Chapter 8 - Pink Necklace

1.3K 20 2
                                    

"So princess, I want you to look after the twins. Alam mo naman yung dalawang yun, aso't pusa." Natatawang sabi ni daddy sakin. "No, more like tiger and polar bear." Saka na tumawa si daddy ng malakas.

"I will daddy. Promise." Saka ako bumaba ng kotse.

This is the first time na ako lang ang naghatid kay daddy sa airport. As much as I want to accompany him inside, sabi nya wag na lang daw. Simula nang namatay si mommy, four times pa lang umaalis si daddy ng bansa. Pag napaka-importanteng investors, sya ang nakikipag-meet. Pero pag sakto lang, like VPs ganyan, either si kuya or ate or any representative nya.

"Pano princess, daddy will go now." Niyakap ako ni daddy ng mahigpit. Kahit kelan talaga, binababy ako ni daddy. Niyakap ko rin sya pabalik. "Dad, you take care of yourself there huh? Wag ka masyadong magpapakapagod." Paalala ko kay daddy.

"Of course for you guys. I'll call you or your siblings when I get there. Macey, yung paalala ko ah?" Saka bumitaw si daddy at hinawakan ang maleta nya. "I won't forget about it daddy."

"I'll be going now." Hinalikan ako ni daddy sa buhok at saka nagpaalam. "Bye daddy, I love you!" I waved at him at he waved back.

May kasama si daddy na tatlong tao, mga partners nya rin siguro or may posisyon sa kompanya.

"Ma'am Macey, tara na po?" Tawag sakin ng driver namin.

"Sige po. Uhm, kuya daan po muna tayo sa flower shop then diretso po tayo sa grave ni mommy."

"Sige po ma'am."

After ilang minutes, tinigil ng driver ang kotse sa isang flower shop. Bumaba ako at pumasok na. I ordered a bouquet of white and pink roses, a basket full of sunflowers and another basket of tulips. Pagkatapos mabigay sakin, nagbayad ako at bumalik na sa kotse. Dumirerso na rin kami agad sa puntod ni mommy.

"Kuya, pakihintay na lang po ako dito. Saglit lang po ako." Paalam ko sa driver namin.

"Sige po ma'am." Bumaba na din ako at naglakad papunta sa grave ni mommy.

Binaba ko ang bulaklak sa tapat ng lapida ni mommy. Saka ko hinaplos ang picture sa tabi ng puntod nya. "Hi mommy. Kamusta ka na dyan? Di ka na nagpapakita sa panaginip ko ah. Nakakatampo ka."

"Kami? Mabuti naman. Si daddy pumunta sa Austalia for some business transactions there. Si kuya naman, ayun, buo na ulit ang banda nila. Si ate, hay nako, nagpapaloko pa rin sa manloloko nyang boyfriend. Mommy, pakibisita nga si ate sa panaginip nya nang magising." Biro ko.

"Ako? Eto, medyo dumadami ang trabaho sa boutique." I still remember those times na after school, imbes na sa bahay ako dumiretso, sa boutique ako ni mommy pumupunta. Dinadalhan ko pa sya ng favorite nyang oatmeal cookies at soy milk.

Namatay si mommy dahil sa leukemia. Kung kami, ayaw pa naming bumitaw, sya bumitaw na. Nung araw na nalaman naming may leukemia sya, ilang buwan na lang ang itatagal nya.

Yung dating malakas nyang katawan, unti-unting humihina hanggang sa naging bed-ridden na sya. Naaalala ko pa yung mga sigaw ni mommy after nyang i-chemo. Kahit di ako yun, nararamdaman ko yung sakit nya.

Hinawakan ko yung kwintas na binigay nya sakin nung 13th birthday ko. Saka ko naalala yung nangyari nun.

"Macey anak, happy birthday! Nako, dalaga na ang bunso ko ah. Pa-kiss nga." Natutuwang bati ni mommy sakin.

Hinalikan ko sa magkabilang pisngi si mommy at saka sya niyakap ng mahigpit. "Thank you mommy! Thank you for this birthday party!" Masigla kong pasasalamat sa kanya.

"Anak, baby ka namin eh." Niyakap nya rin ako pabalik. "Ay oo nga pala, mommy has a gift to you." Saka sya bumitaw at inabot sakin ang isang pink na box. Binuksan ko yun at tumambad sakin ang isang silver na kwintas na may pink diamond na bato sa gitna at saka pinalibutan ng white na maliliit na bato. "Wow mommy! Thank you!" Hinalikan ko ulit sya sa pisngi.

Sinuot nya to sakin. "Gusto ko, suot mo to palagi huh? Pwede mo lang tong tanggalin pag may nagbigay sayo ng kwintas at pwedeng tumbasan ang pagmamahal ko sayo or malagpasan pa iyon." Nakangiti nyang sabi sakin.

Tinitigan ko saglit ang kwintas na suot ko. "Yes mommy. I love you po."

Di pa rin ako makapaniwala na yun na pala ang huling birthday at regalo na mabibigay nya sakin. Pinunasan ko ang luhang nag-uunahan tumulo sa mata ko.

"Mommy, wala na atang makakapalit dito sa bigay mo eh." Biro ko. Tumayo na ko at pinagpagan ang suot kong pantalon. "Mommy, una na po ko. Bisitahin mo ko ah? I love you." Ay nag-flying kiss ako sa puntod nya.

Naglakad ako pabalik sa kotse at naisipan kong bisitahin si ate. "Kuya, sa office po tayo nila ate."

***

Pagdating namin sa office, nakita ko agad si ate na nakaupo sa swivel chair nya at tutok sa computer nya. "Hey busy lady."

Tumaas naman ang tingin nya sakin. "Hey, what brought you here?" Naglakad naman ako papunta sa kanya at binigay ang bouquet ng bulaklak na binili ko. "That."

"Oh, how sweet of you Mace. Thank you." She kissed me on my cheeks bago umupo ulit.

Huminga muna ko ng malalim bago nagsalita. "So, break na ba kayo?" Tanong ko na halatang kinagulat ni ate.

"Hindi pa. Still finding the right time and place where I can say that." Sabi sakin ni ate.

"You want me to help you with that?"

"Paano naman?"

"Simple lang. Let's have lunch tomorrow."

"Saan?" Tanong nya sakin.

"Greenbelt ate. Don't even bother texting or calling him. Mas okay sana kung wag mo syang i-contact simula ngayon."

"Then?" Tanong nya sakin. Kulit nito! Kambal nga sila ni kuya.

"Basta, bukas okay? 1 pm. Daanan mo na lang ako sa boutique." She just shrugged her shoulders. "Okay, whatever you say, baby sister." Then she winked at me.

"I'll go now! Bye!" Paalam ko sa kanya.

"Ingat. Bye!" Lumabas na din ako sa opisina ni ate at lumiko papunta sa office ni kuya.

Without knocking I entered his office. "Kuya!"

Halatang nagulat sya pagdating ko. "Macey for pete's sake! Knock first!"

Lumabas ulit ako ng opisina nya at kumatok. After ng ilang katok, pumasok na ko. "Happy?

Aba't ang loko, inirapan ako! Dukutin ko mata nito eh! Dejoke lang po. Mahal ko po kuya ko. SOBRA!

Inirapan ko din sya para quits. "Friday. 1pm, same restaurant. Got it kuya?"

"Okay okay. Got it. Now please, go?" Pagtataboy sakin ni kuya.

"Fine, I'll go now! Bye, love you." Ang nag-flying kiss ako sa kanya. Tuwang-tuwa akong naglakad papunta sa parking. Binati din ako ng ilang empleyado. I smiled back at them.

"Ma'am, saan na po tayo?" Tanong sakin ni manong driver. "Uwi na po tayo." I said while smiling. Tumango naman si manong driver at nagsimulang magmaneho.

Can't wait for Friday! You'll be heartbroken and devastated Gerald. I hope so. Fingers crossed!

The Unexpected GuyOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz