Chapter 5

1.2K 42 3
                                    

Chapter 5

Ariel's point of view

Pagkatapos nung magulong birthday party sa VIP room ay lumabas din kami dun at nakihalobilo sa iba pang tao sa bar. There are a lot of people right now. Maybe it's because of the weekend and a lot of students are free to go out tonight.

Mukhang mga mas bata pa nga sa amin ang iba. Buti pinayagan sila ng mga magulang nila mag punta sa ganitong lugar? Or baka naman hindi nagpaalam? Grabe na rin kasi mga kabataan sa ngayon, yung iba akala mo may paligsahang paunahang magka-experience.

I WAS ENJOYING THE NIGHT. Until tomorrow came. Hindi ko inasahang gigising ako sa tabi ng isang lalaki. It was Colt, he was sleeping peacefully beside me, fully naked.

Hindi ko alam kung paano ako napunta sa kwartong ito. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Hindi ako nag hysterical agad, kinalma ko muna ang sarili ko habang nakatingin kay Colt na mahimbing ang tulog.

My hands are shivering. I felt scared and nervous. This is the first time I slept with someone, especially with a man fully naked. Tapos hindi ko pa lubos na kilala, though he's my ex-boyfriend's brother.

Nasaan si Maris? Nasaan ang mga kasama namin kagabi. Nilibot ko ang tingin ko, hoping na makikita sila sa sahig o sa ibang parte ng kwarto pero wala akong nakitang iba. Si Colt lang ang kasama ko sa room.

I think this is not a hotel room, I think it is his room. Nasa house ba nila ako ngayon? Mas lalo akong napaingil sa aking naiisip. What if makita ako ni Calvin paglabas ko ng kwarto ni Colt? Ano ba itong gulong pinasok ko? This is very wrong.

Tahimik akong tumayo sa kama, sinigurado kong hindi ko magigising si Colt. Kinuha ko ang mga damit ko na nasa sahig at isa-isang binihis. I even saw blood after looking at his bedsheet. Napamura ako sa aking isip. That's my virginity. It's supposed to be given to my future husband. I am doomed. Hindi ko alam kung mabwibwisit ako kay Colt for taking advantage of me last night or maiinis ako sa aking sarili.

I thanked God dahil hindi ko nakasalubong si Calvin paglabas ko ng bahay nila Colt. I don't know kung papaano ako makakauwi pero bahala na. Ang mahalaga sa akin ngayon ay makaalis sa lugar na ito nang hindi nakikita ni Calvin at ni... Colt.

Colt Rolierston.

That man, napakasama niya! Akala ko wala ng mas masama kay Calvin. Meron pa pala, at yun ay ang kuya niyang si Colt. I don't want to see him again! Halo-halo ang emosyong nararamdaman ko sa kaniya, inis, galit, at poot. Lahat ng yun. Kinuha niya ang virginity ko, Hindi niya dapat ginawa sa akin ang ganito. He took advantage of me.

"WHAT HAPPENED LAST NIGHT?" yan ang tanong sa akin ni Maris, sinadya niya ako rito sa bahay. Hindi naman siya mukhang nag-aalala sa akin. Mas gusto pa niyang malaman ang nangyari sa akin kagabi kasama ang kuya ng ex-boyfriend ko. "That man was really hot!" she added.

"You left me with him. Bakit mo ako hinayaan kay Colt?" kunot-noong tanong ko sa kaniya.

"Why not? He's your ex-boyfriend's brother."

"Yun na nga. Paano pala kung tinawagan niya si Calvin kagabi? Nakakahiya. Hindi mo dapat ako pinabayaan sa kaniya."

"Hindi kita iniwan sa kaniya. Truth is, pinilit niya akong iwan ka sa kaniya. E, kilala mo naman siya, he's your ex-boyfriend's brother so I guess ayos lang kung iiwan kita sa kaniya since kilala niyo naman din ang isa't-isa."

"Hindi ko siya lubos na kilala. Once or twice or thrice pa lang yata kami nagkita noon at we never had a conversation."

"Marami pa rin yun. More than once is many. Saka wala namang nangyari sa 'yong masama. Dapat nga magpasalamat ka pa sa akin, you had a chance to sleep in his bed, kung pwede nga ako na lang ang nagpahatid sa kaniya kagabi."

"Wait how did you know na hindi ako nakauwi?"

"Sinabi ni Tita. Bakit daw hindi kita hinatid kagabi at inabot ka pa raw ng umaga sa pag uwi. Nagdahilan na lang ako para hindi niya ako mapagalitan, sinabi kong marami tayong nainom kaya sa amin ka na lang pinatulog."

I took a deep breath. Dumadami ang kasalanan niya dahil sa pagtatakip niya sa akin which is very wrong. Dapat talaga ay hindi na ako sumama sa kaniya kagabi.

"Okay lang 'yan, wag mo nang isipin ang nangyari kagabi. Wala namang nangyaring masama sa iyo, you're still alive and kicking, and I'm sure nag enjoy ka naman kagabi." Kinindatan pa ako ng bruha.

Akala niya ba talaga ay nag enjoy ako kagabi? Halos mabaliw na ako kakaisip sa kung ano bang nangyari last night ngunit wala pa rin talagang pumapasok sa isip ko.

"Still, he's a man. Hindi mo dapat ako pinagkakatiwala kung kanino lang."

"Pero hindi siya 'kanino lang', 'di ba? You two knew each other. For sure mahalaga ka rin sa kaniya kahit papaano dahil ex-girlfriend ka ng kapatid niya. I know he'll protect you. Kaya hinayaan na lang kita sa kaniya kagabi."

Hindi na ako nakipagtalo pa sa kay Maris dahil hindi matatapos itong usapan namin kung walang nagpapatalo.

"Ba't ganyan ang mukha mo? Parang lugi ka pa. Alam mo ba, siya ang dream guy ko? He's literally cool and hot! Kung naalala mo lang ang nangyari kagabi sa bar. His moves, his body, his eyes, his lips. Grabe, siya na ang pinagpala. Siya na. Tapos ikaw lang ang ni-entertain niya, wala nang iba. Bantay na bantay ka kaya niya kagabi, hindi mo napansin?"

"No. Busy akong mag enjoy kagabi."

"To forget your ex?"

"Of course not! Ikaw na mismo ang nagsabing mag enjoy ako, 'di ba?"

"Oo nga. Sabi ko nga. Sorry naman."

"Si Randall," turo ko sa may pinto ng kwarto ko kahit wala namang tao dun.

Napabalikwas ng mabilis si Maris sa kaniyang pagkakaupo sa aking kama makatingin lang sa tinuturo kong pinto, wala naman dun talaga si Randall.

"You're mean!" hinampas niya ako ng unan. "Akala ko sumunod sa kin yung lalaking yun."

"Wag mo nang pantasyahan si Colt. May Randall ka na."

"Okay, fine. He's all yours!"

I decided not to tell her what happened last night between me and Colt. Ayaw ko muna ipaalam sa kaniya yun at baka mahimatay itong si Maris kapag nalaman niyang may nangyari sa aming dalawa ni Colt.

What happened last night is very unexpected, hindi ko alam kung ano ang nangyari o kung may nangyari ba talaga. Wala naman akong maramdamang kakaiba sa perlas ng silangan ko. Pero malinaw namang dugo ang nakita ko sa bedsheet ni Colt. Patunay na nakuha niya ang aking virginity.

Ugh.

Nagulo ko ang aking buhok dahil sa inis.

"Girl anong nangyayari sa yo? Okay ka lang?" tanong sa akin ni Maris.

"Hindi!" sagot ko sa kaniya.

Gulong gulo ang hitsura niya habang nakatingin sa akin, ako naman ay hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Talaga bang mayroong nangyari sa aming dalawa ni Colt. Hindi ako pinapatulog ng nangyari kaninang umaga.

Nagising na lang akong nasa tabi ni Colt and we're both naked. Kahit pilitin ko sa sarili ko na ipaniwalang walang nangyari, hindi ko magawa dahil may dugo sa kama niya at parehas kaming nakahubo't hubad.

An Affair With My Ex-Boyfriend's BrotherWhere stories live. Discover now