Chapter 14 - Palawan Escapade

1.2K 17 8
                                    

Nandito kami sa airport, me, ate, dad and kuya. Waiting for our plane. Napag-isipan naming sa Palawan na lang pumunta, since matagal-tagal na din ang huli naming punta don.

"Are we still waiting for someone, dad?" Tanong ni ate kay dad.

"Yes. I invited your kuya's best friends. Para mas masaya." Napatingin naman ako kay daddy. "What?! Dad! You invited kuya's friends, but not mine? Ang unfair naman." Pagmamaktol ko.

"Princess, I called Sheena and Kristine. They're busy with their works. Si Sheena, may presentation bukas hanggang sa Monday. Si Kristine naman, may work ngayon pati sa Sunday. So yun." Ah okay. Psh. Pwede namang umabsent eh! "Okay."

"Ayan na sila dad." Turo ni kuya sa isang van na paparating. Bumaba naman sila don dala ang tig-iisang traveling bag. Okay. Kasama nga sila. Naglakad naman kami at lumapit din ako kay Ken. "I thought busy ka?" Tanong ko sa kanya.

"I am not. Tsaka, masaya to. Palawan eh." Nakangiti nyang sabi sakin. Tsk! Chineck-in na namin ang bags namin at hinintay ang pagboard namin. Katabi ko si kuya at pinahinga ang ulo ko sa balikat niya. "You sleepy?" Tumango naman ako at pinikit ang mata ko.

Naalimpungatan ako at naramdamang may tumatapik sa pisngi ko. "Baby, let's go. Nandyan na yung plane." I simply nodded. Tumayo na ko at sumunod sa kanila. Hinanap ko ang upuan ko, at buti na lang at sa window side ako. Sana si ate or kuya or dad katabi ko.

"Hi." Lumingon naman ako sa katabi ko. Ay bwiset na yan! Bat sya pa?! "Bat ikaw?!" Tumingin naman sya sakin. At ang loko, nagkibit balikat lang. "Your ate is seating beside Polo. Your dad is with your kuya and Hans. So, dito ako." Sabay pakita ng ticket nya. Katabi ko nga sya.. Bahala na nga!

Pinikit ko na lang ang mata ko at hinintay na lumipad ang eroplano. Isang oras lang to Macey. "You sleepy? Rest your head on my shoulder, c'mon." Umiling na lang ako at tinignan ang mga clouds. Pero talagang inaantok ako. Sumandal na lang ako sa upuan ko.

Nagising na lang ako nang naramdaman kong naglanding na ang eroplano. Dinilat ko ang mata ko at naramdaman kong, naka-tilt ang ulo ko. Inikot ko ang ulo ko at nakita kong nakatingin sakin si Ken! Dali-dali akong umayos ng upo at tinanggal ang seatbelt ko. "Nakatulog ka, tapos mukhang nahihirapan ka sa pwesto mo, kaya pinatong ko na yung ulo mo sa balikat ko." Paliwanag nya. Tumango na lang ako.

Tumayo na din ako at hinanap sila daddy, pero lumabas na ata. "Tara na, naiwan na nila tayo." Alok ko sa kanya. Magkasunuran kaming lumabas at nakita namin silang naghihintay don. Lumakad na kami para kunin ang mga gamit namin. Pero syempre, feeling turista, picture naman kami. After ng ilang kuha, lumabas na kami at nakita ang van naghihintay samin. Sumakay na agad ako at kung sineswerte ka nga oh, tabi ulit kami, bahala na!

Ilang minuto kaming nasa byahe, at feeling ko ang sikip sikip. Pano ba naman, nakadantay yung ulo nya sa balikat ko. Nang nakarating kami sa hotel, inalog-alog ko yung balikat ko. "Nandito na tayo." Sabay turo sa hotel. Bumaba din naman sya at nagulat na lang ako ng kunin nya yung gamit ko. "Huy, kaya ko." Nilingon naman nya ko. "No Macey, you're tired. Lakad na. Dali." Pinauna naman nya ko.

Kami ni ate ang magkasama sa room, si daddy at kuya naman sa isa pang room at yung tatlo naman sa isa pa. Nauna yung room nila kuya kaya pumasok na sila. Kiniss naman namin sila ni ate bago pumasok. Sunod ang kila kuya Polo. Nag-goodnight na din kami. "Oh Ken, san ka?"

"Hatid ko lang tong gamit ni Macey sa kwarto nila. Sige na." Sagot ni Ken kay kuya Hans. "Sige. Goodnight."

Siniko naman ako ni ate. "Hm, dagdag pogi points." Pang-asar ni ate sakin. "Ate.." Pumasok na kami sa kwarto namin at may dalawang kama dun. Kinuha ko na yung gamit ko kay Ken. "Salamat ah. Goodnight."

The Unexpected GuyWhere stories live. Discover now