Chapter 33 - Too Much

369 13 4
                                    

"Saan ba magandang pumunta ngayon?" Tanong ko kay kuya na ngayo'y nanonood ng basketball.

"Local or international?"

"Pag local, saan?"

"Cebu or Davao."

"International?"

"Wales or Vienna."

Napatigil naman ako sa pagsasalita. Gusto ko kasi mag-tour, yung kaming dalawa lang ni Ken. We've been in a lot of problems these past few days, and I just wanna unwind with him.

"Bakit, may plano kang mag-tour?" Tanong sa akin ni kuya.

"Yeah. Plano kong mag-unwind with Ken."

"Unwind. Asus."

Sinapak ko sya sa braso. Kahit kailan talaga.

"Seryoso nga."

"Mag out of the country na lang kayo. Since, kaya nyo naman bumili ng plane tickets. Ikaw sumagot sa tickets, tapos sya sa hotel or tour. Ganon, para fair and square."

Kung sa bagay, tama si kuya.

"Wales na lang!" Sabi ko.

"Okay, enjoy. Make sure to ask for dad's approval, okay?" Tumango ako at hinalikan sya sa pisngi. Umakyat din ako sa kwarto ko para tawagan si Ken.

(Yes, babe?)

"Wanna go to Wales together?"

(Hm, sounds nice. When?)

"I still have to look for tickets and to make reservations sa hotel pati na rin sa tour."

(I'll come by there, after work. Then, let's plan for our Wales tour?)

"Okay! See you. I love you!"

(I love you more.) And then he hung up.

I called dad kahit na nasa ibang bansa pa sya. I asked him kung pwede ba kong mag-out of the country with Ken, and he gave me 2 weeks. I was really planning na 1 week lang, pero okay na din yun. Wales has many tourist attractions, kaya sasagarin namin.

After ng ilang oras, dumating din si Ken at may dala syang cheesecake. Favorite daw kasi naming magkakapatid.

Umupo sya sa tabi ko dala ang tray na may cheesecake at iced tea.

"What have you found?" Tanong nya sa akin.

"May direct flight, more or less, 11 hours. Pag connecting flights naman, almost one day."

"Direct flights na lang." Saka nya kinuha sa akin yung laptop at naghanap ng flight para sa amin. Since, next week ang alis ni ate at kuya Polo, and two weeks din sila doon, mga one month from one ang binook namin.

"Hotel?"

"May nakita ako. Kaso, hindi ko alam kung saan pinakamagandang mag-pareserve."

"I'll look for a hotel. The best, since I'm going to be with you." At nginitian nya ko na halos abot hanggang tenga.

Nag-book na din sya ng hotel para sa amin. He even looked for great places to go, maraming historical buildings kaming pwedeng mapuntahan. May ilang amusement parks din pati zoo at parks.

The Unexpected GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon