Chapter 14

740 33 2
                                    

Chapter 14

Pagdating ko sa department namin halos lahat ng tao dun ay hindi mapakali sa kanilang mga puwesto, para bang end of the month kung mag sigalaw dahil kailangang matapos ang kanilang mga trabaho for the specific month.

"Jayda, what's happening?"

"We lost some documents. Hinahanap namin ngayon dahil importante yun. Kanina pa nagagalit si Madam Kassandra. She's looking at you. Pumunta ka na sa office niya, mabuti maaga ka, alam mo namang ayaw niya sa late. Go na. Pupunta lang ako sa table ni Mia, baka naisingit lang sa ibang documents ang hinahanap natin."

I put my things on my table and then I go to Kassandra's office. She was not in the mood when I get there. I saw her brushing her hair due to stress. Hindi lang basta suklay ang ginagawa niya, madiin ang pagkasuklay niya sa kaniyang buhok kaya naman nasabi kong wala siya sa mood. She wasn't like this yesterday when I spoke with her. So I knew there was something about her brushing her hair today.

"Hi. Pinatawag niyo raw po ako sabi ni Jayda." Nagsalita na ako nung hindi niya pa rin ako napansin.

"Oh! God, you scared me. Ikaw lang pala."

"I'm sorry. Are you okay, ma'am?" I asked her, very concerned.

"I'm fine. Nastress lang ako sa document na hindi ko makita. It's already been signed and sealed. I asked Jared to submit those documents but turns out that di pa pala na-submit, kailangan na ang documents later para masimulan na ang project. If hindi yun mapapasa magkakaroon ng delay sa mga yun at malilintikan ako sa CEO. It will cause a lot of delays in everything. I don't know where to find it, I don't know what to do anymore."

She was exhausted. It's obvious that she doesn't know what to do anymore because of this issue. She did everything she could to recover the documents. She lost the file as well so there's nothing she could reprint.

"Anong oras kailangan yung documents? And what department ang kailangan pumirma ng mga yun?" tanong ko kay ma'am Kassandra. I want to help. I'll try my best to be more open-minded like what I've told them in my recent interview.

"3 pm. There's nothing we could do, Ariel. Kailangan ko na lang maging totoo sa kanila at tanggapin ang delay na mangyayari kahit na magalit pa ang CEO. Ako na ang bahalang humarap sa kaniya at pangako ko sa inyo na hindi madadamay ang buong department natin dito. I'll take full responsibility for this concern. It's not Jared's fault. It's my fault to trust him that he could do this without a problem like this."

"Maybe we could create another one and try to ask the head department to sign it again."

"Naisip ko na yan. But it's not that easy. Kung magpapadala ulit tayo ng document sa kanila na kailangan pirmahan they will think na niloloko natin ang company. Masisilip nila ang department natin dahil nakapagpapirma na tayo sa kanila. Iisipin nilang pangalawa na ito at kinukuhanan natin ng pera ang Rolierstone."

"Pero hindi naman ganun ang mangyayari. Di natin peperahan ang kumpanya. Nawawala ang mga dokumento na magpapatuloy sa projects. Katulad ng sinabi mo magkakaroon ng delay at siguro naman po e ayaw nilang mangyari yun."

"That's true. They do not want that to happen, but from a business's perspective, hindi na tayo pwedeng magpapirma sa kanila ng same documents it will take a lot of time for an investigation, magkakaroon pa rin ng delay." She sighed. Losing hope with this problem.

"Mavovoid naman ang documents na yun kapag hindi nahanap after a year."

"Pero kapag may gumamit ng lumang document, makukuha pa rin ang pera. It's a liability for the company."

Pati ako nanlumo sa narinig sa kaniya. She has a point. It's a very hard decision. Hindi ko alam kung ano ang susunod niyang gagawin bilang supervisor ng aming department.

Hindi ako nakasisigurado na susuko siya at aakuin na lang ang pagkakamali ng aming department mamaya sa meeting nila kasama ang CEO. I'm not sure about it since I know that Kassandra was thinking about something.

"Ano ho pala ang kailangan ninyo sa akin? Bakit niyo po ako pinatawag dito sa opisina mo?" tanong ko sa kaniya pagkalipas ng ilang segundong katahimikan.

"Ah, yun ba? It's actually not about our work. Curious lang ako kung anong relasyon mo sa CEO natin." Naging seryoso ang mukha ni Kassandra.

"Po?"

"You heard me right. I would like to know what's going on between you and Coltier."

"What do you mean po?" My heart started to beat so fast. Bigla akong kinabahan sa tanong niya, hindi naman ako dapat kabahan dahil sa tanong ni ma'am Kassandra.

"Siya kasi ang nag utos sa akin personally na ipadala sa yo ang mga papel na kelangan niyang pirmahan kahapon. I was confused kasi bago ka palang sa department natin pero kilala ka na niya and he even requested to me na papuntahin ka sa office niya. It's just weird for me so..."

"Ah, yun po ba? Nagkakilala kami sa club pero matagal na yun. Tinanong niya lang kung kumusta na ako kasi siya ang nagligtas sa akin doon sa club. He's very nice."

"That's good to hear. I would like to clear things up here, Ariel, what's mine is mine. I don't like sharing. So gusto ko lang ipaalam sa yo na fiance ko si Coltier. I don't like sharing him so please distance yourself. If you're feeling something about him I want you to stop that and know where you stand. Alam naman nating hindi ka nababagay sa katulad niya because you're just nothing compared to me. Yun lang ang gusto kong sabihin sa yo. You can leave my office now. I have a lot of things to do pa and please gawin mo ng tama ang trabaho mo, I heard from Jared that you missed submitting the document we need yesterday, so na late siya ng uwi because of it."

Hindi agad ako nakapag react sa sinabi niya. Muntikan nang malaglag ang panga ko. I couldn't believe everything she said. I wasn't expecting that from her. Because she's been good to me, and then biglang ganito. Moody siya 'no? May saltik ata itong babaeng ito. Deserve niya ang nangyari ngayon. Sana di na mahanap ang document at magkanda letse letse siya sa meeting nila with investors at CEO para masiraan lalo siya ng bait.

An Affair With My Ex-Boyfriend's BrotherWhere stories live. Discover now