Chapter 16

661 29 1
                                    

Chapter 16

"Baliw ka ba?" tanong ko sa kaniya nang makalayo na kami. Hindi ko napigilan ang pagtaasan siya ng boses dahil sa inis ko sa kaniya.

"Oo. Baliw na ata ako. Baliw na baliw na ako sa yo, Ariel. Ano pa bang kailangan kong gawin para mapatawad mo ako? Sabihin mo lang at gagawin ko. Kahit ano!" panghamon niya sa akin. Nagmamakaawa ang kaniyang mga mata. Nagsusumamo na patawarin ko na siya at muling makipagbalikan.

"Wala. Wala kang dapat gawin, Calvin. Dahil wala na tayong pag asa. Di na kita babalikan kahit ano pang gawin mo, sana malinaw ang lahat ng yun sa yo. Tigilan mo na ako. Tigilan na natin ang isa't-isa."

"No. Ariel please, I love you. Walang pumapasok sa isip ko kundi ikaw. Tatlong linggo na akong nababaliw. Di ko kayang iwan mo. Ngayon ko napatunayang mahal na mahal talaga kita. Please give me another chance. One last chance. I'm begging you."

"No." Firm ang pagkakasabi ko nun. Desidido na akong hindi siya bigyan ng isa pang chance. Ilang beses ko na rin ito pinag isipan. Ilang gabi din akong hindi nakatulog dahil sa kaniya.

"Gusto mo lumuhod pa ako sa yo ngayon para lang maniwala ka sa kin na sincere ako sa paghingi ko ng another chance. I'll do it. Just tell me."

"No, you don't need to do that, Calvin."

"Please." Kahit sinabi kong wag siyang lumuhod e lumuhod pa rin siya sa aking harapan. Dahilan upang pagtinginan kami ng mga tao sa paligid at ang mga empleyadong dumadaan.

"Calvin, ano ka ba? Tumayo ka dyan. Wala kang dapat patunayan sa akin. Ang sa akin lang tapos na akong masaktan pa sa yo. Tiniis ko ang lahat ng sakit noon. Hindi lang araw, linggo, anim na buwan kong tiniis ang panloloko mo, kaya please lang wag na nating pahirapan pa ang bawat isa. Tumayo ka dyan at ayusin mo ang sarili mo."

"Why? Are you already in love with someone else?"

"Ha?"

"We've been together for almost a year, Ariel. Sa tingin ko parang wala lang yun sa yo. Bakit ba? Dahil may iba ka na? Come on, tell me honestly."

"Wala akong iba, Calvin. Alam nating dalawa na ikaw ang dahilan kung bakit nasira ang ating relasyon."

"Then why can't you forgive me? Why can't you give me another chance?"

"Are you really asking me that question? Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo? Ilang beses mo na ba tong ginawa sa kin? Hindi ka ba naawa sa kin? Hindi mo ba inisip kung anong mararamdaman ko? Hindi mo ba naisip kung gaano kasakit na wala kang time sakin pero sa ibang babae e marami? Di lang ito isang beses, Calvin. Sana noon pa lang hindi ko na sinayang ang oras ko sa yo. Sana noon pa lang tinigil ko na ang kahibangan ko sa yo."

"I'm sorry,"

"Di sapat ang sorry sa lahat ng atraso mo sa kin. Kulang pa ang pag luhod mo sa sakit na pinadama mo sa kin." Hindi ko na napigilan ang mga luhang bumagsak sa king mga mata. "Kulang ang salitang patawad sa sakit na dinulot mo sa puso ko."

Dahan dahan niya akong nilapitan at niyakap. Hinayaan ko siya sa ginawa niyang pag yakap sa akin. Kahit sa huling pagkakataon ay mayakap naming muli ang isa't-isa.

Paulit-ulit ang salitang patawad sa bibig niya. Walang ibang lumalabas doon kun'di I'm sorry. "I'm sorry, Ariel. I'm sorry. I'm an asshole. I'm a jerk. I'm a cheater. I'm the worst boyfriend. Please don't cry. I don't want to see you like this. I'm very sorry I have caused you a lot of pain. I didn't know. I was selfish. Please forgive me."

"Sinusubukan ko naman, Calvin. Gusto kitang patawarin. I'm almost there. Hindi lang ganun kadaling kalimutan ang sakit sa puso ko na hanggang ngayon ay tila sariwa pa."

An Affair With My Ex-Boyfriend's BrotherWhere stories live. Discover now