Chapter 24 - His Family

772 16 16
                                    

Hindi ko mapigilang hindi mangiti sa nangyayari sa buhay ko. It's been days since Ken and I became a couple. Alam na din nila daddy. And ayun, tuwang-tuwa sila. After kong sabihin sa kanila, a day after I said yes to Ken, umuwi agad sila ate. Ang nangyari, we had dinner sa bahay namin. Also, alam na din ng relatives ko sa both sides. Nagkaroon kasi ng get together sa side nila mommy, kaya pumunta kami. And I introduced Ken to all of them. And like my family, masaya din sila sakin, lalo na sila mama't papa. Grandparents ko.

Dun naman sa side ni daddy, nag-birthday kasi si popsie, lolo ko. And invited kami, of course. Nung pinakilala ko si Ken, aba't tuwang-tuwa ang mga tita ko at ilang pinsang babae, maging si momsie. Kasi pano ba naman, after 22 years, ngayon lang ako nagpakilala ng lalaki sa kanilang lahat. Pero yung mga pinsan kong lalaki at mga tito, ininterrogate ba naman si Ken. Kung sabagay, bunso kasi ako sa aming magpipinsan, kaya ganun na lang sila ka-overpeotective sakin. Nakakatuwa nga eh, kasi mukhang boto na din sila kay Ken after nilang mag-inuman. Boys.

And sa best friends ko naman, ayun ang mga loka, natuwa din. Lahat daw kasi may love life na. Psh, if I know. Nung sinabi naman namin sa mga kabanda nila kuya, si kuya Hans, iba maka-tingin sakin. Parang sinasabing, 'Sa kanya rin pala ang bagsak mo.' Si kuya Renz naman, since kuya-kuyahan ko din sya tulad nila kuya Polo, pinagbantaan naman si Ken. Ewan ko ba, siguro lahat sila masaya para sakin. And syempre, nasabi ko na din sa mommy ko. I know naman na masaya sya para saming dalawa. And I wish, na iguide nya kami with God.

Sa part naman ni Ken, nakwento na rin nya sa family nya, though nasa US daw itong lahat. Kaya, hindi ko pa sila nakikita. Pero sabi nya, sooner or later, makikilala ko na daw sila.

Ngayon, medyo busy ako dito sa boutique. Finafinalize na lang kasi namin yung ibang details para sa release. Natigil lang ako sa ginagawa ko nang makita ko si Lou sa pintuan ng opisina ko. I looked at her. Mukhang naintindihan nya naman kagad. "Mace, may naghahanap sayo sa labas."

Napakunot naman ako ng noo. "Sino daw?"

"Ewan ko. Dalawang babae eh. Siguro naging customer mo na dati. Pero ewan ko, mga sosyal eh."

Kinabahan naman ako bigla. "Ano ba sabi?" Tumigil ako sa paglakad.

"Basta hinahanap ka. Yun lang." Huminga muna ko ng malalim. "Stand by ka, ah? Baka gerahin ako." Biro ko. Ngumiti si Lou at sumunod sakin.

Pagkalabas ko ng opisina, nakita ko ang isang dilag at ginang na nagti-tingin-tingin ng mga gowns. Huminga ako ng malalim saka nagsalita. "Uh, hello po."

Humarap naman sila sakin at ngumiti. Nakaka-intimidate naman sila. "You must be Macey." Sabi sakin nung dalaga. Tumango naman ako. "And I must say, Ken really has a great taste with fashion. Oh, and girls." Saka sya ngumiti sakin. Pero nagulat ako nung binanggit nya ang pangalan ni Ken.

I looked at the girl from head to toe. Teka! Sya yung kasama ni Ken dati sa mall, nung hindi nya ko sinipot! Napakunot naman ako ng noo. "Huh?"

"Oh, dear. Sorry, we really are confusing you. We haven't introduced ourselves." Sabi nung ginang. "I'm Cornelia. Ken's mother." Sabay beso-beso sakin. Pero, ito ako, natuod. Nginitian nya ko. Mommy ni Ken? Hala! Pero ngumiti rin ako ng kaunti sa kanya.

Napalingon naman ako sa dalaga na ngayon ay nakangiti sakin. If I know, gusto mo lang agawin si Ken sakin eh! May black agenda kasi sya. Naaalala ko kasi kung pano maka-kapit sa braso ni Ken to--. "I'm Carren. Ken's younger sister." Napatigil ako sa pag-iisip ng masama nang biglang nag-offer ng kamay yung dalaga. Pero teka, ano daw?!

The Unexpected GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon