Chapter 22

617 38 2
                                    

CHAPTER TWENTY-TWO

ARIEL

Napatingin na lamang ako kina Maris at Randall habang naglalakad sila palayo sa puwesto ko. Nagpaiwan na muna ako rito, hindi ko pa nauubos ang drink ko. Siguro dito ko na lang ito uubusin. I look at my friend, Maris, nakita ko pang sinukbit niya ang kaniyang kamay sa braso ni Randall.

I'm happy for my friend. Finally, she found someone who will always be there for her. Randall is a very kind person, wala rin akong dahilan para hindi siya magustuhan para sa best friend ko. If they are happy in their relationship, I am more than happy for them.

Kinuha ko ang phone sa aking bulsa at nag browse lang since wala akong magawa. I checked my messages, baka may maligaw na message mula kay Colt ngunit wala kahit isa. Pangalawang araw na itong hindi siya nagpaparamdam sa akin. Ano kayang nangyari dun sa lalaking yun? Siguro nahimasmasan na siya.

"Ariel?"

May tumawag nang pangalan ko kaya napaangat ako ng tingin. Nakita ko si Lance. "Lance? Anong ginagawa mo rito?" Napangiti ako ng bahagya. "Sinong kasama mo?" tanong ko sa kaniya, luminga pa ako para makita ang ibang kasama niya ngunit wala na akong ibang makita pa bukod sa babaeng katabi niya.

Nasaan si Colt? Bakit hindi niya kasama?

"Hindi ko kasama si Sir Colt. Rest day natin," natatawa niyang sabi sa akin.

"Hindi ko siya hinahanap 'no! Tinatanong ko lang kung sino pa ang kasama mo, malay ko ba na rest day mo rin e mukha ka pa ring nakapang trabaho."

Tumawa siya ng mahina. "Ganito rin kasi sinusuot ko pag sumisimba. Galing kaming church kanina. Dumiretso kami rito para bumili ng mga gamit."

"Hi, my name is Astrid. You're Ariel, right?"

"Yes. Ako nga, hello, palagi ba akong nakukuwento sa yo niyang si Lance?" pabiro kong tanong sa babae.

"Oo, marami na siyang nakuwento sa akin tungkol sa yo."

Napakamot ng ulo si Lance sa sinabi ni Astrid. "Kinukwento ko kasi sa kaniya lahat ng nangyayari sa work ko. It happened na these past few days, walang ibang bukambibig si Sir Colt kundi ikaw tapos palagi pa tayong nagkikita nun kaya nakukwento rin kita sa kaniya." Paliwanag niya.

"Wag ka dito magpaliwanag. Sa presinto."

Natawa silang dalawa sa sinabi ko.

"By the way, Si Astrid nga pala. Girlfriend ko, she's pregnant. Nandito kami para bumili ng gamit ng baby namin." Sabi pa ni Lance.

Oh, girlfriend niya pala ang babae at buntis pa. Ano kayang masasabi dito ni Claire? Teka, interesting. Alam kaya ni Claire na meron ng ibang babae si Lance at magkakaanak na? Kawawang Claire.

Umuwi na rin ako sa bahay bago pa magdilim. Alam niyo naman si Mama masyadong konserbatibo din yun. Sinabi niya sa akin literal kanina na kailangan nakauwi na ako bago pa man magdilim ang paligid.

"Umamin ka nga sa akin anak. May bago kang boyfriend 'no?" tanong sa akin ni Mama.

"Bago pong boyfriend? Wala po ma!"

"E, sino yung lalaking nagpunta dito noong isang linggo?"

"Ma one week na talaga ang lumipas ngayon ka lang nagkaroon ng oras tanungin ako tungkol sa kaniya?"

"Palagi ka kasing busy at saka nakakalimutan ko rin itanong sa yo pero ngayon naalala ko na kaya sagutin mo ang tanong ko. Boyfriend mo ba ang lalaking nagpunta dito noong isang linggo?"

An Affair With My Ex-Boyfriend's BrotherWhere stories live. Discover now