Chapter 17 - Do you like Shakespeare?

1K 22 6
                                    

It has been weeks since sinimulan ko ang pagdedesign ng mga bagong gowns. And now, nandito kami ni Lou sa pinagtatahian ng gowns and dresses ng Precious Champagne.

"Miss Macey, upo muna po kayo. Baka mangalay kayo eh." I shook my head as a response. "No, I want to see how it is done."

I still remember my mom bringing me here after class. Iiwan nya ko sa sofa, malapit sa opisina ng punong abala sa pagtatahi at lilibot sya para asikasuhin ang mga dapat gawin.

"What's with the long face?" Tanong sakin ni Lou.

I sighed. "I was just wondering, if my mom is still alive, ano kayang mangyayari sa Precious Champagne?" I smiled faintly.

"Alam mo, isa lang ang panigurado kong mangyayari."

"Ano?" I turned to face her.

"Pareho kayong magiging aligaga dito. Ang mommy mo ang abala sa pag-aasikaso sa mga gowns na nayari na, at sa mga small details. Tapos ikaw, ikaw ang gagawa ng mga designs."

I sighed. "Siguro nga." She patted my shoulder. "Alam mo, magagalit ang mommy mo pag nakita kang ganyan. Dapat happy ka, kasi ikaw na ang may handle ng Precious Champagne. And for sure, proud na proud sya sayo." She smiled sweetly to me.

"Tama. I should give my hundred percent here. I don't want to let my mother down."

"Yan. Yan ang fighting spirit. Kaya tara na, at libutin na natin tong tahian at busisiin ang mga nayari na." She said habang hila-hila ako papunta sa mga nagtatahi.

I will make my mom proud. I promise.

***

Past 5 na nang matapos ang working hours. "Tara na, malapit na magsara to." She said while checking her wristwatch. I stood up and picked my bag and other stuff. "Tara."

We parted ways pagdating sa carpark. I hopped in my car at dumiretso na sa bahay. I missed my bed! Pagkadating ko don, I noticed someone's car na nakapark sa tapat ng bahay namin. Oh, kuya Polo's car. Baka nagpapractice sila.

I entered our house at pumunta sa kwarto ko. I changed my clothes at bumaba sa dining para kumuha ng makakain. I heard some voices from the garden.

"Dude, di nga bagay. Dapat ata babae."

"Dude, eh wala ngang babae. Pagtyagaan na lang natin."

Mukhang nag-aaway sila kuya. Lumabas ako ng garden, and tama nga ako. They're arguing. "Bat kayo nag-aaway?" I got their attention at sabay-sabay silang lumingon sakin.

"Kasi Mace, this song we'll perform this Saturday eh mas bagay pag babae ang kumanta." Naka-kunot noong sabi ni kuya sakin.

"Oh, anong problema?"

"Lahat kami lalake. Yun ang problema." Onga naman.

"Find another song. Problem solved." At umupo ako sa tabi ni kuya Hans.

"Sana ganun kadali, pero ito na yung nasabi namin na kakantahin namin." Sabi naman ni kuya Hans. Lahat sila, mukhang bigo. Nakakahawa yung mga aura nila.

"Wait!" Nagulat naman kami sa pagsigaw ni kuya. "Mace, why don't you sing it?"

Tinuro ko naman ang sarili ko. "Ako? Nagjojoke ka ba? Bat ako?"

The Unexpected GuyWhere stories live. Discover now