Chapter 2 - Auditions: Fail?

1.6K 24 4
                                    

Nandito ako ngayon sa kwarto ni ate. Magpupuyat ako kasi wala namang akong pasok kinabukasan at audition day din para sa banda nila kuya.

If you're asking about the rest house, well isa lang ang masasabi ko, perfect! Medyo nasa tuktok sya, so malamig. Marami ring puno at kitang kita ang stars at moon pag gabi. Malayo sya sa mismong city kaya maganda, sobrang tahimik. It has 5 bedrooms at tig-iisang kaming kwarto. May garden din at pool, oh di ba perfect? Simple lang ang pagkakadesign ng buong bahay maging ang interior nito.

Nabalik na lang ako sa realidad nang batuhin ako ni ate ng unan.

"Macey Champagne!! Kanina pa ko talak ng talak eh. Di ka naman nakikinig!" Sigaw ni ate sakin. Red day nga naman.

"Ate, kasi naman, bukambibig mo yang sinungaling mong boyfriend! Seriously ate, ikaw dapat ang binabato ng unan eh!" Singhal ko din sa kanya.

"Di nga kasi sya sinungaling. Tss, pare-pareho kayo nila kuya eh!" Talak nya sabay takip ng unan.

"Ate." Paglalambing ko sa kanya.

"Ate. Uy." Ay no response pa din?

Pano ba naman kasi last month, yung boyfriend ni ate for two years na si Gerald eh nakita namin ni Lou na may kadate na iba. Holding hands at nagkiss pa sa lips. Nung sinabi ko kay ate, aba sinigawan ako. Tapos naabutan kami ni kuya so ayun, kinwento ko. Si kuya naman pumanig sakin, kasi nakita nya rin daw si Gerald in that same situation, kaya ayun, nagalit sya ng bongga samin. Ilang araw nya din kaming di pinansin. Pero ewan ko ba, love is blind nga siguro. Hay.

"Ate uy! Hala uy ate! Buhay ka pa ba?" Pangungulit ko kay ate at tinanggal ko yung unan sa mukha. Aba ang magaling, tinulugan ako?! Psh.

"Ate, wag ka na magalit samin ni kuya kung ayaw namin sa jowa mong sinungaling ha? Mahal ka namin kaya ginagawa namin to. You don't deserve a jerk like him. Basta mahal ka namin at dapat matanggap mo na ginag*go ka lang nung kumag na yun." Hinalikan ko si ate sa cheeks at tumayo na ko. Inayos ko rin ang kumot nya.

"Goodnight ate, sweet dreams. Don't dream of that jerk, huh?" At lumabas na ko sa kwarto nya.

***

Nasa sala ako ngayon at hinihintay si kuya. Napag-isipan naming sabay na lang pumunta don para makatipid sa gas.

"Let's go, Mace?" Tawag sakin ni kuya.

"Let's go."

After 30 minutes, nakarating na kami sa Acropolis Studio. Naunang pumasok si kuya sa studio. Nag-retouch ako ng konti at bumaba na ko ng kotse. Sakto naman pagbaba, nakita ko si kuya Polo, bandmate at best friend ni kuya.

"Kuya Polo!" Tawag atensyon ko sa kanya.

Lumingon naman sya sa gawi ko. "Macey? Hi! Wow! Gumaganda ah. Iba talaga pag designer no?" Niyakap nya ko at tinignan from head to toe.

"Psh. Di no. Late bloomer lang."

"Sus." At kinurot nya yung ilong ko. "By the way, si Theo?"

"Ah nauna na sa loob."

"Tara, sabay na tayo." Naglakad kami papasok sa studio, pinagbuksan nya pa ko ng pinto. Don't think of anything huh, kuya lang ang tingin ko sa kanya at sadyang gentleman sya.

Pagkapasok na pagkapasok namin eh nakita ko agad ang mahabang pila.

"Wow. Ano meron, pila ng NFA?" Biro ko.

The Unexpected GuyWhere stories live. Discover now