Chapter 3

1.1K 46 1
                                    

Chapter 3

Ariel's point of view

"Randall, what's wrong with you?"

"Sorry, Ma'am,"

"Muntik na tayong mabangga! Gosh! Hindi ka ginawang personal driver ko para lang ipahamak ako. Alam mo ba ang mangyayari kapag nalaman ito ni mommy? You will lose your job!"

"Sorry nga. Di na mauulit."

"Hindi ka kasi naka-focus sa pagdadrive. Alam mong delikado. Ano bang problema mo? You hate my outfit that much huh? Kaya kahit sa pagdadrive nawawala ka sa huwisyo?"

"Maris, that's too much. Wag mong sigawan si kuya Randall. Di niya naman sinasadyang muntik na tayong mabangga."

"Fine. Just drive, Randall."

"Yes, Ma'am. Sorry ulit."

"Whatever."

Sa klase ng tinginan nilang dalawa, parang may something. Lalo na noong hindi nagustuhan ni kuya Randall ang suot ni Maris. Parang narinig ko pa silang dalawa na nagtatalo kanina kasi gusto ni Randall magpalit ng suot si Maris.

Hindi ko na lang pinansin ang dalawa sa harap ko at nagpokus na lang sa sarili ko. Kinuha ko ang phone ko at nag scroll na lang sa social media account ko.

ILANG minuto ang lumipas ay nakarating din kami sa bar na tinutukoy ni Maris. Nauna raw na magpunta ang kuya niya kasama ang mga tropa nito doon dahil kailangan pa nilang ayusin yung VIP room kung saan gaganapin yung birthday celebration ni kuya Markus, puro kaibigan muna ni kuya Markus ang makakasama namin.

Walang inimbitahang kamag anak sina Maris dahil nasa ibang bansa raw ang kanilang mga kamag anak. Through virtual lamang ang pagbati ng mga ito sa birthday celebrant na si kuya Markus. Kaya halos tropa lang ni kuya ang nandito sa VIP room. Tapos after mag blow ng candle sa cake ay lalabas kami sa VIP room para makapag party kasama ng ibang mga tao sa bar.

Sa kaibigan naman ni Maris, ako lang ang inimbitahan niya. Hindi ko nga alam kung bakit ako lang, e sa pagkakaalam ko bukod sa akin e marami pa siyang kaibigan. Even outside sa school namin meron siyang kaibigan. Pero ako pa rin ang inaya niya, sa bagay, turing namin sa isa't isa ay mag best friend.

Sa school siya lang ang matuturing kong kaibigan though may mga nakakasama ako. I can't count them as one of my friends. For me, si Maris lang ang kaibigan kong tunay.

"Kuya Markus!!"

"Maris... Nandyan ka na pala. Si Randall?"

"Wow? Si Randall agad ang hinanap mo? Talaga ba kuya? Di mo man lang ako kinamusta."

"Kumusta byahe mo?"

"Tsk. Nasa labas si Randall. Di ko siya pinapasok. Ayaw kong makita niya ako rito sa loob ng bar lalo na mamaya. Pagbabawalan lang ako nun, saka baka isumbong pa ako nun kay mommy."

"Papasukin mo. Akong bahala dun."

"Ha? Bakit?"

"Basta akong bahala. Papasukin mo dito sa loob. Kanina pa hinahanap ni Tres yun. May irereto ata."

"Reto? Para saan?" kumunot ang noo ni Maris dahil sa sinabi ng kuya niya.

"Matagal nang walang girlfriend si Randall. Tinanong siya ni Tres kung gusto niya ng babae, sumang ayon siya kaya ayun naghanap ng babae si Tres at irereto sa kaniya. Teka lang bakit ba ang dami mong tanong? Papasukin mo na lang si Randall."

"Nag agree siya sa alok ni Tres na reto?"

"Oo."

"Siya pa nga nagtanong sa akin kung may irereto daw ako. Now I have and she's a 10. Sa kin sana kaso naalala ko si Randall. Kawawa naman kung tigang lagi yung lalaking 'yon." Tres laughs.

Mas lalong naningkit ang mata ni Maris, pero hindi niya iyon pinahalata sa kuya niya at sa tropa nito. Pansin ko yon kahit anong kilos ni Maris ay alam ko na. At halatang naiinis at naiirita siya sa naririnig niya ngayon tungkol kay Randall.

"Tatawagin ko lang siya sa labas," sabi ni Maris sa seryosong paraan.

"Teka Maris, sabi ko wag mo akong iiwan." Pagpigil ko sa kaibigan ko. Ayaw ko sanang maiwan sa mga lalaking nandito sa VIP room.

Ramdam ko ang lagkit ng tingin nung ibang tropa ng kaibigan ng kuya Markus niya sa akin. Kami lang kasi ngayon ang babae dito sa loob ng VIP room. Talagang hindi nagsama ng mga girlfriend nila ang mga ito, halatang may plano after party. Kawawa naman ang kanilang mga nobya kung meron man silang plano. Mabilis talaga ako mang judge, kaya iyon ang gusto kong baguhin sa sarili ko. Sa pagkakaalam ko may girlfriend ang kuya Markus ni Maris.

"Sandali lang 'to, Ariel, promise, tatawagin ko lang si Randall sa labas. Just give me a minute. I'll be right back."

"O..okay." Wala na akong nagawa. Halata namang galit si Maris kay Randall at ayaw ko namang makiepal pa duon sa labas sa kanilang dalawa kaya hinayaan ko na lang siya.

"Hi miss, I wasn't aware Maris has a very beautiful friend... I'm Andel. And you are?"

"Ariel..." I smiled a bit, awkwardly.

"Ariel, wow, you have a beautiful name, parehas pang A ang start ng letter ng name natin. Destiny, isn't it?" he asks and then winked at me.

Feeling ko kinalibutan ako sa pag kindat na ginawa niya sa akin. Parang papalibutan na ako ng labing tatlong lalaki na nandito sa loob ng VIP room mabuti na lang ay bumukas muli ang pinto at pumasok ulit si Maris.

Tinulak pa nung isang lalaking gray ang buhok yung kulay blue ang buhok makalapit lang sa akin.

"I knew it. Sabi ko na hindi niyo papalampasin ang friend ko. Halika na Ariel, sumama ka sa akin sunduin natin si Randall sa labas."

I'm not very close with them, especially with her brother. Siguro twice or thrice ko pa lang nakita si kuya Markus at never pa kami nakapag usap na dalawa. More on like nagkakasalubong lang kami at nagkakatinginan and then that's it, no more talking or other than looking at each other for more than 10 seconds.

Lumapit sa akin si Maris at hinawakan ako sa braso. Hinila niya ako palabas ng VIP room, nagpatianod lang ako sa kaniya hanggang sa makalabas kami ng VIP room.

"Thank you. Kinabahan ako nung isa-isa na silang lumapit."

"Alam ko nang mangyayari yun. Mga uhaw sa babae mga yun e. Lalo na si Tres, nako lumayo ka doon at wag magpaniwala sa mga sasabihin nun. Matinik sa chicks yun."

"Mukha nga... Pero mukha naman silang mababait. I think nag introduce lang sila sa akin,"

"Mababait ang mga yun sa lahat ng babae. Ni introduce hindi ko papayagan. Pwede kayong mag usap pero deep conversation bawal, baka pag gising mo bukas e nakaisa na ang mga yun sa iyo. Mahilig mang hypnotize mga yun."

"Mukha naman silang okay."

"Akala mo lang 'yun." Halos pasigaw na kami mag usap ni Maris. Nasa public area kami at halos maraming tao ang nasa bar, malakas din ang tunog kaya hirapan kami mag usap ni Maris.

"Bakit?" tanong niya nung huminto ako.

"Dito na muna ako."

"Ha? Bakit?"

"Alam ko na galit ka kay Randall. Sa tingin ko kailangan ninyong mag usap. Go, dito na lang muna ako."

"Sure ka?"

Tumango ako. "Oo. Balikan niyo na lang ako dito kapag tapos na kayong dalawa mag usap."

"H-how did you know? About us? Is it obvious?"

"Halata kayo kanina lalo na nung nagalit siya sa suot mo. May point naman siya. May point ka rin, so I remained silent. Now, mukhang meron kayong hindi pagkakaunawaan kaya puntahan mo siya at kausapin. Hintayin ko kayo dito, bilisan niyo lang kasi tayo na lang ang hinihintay sa VIP room para mag start na yung birthday celebration ng kuya Markus mo."

"Thank you, Ariel. Babalik kami agad. I'll just show him who's the boss."

An Affair With My Ex-Boyfriend's BrotherWhere stories live. Discover now