Chapter 4 - The Jerk Made Her Cry

1.5K 23 6
                                    

Ilang araw matapos yung dinner, naging okay naman ang banda nila kuya. Naririnig ko silang nagpapractice sa music room minsan or sa garden. Palagi ring nandito yung tatlo para maghang-out, mostly gabi sila dadating at magstay sila until midnight.

Saturday ngayon, at wala akong balak pumasok sa boutique. Nakaupo ako dito sa sala at nanonood ng movie. Busy ako sa panonood nang may biglang nag-doorbell. Dali dali namang lumabas si manang galing kusina.

"Macey anak, nandito yung mga kaibigan ng kuya mo."

"Po? Ay sige papasukin nyo na manang. Ako na lang po tatawag kay kuya."

Lumabas ulit si manang at pagbalik nya naman ay kasama nya na sila kuya Polo.

"Hey Macey." Bati ni kuya Polo.

"Maceybels!!" Bati naman ni kuya Hans.

"Hi Macey." Bati naman ni Ken.

"Hello, hi! Wait lang tawagin ko lang si kuya."

"Sure sure."

Dali dali naman akong umakyat sa kwarto ni kuya. Kakatok na sana ako kaso bumukas ito at lumabas si kuya.

"Oh. Nandyan na ba sila?"

"Yeah. Baba ka na."

"Sige sabihin mo wait lang."

Bumaba na ko pagkasara ni kuya ng pinto. Nakita ko naman silang tatlo na nanonood ng TV.

"Wait lang daw sabi ni kuya."

"Okay.

Mga ilang minuto din lumipas eh bumaba na si kuya. "Tara na nang makarami."

"Wait lang, nanonood eh. Istorbo."

"Ano ba yan ha?"

"Ewan namin, si Macey nanonood eh." Sagot naman ni kuya Polo.

Ang end-up, ito kami, nanonood lahat. Nawala lang ang focus namin nang pumasok si ate sa bahay kasama ang damuho nyang boyfriend.

"Oh hi guys. I know you all know Gerald right?" Tumango na lang kami at pasimple kong inirapan si Gerald. "Hon, bandmates ni kuya."

"Hi." Bati nya samin.

"If you'll excuse us." Sabi ni ate.

Sinundan lang namin sila ng tingin hanggang sa makapunta sila sa garden.

"Kapal ng mukha nung g*go na yun para tumuntong dito sa bahay natin!!" Galit na sabi ni kuya.

"Bakit ano problema dude?" Sabat ni kuya Hans.

"Niloloko lang nun kambal ko. Kapal ng apog eh." Sabi ni kuya.

"Dapat dyan binubugbog!" Sabi naman ni kuya Hans.

"Kuya, useless lang. Ni ayaw nga maniwala ni ate." Sabi ko sa kanila.

"Yun na nga eh, nagpapabulag dyan sa g*gong yan!" Galit na sabi na naman ni kuya.

"Dude chill. Kapatid mo pa rin yan, masasaktan yan pag gumawa ka ng kahit ano sa boyfriend nya." Kalmadong sabi ni kuya Polo.

"Anong magagawa ko, kapatid ko sinasaktan nya eh! Mabubugbog ko talaga yan!" Galit na sabi ni kuya habang nakakunot ang noo.

The Unexpected GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon