Chapter 36 - Fears

255 14 4
                                    

"Kaya ko naman, Mace. Ano ka ba." Sabi ni Lou sa akin. Thursday na ngayon at bukas yung outing nila Ken. Before lunch kasi kami babyahe.

"Tawagan mo ko lag may problema, ha?"

"Oo na. Ang kulit ah. Sige na, magsasara na tayo. Halika na." Tumango na lang ako.

Pagkauwi ko, nag-ayos na ko ng gamit ko. Buti na lang, pumayag si daddy. Natuwa kasi sya sa outing namin kaya ayun, hindi pa rin makaget-over.

Tinawagan ko agad si Ken pero naka-off ang phone nya. Okay? Mamaya na lang siguro.

Nanonood muna ko ng ilang movies. Sa entertainment room ako nanonood at kasama ko sila Cotton at Pepper doon. Ka-share ko sila sa popcorn.

Tinry ko ulit tawagan si Ken, buti naman nag-ring na.

(Babe?)

"Bakit naka-off ang phone mo?"

(I was in a meeting a while ago. I decided to turn it off. Why?)

"I tried to call you kanina."

(Sorry. Head kasi namin yung ka-meeting namin.)

"Okay lang. Anong oras mo pala ako susunduin?"

(Around 10am.)

"Okay. Sige, matutulog na ko. Goodnight. I love you."

(I love you too.)

Pagkababa ng tawag, dun na ko nakatulog sa entertainment room. Nagising na lang ako dahil kay kuya.

"Past 8 na, baby." Tumango naman ako at tumayo agad. Naligo na ako at hinintay si Ken sa sala namin.

Mga 10 na sya dumating. Naglalakad kami papunta sa kotse nya pero nagulat ako dahil may nakasakay sa backseat nya.

"May kasabay tayo?" Tanong ko.

"Uh, oo."

"Sino?"

"Sila Melissa." Napabuntong-hininga ako. "Babe.."

"Okay lang, tara na." Saka ako naglakad, pinagbuksan nya ako ng pinto.

"Hi miss Macey." Bati sa akin nila Melissa. Ngayon ko lang napansin, tatlo silang babae. Tipid ko lang silang nginitian.

Buong byahe, tahimik lang ako. Paano ako magsasalita kung magtatangka palang akong kausapin si Ken, magsasalita na sila agad. Mag-o-open ng new topic. Kaya nanatili lang akong tahimik.

Nung nag-stop over kami, lumabas yung tatlong babae para mag-CR. Nakatitig lang ako sa labas.

"Babe.."

"Bakit?"

"Galit ka?" Huminga ako ng malalim.

"No, Ken. Naiinis ako. Okay? So, please, bayaan mo muna ako." Huminga sya ng malalim at sumandal sa upuan nya.

Nakabalik na yung tatlong babae pero pag nagsasalita sila, hindi na sila pinapansin ni Ken. Ngumingiti na lang sya. Nakarating kami doon at madami-dami na sila. Isang private resort pala ang nirentahan nila. May pool and may beach pa.

Gusto ko na mag-swimming, naiirita ako sa tatlong babaeng ito. Nauna akong bumaba pagkatigil ng sasakyan ni Ken. Dumiretso ako sa isang table doon. Umupo ako at nginitian ang mga nandoon.

The Unexpected GuyWhere stories live. Discover now