Chapter 27 - Jealous Ken

525 15 6
                                    

Katulad nga ng sinabi ni Ken, he picked me up around 7 sa bahay namin. Gusto palang sabay kaming mag-breakfast. Palagi daw kasi kaming lunch or dinner nagsasabay. And napag-usapan na namin na gagawin namin yun every Monday.

And ngayon, it's Friday already. Mabilis na lumilipas ang oras pag masaya ka. About my best frienda? Hindi kami hati or taking sides. Ang ginawa namin, pag si Tine ang nagyaya, kaming tatlo lang nila Ross ang lalabas. Ganun din pag kay Sheena. Para iwas gulo. Ganto ang gagawin namin hanggang sa maayos sila.

Sa amin naman ni Ken, well malapit na kaming mag-1st month, kaso nga lang, Monday yun. I asked ate kung anong pwedeng gawin, sabi nya since monthsary pa lang naman, dinner or gala na lang. Pag anniversary ko naman daw gandahan.

And now, I'm stuck between surprising him or treating him somewhere. May isang araw pa ko para makapag-isip.

About Ken and Ross, well, hindi pa rin sila ganung close. Pag magkakasama kami, I can feel Ken's protective, more like possessive side. Sobra makabakod. Pero feel na feel ko naman.

I got back to my senses when I felt my phone vibrated. It's a text from Ross.

Ross:

Mace! Sheena invited us on lunch. On a Japanese restaurant!! Should I pick you up?

Japanese? Na-miss ko yun!

Macey:

Sure! Bilisan mo ha? Natatakam na ko sa sushi!

Binilisan ko yung pag-ayos ng mga gamit ko. And after 20 minutes, lumabas na ko ng opisina ko. Sakto namang pagdating ni Ross.

"Si Ross ba yun?" Tanong ni Lou.

"Yup."

"Ang tangkad nya na ah. Tsaka gumwapo din!" Napakunot naman ako ng noo.

"Loka. Oo nga pala, magla-lunch out kami. Sama ka?"

Umiling naman sya. "May baon ako. Hinanda ni boyfie." Sabi nya habang kinikilig. What if gawan ko rin kaya ng baon si Ken someday? Tama! Gagawa ako nun.

Nagulat naman ako nung may pumitik sa harap ko. Sinamaan ko lang ng tingin si Ross. "Tara na!" Sabi nya. Kumaway kami kay Lou saka pinuntahan yung Japanese restaurant na kakainan namin.

Pagkadating namin dun, umupo na agad kami. Nagtingin-tingin kami sa menu ng mga pagkain nila.

"Ross?!" Tawag sa kanya nung lalaki ata. Tinignan namin to. Hala, sila kuya Hans!

"Kuya Hans! Kuya Polo!" Bati nya, of course, the man hug thing.

"Teka, kayong dalawa lang ni Mace?" Tanong ni kuya Polo.

"Nope kuya. Hinihintay namin si Sheena." I said saka bineso silang dalawa.

"Ahh. Ay, pwede bang sama-sama na tayo sa table?" Tanong naman ni kuya Hans.

"Oo naman." Sabi ni Ross. "Kayo lang ba?"

"We're with Ken." Sabi ni kuya Hans.

"Kasama nyo si Ken? Nasaan?" I said. Hindi man lang sinabi sa akin na may plano pala silang lumabas.

"Ewan ko. Ay! Ayun na pala oh." Sabay turo ni kuya Hans sa pinto. Nakita ko naman si Ken at nagulat sya nung nakita ako dun.

"Babe." Sabi nya saka ako dinampian ng halik sa labi. Nakakunot lang ang noo ko.

"It was an unplanned lunch." Paliwanag ni Ken. Tumango na lang ako, pareho pala kami.

The Unexpected GuyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora