Chapter 27

666 41 7
                                    

CHAPTER TWENTY-SEVEN

ARIEL

ILANG araw na ang nakalipas. Walang araw na hindi pinaramdam sa akin si Colt kung gaano ako kaswerte sa kanya dahil manliligaw ko siya. Para bang sinasampal niya ako ng kayamanan at kagwapuhan niya. Minsan may pagkamayabang din pala ang lalaking yun.

Colt has some traits that I don't see with Calvin. Magkaiba silang dalawa. Mas worthy yata ang iyak ko kay Colt. Why? Because he's making me feel very special every day. Sana hindi lang ito katulad sa iba na sa una lang. Sana hanggang sa wakas ay ganito pa rin siya sobrang sweet sa akin.

"Sino ba 'yang secret admirer mo?" tanong ni Mia habang malawak ang ngiti at nakatingin sa bulaklak na nakapatong sa ibabaw ng office table ko.

"Sana all everyday may flowers. May space pa ba ang bahay niyo sa mga bulaklak na yan? Kung wala pwede mo naman sa akin ibigay," ani Jayda at kitang kita sa mga mata niyang gusto rin ng bulaklak, mukhang kursunada pa itong bulaklak na naipadala ngayon sa akin ni Colt.

"Baka naman isa sa mga guard."

"Ano ka ba? Imposibleng guard ang secret admirer niya! Look at the flowers, it's expensive! Hindi kaya si Calvin ang nagpapadala niyan sa kaniya? Baka naman nanliligaw ulit ang ex niya?"

"Oo nga 'no? Hindi kaya si Calvin ang nagpapadala ng mga bulaklak na yan?"

"Kabago bago mo rito may pa secret admirer ka. Dinaig mo pa ang mga nagurang na dito."

Iba't ibang reaksyon ang natatanggap ko araw-araw mula sa kanila simula noong padalhan ako lagi ni Colt ng bulaklak sa table ko.

"No. This is not from Calvin. Kilala ko kung sino ang nagbibigay sa akin ng bulaklak. And for now, I don't like to share the identity of the person. Two weeks na lang din naman ako rito sa kumpanya. Ayaw kong magkaroon pa ng conflict."

They are all envious of my flowers. I can see it in their eyes. Proud ako habang inaayos yung bulaklak sa office table ko. Hindi mawala ang ngiti sa labi ko habang iniisip din si Colt.

EVERYONE is talking and excited about the party tomorrow night. Isang linggo na halos usap-usapan ang mga yun simula ng magbaba ng memo.

Magkakaroon daw doon ng awarding sa mga empleyado at dadalo ang mga kilalang businessman. Present din daw doon ang lahat ng investors at mga bosses ng Rolierstone Legacy.

It happened once a year. Medyo napaaga lang daw ngayon dahil mid-year pa lang. Usually end of the year nagaganap iyon. Swerte nga raw ako at makakaabot ako sa party.

"May susuotin ka na ba sa party, Ariel?" tanong sa akin ni Mia.

Umiling ako. Wala pa kasi talaga akong naisip na suotin doon. Parang ayaw ko pumunta at makisalo sa party ng mga mayayaman. Karamihan sa kanila galing sa kilalang pamilya at talagang may maipagyayabang kapag nakipag sosyalan sa ibang tao doon.

"Baka hindi ako dumalo sa party. Wala rin naman akong award dahil intern pa lang ako. Enjoy na lang sa inyo."

"Anong hindi? Sayang naman. Buti nga naabutan mo ang party. It's once a year. You will enjoy the party, Ariel. You can invite your secret admirer, he can be your date on that day. You will experience one of the best parties ever. I'm telling you. Hindi pinapalampas ang party kapag Rolierstone Legacy."

"Mia, mabobored lang ako dun. I'm not into parties."

"Di lang naman yun about sa pakikipaghalubilo. It's a formal party. You can have fun by yourself. Maraming drinks. Maraming foods. Marami kang pwedeng gawin dun. Actually, lugi ka if di ka makikipaghalubilo because you will meet a lot of business tycoons, a bachelor. It's everyone's chance to meet their partner. Dun nga nakakahanap ang iba ng sugar daddy nila."

An Affair With My Ex-Boyfriend's BrotherWhere stories live. Discover now