Chapter 9 - Caught In The Act

1.4K 19 5
                                    

Nakaupo ako sa office ko, waiting for my ate nang biglang may nagtext sakin.

Kuya Theo:

Mace, san na kayo? We're on our way.

I was about to reply nang nakita ko si Lou sa pinto ng office ko. "Miss Macey, nandyan na si Miss Peach sa labas."

Tumayo naman ako agad. "Lou, ikaw muna bahala dito, huh? Call me if something happens, okay?" Tumango lang si Lou sakin.

Pagkalabas ko ng opisina, I saw my ate checking the new dresses I designed. "Ate." Tawag ko sa kanya. Lumingon naman sya sakin at bineso-beso ako.

"I like this one. Ang ganda ng neckline, oh and the beads you chose, bagay na bagay." Nakangiti nyang sabi sakin. "Do you want it? I can give it to you as a gift."

"What? No, Mace. If kukunin ko man to. I'll pay for it. Okay?" Sabi nya. "Ate, no. Sayo na yan. Lou! Pakitabi to dyan sa office ko." Saka ko kinuha ang dress at inabot kay Lou.

"Macey.."

"Ate, no more buts. Okay? Wear it sa event ng company or parties na pupunta mo." Nakangiti kong sabi sa kanya. "Let's go! I'm starving." Nginitian lang ako ni ate at tumango.

***

Kakababa lang namin sa kotse nang makita ko si kuya Polo papunta samin. "Hi girls!" I waved at him at si ate naman bumeso. Psh.

"So san kayo?"

"Lunch." Simple kong sagot. "Wanna join us?"

"Hm. Sige." Nauna namang maglakad si ate at kuya Polo. Osige, iwan nyo ko!! Dejoke! Sumunod naman ako sa kanila.

"San tayo kakain, Mace?" Tanong ni ate sakin nung nasa hilera na kami ng restaurants. Tinuro ko naman yung restaurant. "Let's go." Pinagbuksan kami ng pinto ni kuya Polo.

"Hi ma'am, sir. Table for?" Tanong samin nung receptionist. I raised three of my fingers as an answer. Busy kasi yung dalawa sa pag-uusap. "This way ma'am." Sabay lakad papunta sa table namin.

Uupo na sana ako nang makita ko si Gerald at ang date nya sa katabing table namin. "Hi Gerald." I said. Lumingon naman sya sakin. "Hello Macey. Sinong kasama mo?"

I smiled. "Ate and kuya Polo. You know him, right? Oo nga pala, Di mo ba ko papakilala sa kasama mo?" Nakita ko yung pamumutla ng mukha nya. Since di pa sya nakakasagot, I scanned the whole restaurant and my eyes landed on the table not so far from us. Kuya and Ken. I winked at them.

"Uh, Macey, si Tiffany. Tiff, si Macey kapatid ni--" I cut him off. If I know. "Kapatid ng girlfriend nya. Ay, soon to be ex-girlfriend pala." And I smiled sweetly.

"Mace, you left us.. Oh, Gerald. Hi." Bati ni ate kay Gerald. "Penelope, anong ginagawa mo dito?"

"Lunch. Ano pa bang dapat gawin dito?" Nag-arte naman parang nag-iisip si ate. "Right! Go on a date. Di ba Mace?" I nodded.

"Oo nga pala, Gerald, si Polo. Polo, si Gerald, ex-boyfriend ko." Nakita ko namang napangisi si kuya Polo. I bit my lip to hide my smile. "Ex-boyfriend? Penelope, kailan pa tayo nagbreak?!"

"Hindi mo alam? Grabe huh. I think, 7 or 8 months ago. Pero naging official nung Saturday. When you made my sister cry." Nakita kong papalapit sila kuya samin.

The Unexpected GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon