Chapter 20

679 45 3
                                    

Chapter 20

"Hi."

"Ariel,"

Diretso ang mga mata ni Colt sa mga mata ko. Para bang kanina niya pa ako hinihintay dito sa kaniyang opisina. Nakatayo siya malapit sa kaniyang office table. Mukhang di siya mapakali nung pumasok ako.

"May problema ka ba? Mukhang wala ka yata sa huwisyo? Gusto mo bang bumalik na lang ako sa ibang oras?"

"No. Please come in and sit down." He offered me his chair in front of his table.

Umupo ako roon at pinatong sa table niya ang folder na kailangan niya raw pirmahan base kay Jayda. "Mabilis lang ito kung bibilisan mo," sabi ko sa kaniya. "Alam ko may meeting ka mamayang 3 pm. Kung ayaw mong ma-late doon sa meeting na yun, pwede mo nang simulan pirmahan ang mga yan." Turo ko doon sa pinatong ko.

Kumunot ang kaniyang noo dahil sa sinabi ko sa kaniya. "Do you think I'll sign that easily without any return?" he asked.

Nagkibit balikat lamang ako. "E di basahin mo na." Walang buhay kong sabi sa kaniya.

Hindi ko alam kung bakit ang init ng dugo ko sa kaniya ngayon marahil ay katulad siya ng kaniyang kapatid. Lahat talaga ng lalaki ay mahilig mambabae. Mukhang kaya siya di mapakali dito sa kaniyang office e dahil naabutan ko siyang kasama yung Mendusa.

"What's in it for me if I sign those documents you bring?"

"Walang magiging problema ang kumpanya mo. Kaya kung ayaw mong magkaiberya ang kumpanya ninyo pipirmahan mo na yan."

Kumunot ang noo niya nang mapansin niya kung paano ako sumagot sa kaniya. "Galit ka ba sa akin? What the hell did I do wrong to you?"

"Bakit hindi mo itanong sa babaeng lumabas dito? Mukhang matalino siya, hindi ba?"

"Ah huh, you're jealous," he said with a smirk. "That's why you're mean to me. You're jealous of her, aren't you?"

"Hindi ako nagseselos. Wala naman dapat ikaselos." Iniwas ko ang tingin sa kaniya at nag focus na lang doon sa files na pinatong ko sa kaniyang table. "Kailangan namin ASAP itong mga files. Pirmahan mo na para makaalis na ako at makapag handa ka sa meeting mo mamaya." sabi ko sa kaniya.

Ngunit imbes na sagutin ako sa sinabi ko sa kaniya at pirmahan ang mga files na nasa harap naming dalawa, kinuha niya ang telepono na kumokonekta sa small reception area sa labas at may tinawagan.

"Claire, reschedule my 3 pm meeting. Told them I have an important discussion with my future wife."

Shit. Hindi ko napigilan sabihin sa sarili ko. Did he just tell her 'future wife'? Baka matsismis kaming dalawa at ipagkalat nung Claire na future wife ako ni Coltier.

"Bakit ganun ang sinabi mo sa tao mo doon? Hindi mo ba alam na namukhaan ako at kilala nila ako na sa accounting department ako?" hindi ko napigilan mag hysterical sa harap niya.

"I did it for you not to be jealous of Mendusa. You're the only girl that I like, Ariel. Even though there are a lot of women trying to seduce me they won't win against you. Ikaw lang ang maganda sa paningin ko."

Naningkit ang mata ko sa kaniyang sinabi. "Nahihibang ka na. May galit ka ba sa kapatid mo at kahit ex niya handa mong patusin?"

Nagbago ang ekspresyon ng kaniyang mukha dahil sa binigkas ko sa kaniya. Tila napikon ata siya sa sinabi ko. "Wala ka na bang ibang bukambibig kun'di yan? Ano naman kung ex ka ng kapatid ko? Di ka na ba pwedeng mahalin?"

Kinikilabutan ako sa mga salitang lumalabas sa bibig ni Colt. "Bawiin mo ang sinabi mo kay Claire. Hindi ako nagseselos kay Mendusa. Magsama kayo kung gusto mo. Ang gusto ko lang sir-"

"Don't call me sir."

"Whatever. Ang gusto ko lang e mapirmahan mo na ang mga documents para tapos na tayo."

He took a deep breath. "Unbelievable. Are you going to play hard to get, Ariel? Why can't you just let me into your heart?"

"Di kita gusto sir." Diretso kong sinabi sa kaniya, ni walang pag alinlangan. Nakita kong umukit ang sakit sa mga mata ni Colt. I'm sorry for him but I don't want to enter a relationship for now. "Wala pa sa isip ko ang magmahal ulit pagkatapos ng nangyari sa amin ni Calvin." Pagpatuloy ko. "For now, I'm focused on my work and my career. Wala munang love life. Kung anuman ang nangyari sa atin noon sa club, mabuti pang kalimutan na lang natin yun."

"Ganun lang yun kadaling kalimutan sa yo?" tanong niya sa akin. Ngayon ay umamo at lumambot ang kaniyang hitsura. "Kahit ako ang nakauna sa yo sa kama?"

Hindi agad ako nakasagot sa kaniya. Masyado yata siyang nadadala sa mga nangyari sa aming dalawa. Talaga bang natamaan ng husto sa akin itong si Coltier? Hindi ko lubos akalaing magiging ganito siya kaseryoso sa kung anuman ang meron sa aming dalawa kahit ilang araw pa lang kaming nagkikita.

"Akala ko ba big deal sa yo ang first time mo? Bakit parang di ka naman nagalit sa akin nung makumpirma mong may nangyari sa ating dalawa? Did you plan to happen this, Ariel? Are you seducing me? What are you trying to do? Please enlighten me, gulong gulo na ako hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. You're all in my head, Ariel."

"Wala akong ginawa, Colt. Hindi ko alam kung bakit ka nagkakaganiyan. Siguro wala ka lang magawa sa buhay mo kaya gusto mo akong guluhin pero sorry ha? Natuto na kasi ako. Ayaw ko nang masaktan pa. Colt, ilang beses pa lang tayong nagkikita, ni hindi mo pa ako kilala ng lubos. How did you fall in love with me so quickly and easily? You're just bored."

"Kung bored ako bakit ikaw pa? Maraming babae ang gustong makipaglaro sa akin pero bakit hindi ko piniling makipaglaro sa kanila at mas pinili kong pagtuunan ka ng pansin? I'm not just bored, Ariel, I truly like you."

"How?"

"What do you mean by that?" he asked.

"How did you even like someone like me? There's nothing special about me. I'm just an ordinary girl who's heartbroken you met in a club. Isa lang ako sa mga naka one night stand mo."

Umiling siya. "Hindi ko rin alam. After that night, wala na akong ibang maisip kun'di ikaw. Ikaw lang ang naglalaro sa isip ko pagkatapos ng nangyari sa ating dalawa."

"Ang hirap lang paniwalaang wala kang ibang sadya. Paano ka magkakagusto sa katulad ko?"

"What's wrong with you, Ariel? How can you say that a man like me would never like a woman like you? May dahilan ba para hindi kita magustuhan?"

"Marami."

"Don't be too hard on yourself, Ariel. Don't push people away from you just because you think it's impossible to happen."

An Affair With My Ex-Boyfriend's BrotherWhere stories live. Discover now