Chapter 21

688 42 7
                                    

CHAPTER TWENTY-ONE

ARIEL

Coltier signed all of the papers without reading them. Hindi niya inalis ang kaniyang tingin sa akin habang pinipirmahan ang mga papeles sa table niya. How can he do that? Ganun na ba siya katagal sa kaniyang trabaho at mukhang kabisado niya na lahat kahit ang pagpirma sa mga papel?

"Bakit pinipirmahan mo lahat nang hindi binabasa?" tanong ko sa kaniya. Hindi siya ganito sa pagkakaalam ko. Base kina Jayda at Mia, mahigpit si Colt pagdating sa pagpapapirma sa kaniya ng mga papeles.

"I trust you with these papers,"

"You trust me nga pero hindi ko naman alam kung ano ang mga nakasulat dyan sa pinipirmahan mo. Inutusan lang ako papirmahan yan sa yo."

"What?" napatigil siya sa pagpirma ng mga papel at binalikan ito hanggang sa simula. "Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?" nakakunot noo niyang tanong.

"Hindi ka naman nagtanong sa akin kaya bakit ko sasabihin?"

Napabuntung hininga na lamang si Colt at binasang muli ang mga papel na kaniyang pinirmahan. Hindi ko maiwasan ang mamangha sa kagwapuhan niya lalo na noong nangunot ang kaniyang noo habang binabasa ang mga papeles.

Inabot siguro kami ng kalahating oras. I think mas mabilis pa rin ito kumpara sa mga naririnig kong usapan sa iba na nagpapapirma ng dokumento rito kay Colt. Pagkakuha ko ng mga papel na napirmahan niya ay lumabas din agad ako sa kaniyang opisina.

Masama ang tingin sa akin ni Claire nang makita niya akong lumabas sa opisina ni Colt. Akala ko ay susungitan niya ako ulit at uusisain tungkol sa sinabi ni Colt kanina sa kaniya na ako ang future wife nito.

Mabuti na lang at umiwas agad ito ng tingin at hindi na ako kinuwestyun pa tungkol doon sa sinabi sa kaniya ni Colt kanina. Naalala ko na naman kung paano sabihin ni Colt kay Claire na future wife niya ako.

"Signed lahat?" hindi makapaniwalang tanong ni Jayda nang inabot ko sa kaniya ang mga papeles na kailangan niyang papirmahan sa CEO.

Tumango ako. "Pirmado lahat."

Tumingin siya sa orasan sa kaniyang table. "Wala pang dalawang oras, ang bilis mo naman yatang napapirmahan ito sa CEO? Siguro inutos mo 'to kay Calvin, 'no?"

"Kapag sinabi ko bang hindi maniniwala ka?"

"Hindi."

"Then paniwalaan mo po kung ano ang gusto mo, I did my part, a simple thanks would be so much appreciated."

"Hindi lang simpleng thank you, super duper thank you, Ariel. You are my savior! I'll pass this on to Ms. Kassandra now. Hindi ko akalain matatapos agad ngayong araw ang problema ko. Thank you so much!"

Excited umalis ng table si Jayda at pinuntahan si Kassandra upang mapasa niya na ang mga papeles na nakatoka pala sa kaniya.

Inaasahan ko na hihintayin ako ni Colt, o ihahatid man lang pauwi pero ni anino niya ay hindi ko nakita hanggang sa makauwi na ako sa bahay.

IT IS Sunday. Wala akong pasok at wala naman akong gagawin ngayong araw kaya pumayag ako sa gusto ni Maris na magkita kami sa isang mall malapit dito sa amin. Siya na ang nag adjust para sa akin, may kotse naman siya at may driver slash boyfriend pa kaya hindi siya mahihirapan.

"Are we going to just look at each other for the whole time?" Maris laughed at what she said. Wala kasing nagsasalita sa aming dalawa. Wala naman akong maisip na ikuwento sa kaniya. Okay na akong nasa tabi ko siya at kasamang uminom ng favorite naming drink.

She sipped on her drink. Randall changed her drink to juice instead of alcohol. Sila na nga talaga, official na ang relasyon nilang dalawa. Halos isang buwan na rin yata ang nakalipas simula noong inamin nila sa akin ang relasyon nila at ngayon ay legal na agad at mukhang boto naman ang pamilya ni Maris kay Randall.

"So how's your internship, girl? Maganda ba talaga sa Rolierstone Legacy?" tanong niya.

Mukha naman siyang seryoso sa tanong niya kaya sinagot ko siya ng matino. "Maganda pala talaga dun. May bidet bawat cubicle toilet, malamig sa buong hallway at walang lugar na maiinitan ka."

"Oh my, for real?"

"Yes. Talagang maganda sa kumpanyang yun. Magagaling din magtrabaho ang mga empleyado dun at lahat sila may mga magagandang educational background, hindi lang yun dahil mukhang mayayaman pa ang tao dun. Pakiramdam ko araw araw akong naliligaw sa kumpanyang yun."

Natawa si Maris ng malakas sa sinabi ko sa kaniya. Parang si Randall pa ang naging third wheel naming dalawa dahil tahimik lang ito habang nagbabantay sa aming dalawa ni Maris. Minsan lang din kasi nito tingnan ang cellphone. Kaya pakiramdam ko e nakikinig din siya sa usapan naming dalawang babae.

"Masaya ako for you, Ariel. I think it's a blessing in disguise na hindi tinanggap ni daddy ang internship mo. Mukhang mas napaganda pa ang pagpasok mo sa Rolierstone Legacy, and mukhang masaya ka naman. May nanliligaw na ba sa yo dun?"

"Ano ka ba? Bakit ganun agad ang tanong mo? Andun ako para makakuha ng internship certificate, hindi boyfriend."

"Di tayo para maging pabebe, Ariel, it's your chance to have a good-looking boyfriend and at the same time richer than Calvin." She winked at me.

"Anyway, naalala ko lang nung birthday party ng kuya mo. May dalawang guy doon let's say tropa ng kuya mo ang hindi ako tinitigilan hanggang ngayon."

"Ooh. Really? The who?"

"Umamin ka sa akin Maris, binenta mo ba yung number ko sa mga tropa ng kuya mo?"

"Of course not. What happened ba? Sino ang nangungulit sa iyo sa kanila?"

"Panay pa rin kasi ang tawag at text sa akin nung Andel at Tres, interesado raw sila sa akin. Gusto pa yata akong tikman ng mag tropang yun."

"Yung dalawang yun talaga. Sinasabi ko sa yo wag na wag mong papatulan ang dalawang yun kung ayaw mong masira ang buhay mo. Ako na nga lang ang naaawa sa mga babaeng naloloko ng dalawang mokong na yun."

"Maris, your mom texted me," mayamaya pa ay biglang sumingit sa usapan namin si Randall. May pinakitang message si Randall kay Maris at mukhang kinabahan ang frienny ko.

"We need to go now, Ariel, masaya akong nakita ulit kita pagkatapos ng ilang linggo. Magiging busy na naman tayong dalawa dahil sa intern hindi ko alam kung kelan na ulit ang next meeting natin."

"It's okay, Maris. At least we are busy doing the best for our lives. See you when I see you." I told her.

"See you when I see you, sis." She hugged me tight before leaving.

Mabilis kong pinunasan ang luha ko. Miss ko talaga si Maris. Bago mag intern halos araw araw kaming magkasama at halos hindi na mapaghiwalay, ngunit simula noong nagkaroon na kami ng internship, naging busy na kaming dalawa, actually hindi lang naman kaming dalawa kun'di buong klase namin dahil sa internship.

Ang hirap kapag meron kang mabigat na nararamdaman sa tuwing naiiwanan ka ng mga taong napapalapit na sa yo.

An Affair With My Ex-Boyfriend's BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon