Chapter 22 - Pinky Promise

1K 18 8
                                    

My weekend went well. Syempre pag Sunday, family day. The difference lang is sa Tagaytay kami nag-lunch, particularly sa rest house namin dun. Kasama namin si manang at yung ibang katulong. Ang saya nga eh.

Si manang nagluto ng lahat ng pagkain. Baby pa lang kasi ako, nagtatrabaho na si manang samin. Parang anak nya na nga kami. Classmate daw kasi sya ni nung lolo ko sa part ni daddy. After nun, tinour namin sila sa Picnic Grove at sa iba pang tourist spots dun. Mga past 10 na nung nakauwi kami, at syempre dahil pagod, ayun plakda kaming lahat.

Monday ngayon at feel ko mag-halfday. Ewan ko ba, parang may nagsasabi sakin na umuwi daw ako ng maaga. May kausap akong customer at nakakatuwa sya, lalaki kasi sya tapos nanghihingi sya ng advice sakin para sa gown ng fianceé nya. Dahil mas okay kung personalized sya, naisip kong mag-design na lang.

After kong makagawa ng design, tuwang-tuwa naman si kuyang customer. Nagkasundo kami sa bayad and kung kelan sya makukuha. Pagkatapos nun, umalis ma din si kuyang customer.

"Ang swerte nung fianceé nya no?" Sabi sakin ni Lou pagkarating ko sa counter. Tumango naman ako. "Ikaw kaya, kelan ka magpapakasal?" Nagulantang naman ako sa sinabi nitong babaeng to. Binatukan ko nga.

"Aray!" Sabay himas sa ulo nya. "Louise Pamela, mas matanda ka sakin no. Remember? Mga 3 years ata." Sabi ko sa kanya.

Tinitigan nya naman ako ng masama. "Anong connect?"

"Mas ikaw ang dapat nang magpakasal no. May boyfriend ka naman, stable na naman ang trabaho mo. Oh, ano pang hinhintay ng boyfriend mo?" Tanong ko.

"Kulang pa ipon namin. Alam mo namang mas maganda pag bahay ang binili namin kesa condo or mag-rent ng apartment." Napatango naman ako. "Konting tiis pa Lou. Makakaipon din kayo." And I gave her my sweetest smile.

Bumalik naman sya sa ginagawa nya at ako, tinatapos yung details nung gown na bagong design ko. "Mace, magha-half day ka lang di ba?"

"Oo. Bakit?" Sagot ko habang nakatingin pa rin sa sketch ko. "Past 12 na oh." Napatingin naman ako sa wrist watch ko.

"Oo nga. Osige, pano---" She cut me off. "Ako nang bahala. Sige na." At nginitian nya ko. Bumalik muna ko sa opisina ko at inayos ang mga gamit ko. Nang okay na, nagpaalam na ko kay Lou.

Habang nasa byahe, naisip kong bumili ng French macaron. Pinark ko ang kotse ko sa tapat nung favorite shop ko.  Bumili ako ng red velvet cupcakes at French macarons. Gusto din kasi to nila ate. Bumili din ako ng chocolate mousse cake. Umaatake kasi ang sweet tooth ko ngayon. Pagkatapos kong mamili, bumyahe na ko pauwi.

Pagkauwi ko naman, nagulat ako kasi may naka-park na familiar na kotse sa driveway. "Ya, may bisita tayo?" Tanong ko sa katulong na nagbukas ng pinto sakin.

"Meron po mam. Kausap po ng daddy nyo sa garden." Tumango naman ako. "Kilala mo ba?" Umiling naman sya. Sino kayang kausap ni daddy? Inabot ko sa kanya yung mga pinamili ko at umakyat sa kwarto ko para magbihis.

Bumaba na din ako pagtapos. Naisip kong dumungaw sa garden. I saw dad talking to some guy. Nakuha ko ata ang atensyon nila. "Oh, nandito na pala si Macey eh." And he asked me na lumapit sa kanila. Nakipagbeso ako kay daddy. And I swear, nagulat ako ng husto sa nalaman ko. Bakit sya nandito sa bahay namin?

"Hi Macey." He said with smiling face, at dahil nakakahawa ang killer smile nya, napangiti na din ako. Niyakap ko sya saglit. "What brings you here?" Tanong ko agad.

The Unexpected GuyWhere stories live. Discover now