Chapter 28

675 32 6
                                    

CHAPTER TWENTY-EIGHT

ARIEL

"What's the problem?" Coltier asked me as he noticed me spacing out. "Hindi mo ba gusto ang steak? Ano bang pagkain ang gusto mo?" tanong niya sa akin.

Tatawagin na sana niya ang Chef ng restaurant pinigilan ko lang. "Masarap ang pagkain. Wag mo nang tawagin ang chef nakakahiya naman. Masarap naman ang mga hinain nilang mga pagkain."

"Then why are you staring into nothing?"

"Naninibago lang ako. Hindi pa rin ako sanay kumain sa mga ganitong kasosyal na kainan."

"Hindi ka ba dinadala sa ganitong restaurant ng kapatid ko?"

"Dinadala. Hindi pa rin ako sanay. Mas prefer ko pa rin sa mga fast foods or sa mga tabi lang na kainan."

Hindi siya nakapagsalita sa sinabi ko. Ayaw niya kasing kumain sa mga ganung klase ng kainan. Masyadong maarte rin kasi itong si Colt. Mas pipiliin pa niyang magluto kesa kumain sa karinderya.

Paano ko kaya sasabihin sa kaniya na meron nang nakakaalam ng secret relationship namin? Ano kaya ang magiging reaksyon niya? Sasabihin ko ba sa kaniya? Hindi ko alam.

I couldn't tell him that there is already a few people who knew our secret. "What if may makaalam ng sikreto natin? Anong gagawin mo?" kaya dinaan ko na lang sa pambansang what if.

Kunware pero totoo na pala. Bahala na siya mag alam sa sitwasyon.

"It depends."

"Depends on what?"

"Depende kung sino ang makakaalam. Kung empleyado ko, tatanggalin ko sa kumpanya. I'll fire them and I will make sure that no one will accept their application. They will be forever jobless."

Natakot ako sa sinabi niya. Ganun ang gagawin niya sa mga kaibigan kong si Jayda at Mia? Napalunok ako at halos di ko manguya ang bagong pagkain na sinubo ko.

He laughed. "Why did you ask? And why is your face like that? Tanong lang yun, right? It's not true that there are people knew our secret?"

"Actually... yes, it's just a question."

Pinitik niya ako sa noo ko at ngumiti ng bahagya. "Damn, Ariel, you're not a good liar." He shrieks.

Sumimangot ako. Alam niyang meron nang nakakaalam ng sikreto naming dalawa.

"Sino sila?" tanong niya.

Umiling ako. Baka mamaya gawin niya nga yun kina Jayda at Mia. Ayaw ko naman mapahamak ang dalawang yun nang dahil sa akin.

"Tell me, Ariel, I won't be mad I swear,"

I looked at him in his eyes. Mukhang sincere naman siya sa sinabi niya sa akin pero natatakot pa rin ako para kina Jayda at Mia kaya hindi ko pa rin sasabihin sa kaniya.

"Wag mo nang alamin. Mabuti pang hindi mo alam para walang ilangan at least wala kang ideya kung sino sila kaya kahit madaanan mo e parang wala lang. Di ba?"

"No. I want to know. Seriously, I would like to know who are they. Are they good at keeping secrets?"

"Yes, they are!" mabilis kong sagot kahit hindi ako masyadong sigurado. Hindi pala, sigurado pala ako na magaling silang magtago ng sikreto. I trust my girls. They are good at keeping secrets.

"So it is more than one, huh? Give me a name, baby girl."

"No."

He took a sip of his drink.

"If I tell you, will you harm them?"

He shook his head. "No. I just want to know."

"Okay, I will not tell you for the sake of their safety."

An Affair With My Ex-Boyfriend's BrotherWhere stories live. Discover now