Chapter 37 - Promotion and Consequences

209 14 4
                                    

After Zambales, balik trabaho na ulit kami. Sabi sa akin ni Lou, marami daw ang nagpapagawa ng wedding gowns.

Matapos naming mag-usap ni Ken, inenjoy lang namin yung beach and the weather. Nakisaya rin kami sa ibang katrabho ni Ken. Nagiging distant na rin sya kay Melissa.

"Kailan daw kukunin to?" Tanong ko kay Lou habang tinuturo ang isang beige na wedding gown.

"By next week daw." Tumango naman ako.

Busy kami sa boutique dahil na rin siguro June ngayon, at maraming weddings. Buti na lang, maraming tumutulong dito sa boutique, kasi kung hindi, ngarag kami.

Past 8 nang pinasok ako ni Lou sa office.

"Nandyan na si Ken sa labas."

"Pasok na lang sya." Tumango naman si Lou at lumabas ng office ko. Nakarinig naman ako ng mga yabag ng sapatos.

"Hey." Sabi nya sabay lapag ng paper bag sa table. "Kain muna tayo."

"Tapusin ko lang tong design na to." Sagot ko.

Dahan-dahang hinila ni Ken mula sa akin yung sketch pad ko at nilapag sa isang stool doon.

"We'll eat first, then you can continue whatever you're doing. Okay?" Tumango na lang ako.

Nilabas nya sa paper bag ang mga box.

"Nabigyan ko na sila Lou. Sabi nya kasi baka mag-overtime kayo."

"Oo. Ang dami kasing nagpapagawa ngayon eh." Sagot ko sabay subo ng spaghetti.

"Okay, then I'll do my work here, too." Napatingin naman ako sa kanya.

"Bakit, ano meron?"

"I have a presentation this Friday. And when our head approves it, pwede ako ma-promote." Natigil ako sa pag-kain. Ken and promotion?

"As in?" Tumango naman sya.

Sa sobrang saya, niyakap ko sya ng mahigpit. "Galingan mo, huh?" Tumango naman sya bilang sagot.

Masaya ako, as in. I've never imagine Ken dealing with this kind of job. Baka kailangan nya talaga to. Siguro, this promotion is for the managerial position.

We finished eating, kaya balik ako sa pag-sketch. Sya naman, umupo sa one-seater sofa sa harap ng table ko at nilabas ang laptop nya at ilang folders.

Tahimik lang kaming nagtatrabaho. Sina Lou naman, umuwi na. Maaga na lang daw silang papasok bukas para sa fitting ng mga brides-to-be. Nakapagpaalam na din naman ako kila dad.

Napatingin ako sa wall clock sa opisina ko. Shocks! It's already past 11?

"Ken?"

Binaba nya nh kaunti ang screen ng laptop nya.

"Hm?"

"Past 11 na pala. We should go home na." Tinignan nya naman yung wrist watch nya at tumango.

Inayos nya yung folders at papers na nagkalat sa table at pinasok sa briefcase na dala nya. Niligpit ko naman ang sketchpad para pagdating ko bukas, back to work na.

We locked the boutique at dumiretso sa kotse nya. Since medyo malayo ang boutique sa bahay namin, naka-idlip ako. Nagising na lang ako at nakita kong nasa loob na kami ng subdivision namin.

The Unexpected GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon