Chapter 15 - Best Vacation

1.1K 18 2
                                    

We are on our way back to the hotel. Kakatapos lang ng city tour namin at nakapamili kami ng maraming pasalubong at delicacies. Nakakain na rin kami ng lunch at ngayon ay magpapahinga naman kami.

After what happened last night, mas naging komportable kami ni Ken sa isa't isa at mas close na rin kami kumpara dati. Naalala ko pa kanina yung pang-aasar ni kuya Hans samin.

Nagtitingin-tingin ako ng mga t-shirts nang lumapit sakin si Ken at tinapat ang isang orange na t-shirt. "Kasya naman no?" Tinignan ko muna to bago tumango. Kumuha naman ako ng blue na t-shirt at ginaya ang ginawa nya. "Gusto ko yan." Ngumiti naman ako at kinuha to.

Tinungo ko naman ang estante ng mga bracelets. Nakasunod pa rin sakin si Ken. Tumingin ako ng babagay kila Sheena at Tine. Kumuha ako ng apat na bracelet. "Para kanino yan?" Tanong nya sakin. "Sheena and Tine. You know them, right?" Tumango naman sya.

Nagtitingin tingin lang kami ng biglang sumulpot si kuya Hans sa tabi ko. "Naka-glue ba kayo sa isa't isa?" Sabay tingin samin. "Oh baka naman naka-magnet na kayo ah." Pang-aasar nya. "Problema mo, dude?" Tanong ni Ken kay kuya Hans.

"Dude, mula pag-alis natin sa hotel, hanggang sa mag-tour tayo ngayong araw, daig nyo pa ang linta kung makadikit. Kayo na ba?"

"Hindi!" Sabay naming sagot. "Sus. M.U. pa lang? Ganon?"

"Hindi din!" Sabi ko sabay walk-out.

Tumigil na ang kotse sa tapat ng hotel. Bumaba na kami at dumiretso sa kanya-kanya naming mga kwarto. Nilapag ko sa kama ko ang mga pinamili ko. Parang gusto kong mag-swimming. "Ate, wanna go for a swim?" Tanong ko kay na kasalukuyang nakahiga sa kama nya.

"Ikaw na lang. Inaantok ako eh." Sagot ni ate sakin. "Sige, sleep tight." Tumango na lang sya sakin. Kumuha ako ng swimsuit sa luggage ko at nagbihis na. Naka-bandeau bikini top ako at nagsuot na din ako ng shorts. Nagsuot ako ng t-shirt para di ganung awkward sa hallway. Kinuha ko ang shades, phone at wallet ko at lumabas na.

Pagkababa ko sa pool, konti lang yung lumalangoy, hinubad ko ang suot kong tsinelas at binabad mga paa ko sa pool. Nang medyo okay na ko, tumayo na ko at hinubad ang t-shirt, nilapag ko yun sa upuang malapit sa pool. Pumwesto na ko sa pagdive pero nagulat ako nang may biglang bumuhat sakin at tumalon sa pool.

Nakainom ata ako ng tubig kaya pag-ahon ko, inubo ako. Tinapik tapik naman nung bumuhat sakin yung likod ko. Nang nahimasmasan na ko, hinarap ko yung bumuhat sakin at sinabunutan.

"What the?! Are you out of your mind?! Seriously, what is your problem mister?! How dare you do that to me! You are so unbelievable!" Galit na sabi ko at mas hinigpitan ang hawak sa buhok nya, kung sino man yung bumuhat sa akin. "Aw! Ouch! Champagne, ouch! Look, I'm sorry." Changalang yan, si Ken pala. Binitawan ko naman ang buhok nya at hinarap sya.

"What the hell is wrong with you, bat mo ko binuhat at tinapon dito huh?" Kalmado na ko nyan.

"Wala lang. Para masaya. Kaso nagalit ka pa. Sorry." Pacute nyang sabi. "Psh." Akmang lalayo ako nang hinawakan nya ang kamay ko at hinarap sa kanya. Hinalikan nya ko sa tungki ng ilong ko at ngumiti. "Bati na tayo, please?" Wala na. Okay na. Tumango na lang ako.

Sabay kaming nag-enjoy sa paglangoy at nung napagod kami, nagpahinga muna kami sa gilid ng pool.

"After nito, ano nang gagawin mo?" Tanong ko sa kanya.

The Unexpected GuyOnde histórias criam vida. Descubra agora