Chapter 11 - Balcony Scene

1.2K 17 6
                                    

See I was like

Oh yeah yeah yeah

Can't get any better

Oh yeah yeah yeah

Wish that this was forever

Kinapa ko yung phone ko sa bedside table. Nabulabog kasi ako. Kanina pa kaai tunog ng tunog yung phone ko.

Cause your heart calling

Feels like confetti falling

And it's a celebration

Ayun! I hit answer without looking at the caller's id. Nakapikit pa kasi ang mga mata ko.

"Hello?"

(Champagne.) Lalake yung tumawag.

"Yes?"

(I wanna say sorry for last night. Something came up and--)

I decided to cut him off. "Sino ka?"

(Ganun ka ba kagalit?)

Ano daw? I decided to check kung sino ba tong kausap ko. Mula sa matang mapupungay at puno pa ng muta, bigla ko na lang naidilat ng sobra yung mata ko. Umupo na rin ako, laying my back on the headboard.

(Macey? Hello?)

"I'm still here. Bakit ka nga pala tumawag?"

(About last night. Sorry talaga. I was with someone, ihahatid ko lang dapat sya then didiretso na ko sayo, kaso--)

"It's okay."

(Huh?)

"I said it's okay. Sige na, matutulog pa ko, bye." Binaba ko na agad ang tawag. Seryoso, 6 am palang oh! Bumalik na lang ako sa tulog.

***

"Macey. May nagpapabigay sa iyo." Lou handed me a bouquet of orange and yellow roses. Kinuha ko naman to. "Kanino daw galing?" Tanong ko sa nakangiting si Lou.

"Delivery man lang yung nagpadala. Baka busy yung sender. Check mo kung may card or ano." Sinunod ko naman yung sinabi nya. "Wala eh. Just flowers."

"Asus, baka gusto nya sa personal sabihin yung message." Kinikilig na sabi ni Lou. "Hoy, bumalik ka na nga sa labas. Kaloka to. Sige na." Sabi ko sa kanya.

"Kinikilig si Macey. Kinikilig." She keeps on chanting that hanggang sa makalabas sya ng opisina ko. Napailing na lang sa kabaliwan nitong si Lou. Inamoy ko yung bulaklak. Hm, fresh. Pero kanino naman to galing? Tsaka pano nya nalaman na mahilig ako sa orange roses?

***

Habang nagmamaneho ako pauwi, palaisipan sakin kung kanino nga ba galing tong bouquet. Secret admirer? Psh, imposible.

Pinark ko ang kotse sa driveway at pumasok na sa bahay. Paakyat na ko sa kwarto ko nang makita ko ang isang life size teddy bear sa sofa. Binuhat ko sya at chineck kung may card ba kung kanino galing, pero wala pa rin. Psh. Weird secret admirer.

Inakyat ko na yung teddy bear pati ang bulaklak sa kwarto ko. Nagpalit ako ng damit, at humilata sa kama. Chineck ko ang phone ko at nagulantang ako nang makita ang 100+ messages at 50+ missed calls. Dami naman! Seriously, kung sa bagay, kaninang umaga ko pa huling tinignan to.

Inopen ko, puro si Ken ang tumawag at nagtext. What's with him ba? Psh, di ako galit sa kanya. Inis lang. Syempre, ikaw ba naman ang indyanin, di ka magagalit? Di pa rin ako nagreply. At tinabi ko lang yun sa side table.

The Unexpected GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon