumiti. Nagsimula na kaming maglakad nang magka-hawak kamay.

"You still have some explaining to do, mister." Tumango naman sya. Hinatid nya ko sa kwarto namin.

"Goodnight!" Saka ko sya hinalikan sa pisngi.

"Goodnight." At sinara ko na yung pinto.

Pagkapasok ko sa kwarto, nakita ko ang mga naka-ngising mukha nila.

"Ang daming langgam, sh*t!" Saka nagtilian sila Tine. Natawa na lang kami ni Ross.

The Unexpected GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon