Chapter 16 - He's Concern

992 16 4
                                    

It's been days since our vacation, and ngayon makikipagkita ako sa mga mababait kong best friends. We chose to meet in a milk tea shop na lagi naming pinupuntahan nung college pa kami.

Nagulat naman ako nang may bumeso sakin. "Hi besty!" Si Tine pala. "Where's Sheena?"

"On her way." Tumango naman sya. "Pasalubong ko?" And placed her hand close to my face.

"Mamaya na pag nandyan na si Sheen para equally divided."

"Okay, mag-o-order muna ko. The usual?" I nodded. "Okay, be right back!"

Napatingala naman ako nang biglang may humila ng isang upuan sa tapat ko. "Hi. On time naman ako no?" Si Sheena pala. I just nodded. "Si Tine?" Nginuso ko sa kanya ang counter.

"Sunod lang ako sa kanya. Wait." Ngumiti lang ako. Nilabas ko na din ang dalawa kong paper bag para sa kanila. After ilang minutes, dumating na din silang dalawa.

"Mace, ito sayo." Sabay abot sakin ng milk tea ko. "Thank you." Iinom na sana ako nang bigla naman silang magsalita.

"Pasalubong?" At ngiting-ngiti sila sakin. Napa-irap ako ng wala sa oras, seriously. I handed them the paper bags right into their faces. Uminom na ko ng milk tea ko sabay tingin sa mga itsura nila.

"Thanks besty!"

"Anything for you girls."

Kwentuhan lang kami about sa escapade ng family ko at best friends ni kuya sa Palawan. "Nakapag-open ka na ba ng Facebook mo Mace?" Tanong ni Sheena sakin.

"Last week pa ata huli kong open. Why?"

Nagtinginan naman silang dalawa bago bumaling sakin. "You should check your account pagkadating mo sa boutique or pag-uwi. Magugulat ka. More like, kikiligin!"

"Ano?"

"Mag-open ka na lang. See it for yourself." Sabi ni Tine sakin. Okay? "Sabihin nyo na kasi ngayon!" Nacu-curious ako eh.

"Uh, no. Ikaw na. Para masaya. Tapos tawagan mo kami kagad, huh?" Pangungulit naman sakin ni Sheena.

Okay fine, I give up. "Oo na, sige na." Balik na naman kami sa kwentuhan, nag-stay pa kami dun nang mga isang oras bago napagdesisyunang maghiwa-hiwalay. May imemeet pa daw kasing clients si Sheena. Si Tine naman, may event na pupuntahan. Ako, balik sa boutique.

Pagkapasok ko sa boutique, nakasalubong ko ang nakangising si Lou. "Problema mo?"

"Wala lang, kinikilig ako."

"At bakit?" Dun ko lang napansin na hawak nya ang cellphone nya.

"Secret!" Sabay tawa. "Baliw ka na ba?"

"Di naman, natutuwa lang. Sige na, pumasok ka na sa opisina mo." Pagtaboy nya sakin. Problema nung isang yun? Sakto namang pagpasok ko ay bumalaga sakin ang tatlong pink na helium balloons at chocolate bouquet. Kaya pala ganun makangiti ai Lou. Sino naman kaya nagbigay nito?

Lumapit ako dito para tignan sana kung may card, pero wala eh. Alam ko na, kay Ken. I decided to check my phone and tama nga ako sa kanya nga galing.

Ken:

Enjoy the chocolates and balloons, Champagne.

Napangiti naman ako. Tinabi ko yung mga lobo at chocolates para di maka-abala sa mesa ko. Nag-start na kong magtrabaho.

Sa eagerness ko na makatapos kahit man lang tatlong designs, nakalimutan ko na ang oras. Past 8 nang pasukin ako ni Lou sa opisina. "Miss Macey. Di ka pa ba uuwi? Napa-overtime ka ng di oras oh." Sabay turo sa wall clock sa kwarto ko.

"Oo nga eh, kailangan ko kasing matapos tong mga designs. Uuwi ka na ba?"

Tumango naman sya. "Ikaw ba?"

"Tapusin ko lang tong huling design. Konti na lang naman eh."

"Hirap ng inspired." Pang-aasar nya sakin.

Nag-inat inat ako at kinusot at mga mata ko. "Hay nako Lou, sige na. Mag-ingat ka ah. Bye!" Kumaway ako sa kanya at sya din. Dumiretso ako sa pantry para magtimpla ng kape at kumuha ng ilang tinapay.

Pasado alas-nuwebe ko na nang natapos ko ang designs. Tinabi ko to at inayos ang mga ginamit ko. Late na makakauwi, panigurado magtataka sila kuya. Kinuha ko ang mga gamit ko at yung mga chocolates na binigay ni Ken sakin. Iiwan ko na lang tong lobo dito.

Pagkadating ko sa bahay, saka lang ako nakaramdam ng pagod. Pinikit-pikit ko yung mga mata ko baka sakaling magising ako. Diretso naman ako sa kusina para kumuha sana ng tubig.

"Baby, late ka na ata nakauwi ah." Nagulat naman ako sa pagsasalita ni kuya. Nilingon ko sya at nandun silang apat sa bar counter. Nginitian ko silang lahat. "Tinapos ko kasi yung tatlong designs eh, nakalimutan ko na yung oras."

"Halata nga. Kasi before 7 or saktong 7, nakauwi ka na eh." Tumayo naman si kuya at lumapit sakin. "Teka, nakapaghapunan ka na ba?"

"Kumain ako ng tinapay sa boutique kanina." Sagot ko.

"Tinapay lang?! You should've eaten something heavy!" Sabay naming nilingon ni kuya si Ken. At nakita ko sa mata nya ang inis. Bat kaya? Nakita ko namang nagpipigil ng tawa si kuya Polo at kuya Hans. Ano meron?

"Dude, pag nagko-concentrate si Mace or natutuwa sa ginagawa nya, nakakalimutan nya nang kumain. Kaya ganyan yan eh." Sabat ni kuya Hans na halatang nagpipigil ng tawa. Kilala nya na nga ako. Pano ba naman kasi, bata pa lang ata ako, close na sila ni kuya.

Tumikhim naman si kuya Polo. "And dude, stop worrying. She's already here." Sabay ngiti sakin. Binigyan naman nila ang isa't isa nang makahulugang ngiti. Okay, may dapat ba kong malaman?!

"Onga pala, bat naman inabot ka na ng gabi sa boutique? Pwede ka namang dito na lang sa bahay gumawa." Tanong ni kuya sakin.

"Gusto ko lang dun, para may inspirasyon."

"Why all of a sudden nagdesign ka na?"

"Kasi nga para ang asikasuhin ko sa mga darating na buwan eh yung pagpapayari na lang, at kung may mga complications, maaayos agad." Tumango naman sila. "Kaya sa mga darating na araw ay magiging busy na ko. Pero malamang, makakauwi rin ako ng maaga. So stop worrying guys."

Binalingan naman nila si Ken na naka-cross arms at nakatitig sakin. "Oh narinig mo Ken, magiging busy daw. At alam mo na pinagkaka-abalahan nya, kaya panatag na yang loob mo huh?" Pang-aasar nila dito. "Tss. Oo na." Tumawa naman yung tatlo.

Ininom ko ang tubig na kinuha ko bago nagsalita. "As much as I want to hang-out and chill you mga kuyas, I can't. Inaantok na talaga ako at ang sakit ng ulo ko. So pano ba yan, goodnight." Bumeso ako sa kanilang apat bago umakyat sa kwarto ko.

Nag-shower muna ko bago humiga sa kama. Kinuha ko ang phone ko at nagulantang naman ako sa nakita ko. 36 missed calls and 59 text messages from Ken. Matext nga.

Macey:

No need to worry about me Ken. Sa boutique naman ako nag-stay. And baka bumawi ako kain bukas ng umaga. Okay?

Pagkasend ko nun, niyakap ko si Paige, ang teddy bear na bigay niya sakin. After ilang minutes nagreply naman sya.

Ken:

Hindi lang kasi ako sanay na di ka makita pag pumupunta ako dito sa inyo. Pero, okay na ko knowing that you're safe. Sige, magpahinga ka na. I know you're tired. Goodnight. Sweet dreams.

Napangiti naman ako dun. Gusto ko pa sana magreply kaso talagang inaantok na ko.

---

Short update. ;) Tweet #TheUnexpectedGuy so I can read your reactions. ♥

The Unexpected GuyWhere stories live. Discover now