Chapter 1

2.1K 54 0
                                    

Chapter 1

Ariel's point of view

"Wag mo na kong habulin!" sinusubukan kong makaalis sa hawak niya sa braso ko. Mahigpit ang pagkakakapit niya sa akin kaya hindi ako makaalis sa pwesto ko.

"Gusto ko lang magpaliwanag, please pakinggan mo muna ako, Ariel, please," punong puno ng emosyon ang kaniyang mga mata. Takot, lungkot, at pagkadurug.

"Hindi ko kailangan ang paliwanag mo. Malinaw sa kin ang lahat. You lied and cheated on me! Magsama kayo ng babae mo!" sigaw ko sa kaniya. Puno ng galit ang puso ko. Hindi lang isang beses kun'di maraming beses niya nang ginawa ito sa akin.

I'm done playing dumb. I'm done playing naive. I'm done.

"Ariel,"

"Tama na, Calvin. I don't want to hear your explanation anymore! I don't want to see you again. Sobra ka na e. Sobra na!"

Nagulat siya sa pag sigaw ko sa kaniya. Hindi niya siguro inaasahang sisigaw ako sa harap ng maraming tao. Napuno lang ako. Ubos na ang pasensya ko sa kaniya. I tried to confront him yesterday, ang gusto ko lang naman ay magsabi siya sa akin ng totoo. But he still lied. Wala ng gamot sa kaniya. Habang buhay na siyang sinungaling.

"Ariel, please let me explain. Yung nangyari sa amin ni Jennica wala lang 'yon. It was all her plan. Plinano niya ang lahat para makipag hiwalay ka sa 'kin. Believe me. Nagsasabi ako ng totoo."

"I'm done with you, Calvin. Ilang beses kong tiniis ang panloloko mo sa kin. But this time, ayoko na. Punong puno na ako sa 'yo. Nasasaktan ako ng sobra. Hindi mababalik ng sorry mo ang lahat ng sakit na dinulot ng panloloko mo sa 'kin."

"I know. Forgive me, hon. Please give me another chance. I'll make it up to you. I promise. One more chance."

"Ang dami ng chance ang binigay ko sa 'yo. Alam mo 'yan, Calvin. Hindi lang isa, hindi lang dalawa, kun'di ang dami na. Sa sobrang dami e hindi ko na mabilang. Kaso sinayang mo ang lahat ng 'yun." Tumulo ang luha sa mga mata ko. Ang sinabi kong hindi na muli ako iiyak ng dahil sa kaniya ay hindi ko na naman natupad. Cause here I am in front of him, crying like a defeated woman.

"Please, Ariel. I do love you. I don't want to lose you."

"It's best if we just stop. It's not healthy anymore."

"No. Please. No, hon. Don't say that. Gagawin ko ang lahat makabawi lang sa 'yo. Pangako ko 'yan. Mahal na mahal kita, Ariel. Wag mo kong iwan." Nakita ko sa kaniyang mata ang luhang hindi ko inaasahan.

Umiiyak siya ngayon sa harapan ko, nagmamakaawa ng isa pang pagkakataon. Gulong gulo ang puso ko ngunit ang isip ko ay desidido na.

"Di ko naman kasalanan 'yung nangyari kagabi. Plano 'yun ni Jennica maniwala ka naman sa akin, hon. It was all her plan. Inamin niya sa akin yon, kahit puntahan pa natin siya ngayon at tanungin. She will tell you the truth."

Muntik na akong humagalpak ng tawa sa sinabi niya. Mababaliw ako sa kaniya. Talagang nakuha pa niyang sabihin yun sa akin? Ibang klase ka talaga si Calvin. Hindi ko alam kung bakit pinatagal ko pa ang relasyon nating dalawa. Hindi ko alam kung ano ang nakain ko para mabaliw ng ganito sa iyo noon.

"Sakit mo na siguro 'yan. You need to go to a psychiatrist, magpacheck ka na." Iyun ang huling mga katagang binitiwan ko sa kaniya bago siya talikuran at mapagpasyahang hindi na babalik sa kaniya kahit kailan pa man.

For one week without Calvin, I'm still in pain. Good thing hindi na ako ginugulo ni Calvin pagkatapos namin mag away outside of the mall. Hindi lang ako sanay na ganun ang pagtrato sa kaniya. As much as possible, ayaw ko siyang masisigawan at mapagsasabihan. May times lang talaga na pasaway siya at hindi marunong makinig kaya ganun.

I'm starting to get some rest and sleep. Nitong mga nakaraang araw kasi ay hirapan pa ako lalo na sa pag tulog.

"Ang laki ng pinayat mo, anak. Nagdidiet ka ba? Nagpapasexy? Ano bang nangyayari sa 'yo?" Concern na tanong sa akin ni mama.

"May pinapasexyhan 'yang si ate, mama. Nakita ko sa post niya."

"Wag kang fake news, toto, wala akong pinapasexyhan ha!"

"Toto? Ate, are you serious? Toto? Sa ganda kong 'to tatawagin mo akong toto? My goodness!! Ma, si ate oh naging single lang nabulag na!"

"Ikaw talaga Anthony, yung boses mo napakalakas kaya yung kapitbahay natin laging nagrereklamo pag nagkakaraoke ka. E yung anak nun nag aaral sa bahay."

"Anthony?" Nag make face ang kapatid ko, "Napakasasakit ninyong magsalita! Yung mukha ko punong puno ng makeup tapos tatawagin ninyo akong Anthony at Toto? How dare you guys! Huhuhu!!"

"Magtigil ka nga sa kaartihan mo anak. Labis ang pag aalala ko sa kay ate mo! Hindi mo ba napapansin?"

"Ang alin?"

"Yung katawan niya. Pumapayat siya. Hindi kaya may kumulam sa ate mo?"

"Ma, wag ka sumasama dun kay Aling Bebang ha? Kung ano-ano na rin ang naiisip mo. Sino naman ang magpapakulam kay ate? Si Kuya Calvin?"

"Sis wag mo ngang banggitin ang pangalan ni Calv."

"Bakit? Nasasaktan ka pa rin ba? Mahal mo pa? Bakit kasi hindi mo na lang balikan ate? Kawawa naman yung tao palagi kaya yun naghahantay sa yo sa labas pero hindi mo pinapansin. Kung pwede lang na ako na lang!"

"Mandiri ka nga sa sinasabi mo, Anthony."

"Mama napaka-basher mo. Bakit sa tingin mo ba e hindi ako magugustuhan ni kuya Calvin?"

"Hindi!" halos sabay pa naming sabi ni Mama kay Anthony. Itong kapatid ko talagang ito, minsan ako na lang ang nahihiya sa mga pinagsasasabi at ginagawa niya.

"Anak damihan mo pa ang kanin," sabi ni mama habang nilalagyan ang plato ko ng kanin.

Hinayaan ko lang siya sa paglagay para makapagpaalam ako sa kaniya ngayon at payagan niya ako.

"Ma aalis po pala ako mamayang gabi. Sinasama ako ni Maris sa party ng kuya niya." Paalam ko kay mama.

"Gabi?"

"Pwede akong sumama?" singit ni Toto.

"To hindi ka pa puwede dun. Bawal ang bata."

"Te hindi na ako bata. Isang taon lang naman ang tanda mo sa akin."

"Hindi ba pwedeng umaga at hindi party?"

"Ma, party nga 'di ba?" Toto.

"May nagpaparty ng umaga, anak," sabi ni Mama mukhang hindi pa ako papayagan.

"Saka hindi na kami bata ni ate, we're on college. Nasa legal age na kami ma. At I think kaya na namin sumama sa mga ganiyang klase ng party."

"Yes pero hindi ka sasama, Maris only wants me to go with the party."

Sumimangot si Toto. "Damot talaga niya pakisabi."

"Mamaya na natin pag usapan 'yan, kumain na muna tayo. Ariel, hindi pa ako pumapayag. Nagkakaintindihan ba tayo?"

"Yes, ma."

Pagkatapos namin kumain, niligpit na namin ang pinagkainan. Ako ang nakatoka sa paghugas ng mga pinagkainan. Pagkatapos kong mag hugas dumiretso na ako sa kwarto para tingnan yung phone kong naka-charge. Bago pa man ako makapag reply kay Maris ay dumating si Mama sa room ko.

An Affair With My Ex-Boyfriend's BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon