Chapter 4

1.2K 47 5
                                    

Chapter 4

Ariel's point of view

"Hey, miss. You want a drink?" Pang lima na yata siyang nag tanong sa akin. At pang lima na rin siyang tinanggihan ko.

"No thanks," I smiled a bit. Para naman hindi sila mapahiya sa pag tanggi ko sa inaalok nila sa akin. Hindi pa ako pwedeng uminom lalo pa't galing sa kanila. I need to be safe. Wala pa kasi akong kasama, nasa labas pa rin sina Maris at Randall. Mukhang natagalan ata silang mag usap.

"Nasaan na ba ang dalawang yun?" bulong ko sa hangin. Gusto nang lumabas ng paa ko at sundan ang dalawang yun pero ayaw ko naman makagulo pa sa pag uusap ng dalawa.

"Ariel?"

Nangunot pa ang noo ko upang mas makita ng malinaw ang mukha ng nasa harapan ko.

"Colt?"

"Wow. I almost did not recognize you. How are you doing? It's been a month since the last time I saw you. You look... different. Very different. Are you with Calvin?"

"Nako, matagal na kaming break ni Calvin, kuya."

"Kuya?" natawa siya sa tinawag ko sa kaniya. "Don't call me kuya, just Colt."

"Are you sure?"

"Yes. Colt is fine. Di naman ganun kalaki ang agwat ng edad nating dalawa."

"Ah... okay..."

"Ilang taon ka na ba?"

"I'm 22."

"Oh. 22. Very young. I'm 28. Not too old, yeah?" and then he laughs. I couldn't hear his small laughs because of the loud beat of the sound in the bar.

Nginitian ko na lang siya. Hindi ko alam kung ano pang sasabihin sa akin. Nakakahiya. Di ko akalain na kuya ng ex boyfriend ko ang makikita ko rito sa bar. Hindi ko rin siya napansin kanina. Lalong hindi ko inaasahan na makikita niya ako na ganito ang suot ko.

I'm very conscious right now. Kulang na lang itakip ko sa buong katawan ko ang mga kamay ko upang matakpan lang ang mga balat kong kitang kita ni Colt. Pansin ko rin yung pahapyaw niyang tingin sa akin.

"What are you doing here? Are you alone or with someone?"

"I'm with someone."

"Oh." Parang napaisip pa siya sa sagot ko sa kaniya. "Your hook-up?" tanong niya.

"No." Mabilis kong sagot sa kaniya. Anong hook-up ang sinasabi niya. Hindi ko alam yun. Ito ang unang pagkakataon na nakapag bar ako. "I'm with a friend. I was invited to a birthday party."

"Oh, a birthday party? Here? Really? Where?" ginalaw pa niya ang ulo niya para hanapin ang birthday party na sinasabi ko.

"No. Not exactly here. Nasa VIP room sila."

"Then why are you here alone? Dapat hindi ka pumupunta dito mag isa."

"Bakit naman? Bawal bang tumambay dito?"

"Di naman. Kaso ang daming lalaki nakatingin sa yo. Kung di kita nilapitan for sure dinumog ka na nila." He looked at them. Tumingin ako sa tiningnan niya at nakita ko nga ang mga lalaking halos hindi inaalis ang tingin sa akin kahit pa nahuli ko na silang nakatingin sa akin. Yung iba ay kinindatan ako at kumagat labi.

Jusko! Bakit may pag dila at kagat labi? Kumindat pa! Napalunok na lang ako at binalik ang tingin kay Colt.

"Thank you." Sabi ko na lang sa kaniya at tumungo.

Nasan na ba kasi sila Maris? Bakit ang tagal naman kasi nilang mag-usap? Hindi ko alam kung susundan ko na ba sila sa labas o babalik sa VIP room dahil feeling ko mas safe kung nasa VIP room ako kesa dito sa labas na ang daming manyakis!

"Di ako tumatanggap ng thank you,"

"Ha?"

"I don't accept thanks. I want something else."

"What do you want?"

"You."

"M-me? Sorry tama ba ang dinig ko?"

"Yes."

"B-bakit a..-ako?" nauutal kong tanong sa kaniya. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko lalo pa hindi niya inaalis ang mga mata niya sa akin. Di niya inaalis ang tingin sa akin kahit pa ilang beses na akong kumurap.

He laughed. "Just kidding. If you only saw your face, it's epic!"

I rolled my eyes. Hindi ko alam na may pagka ganito rin pala siya. Ilang beses ko lang siya nakita noon at palagi siyang seryoso dahil daw sa negosyo nila sabi sa akin ni Calvin. Parang hindi naman siya ganung tao. He's fun and nosy rin kapag nasa ganitong lugar.

"Ariel, are you having fun now?"

Nagulat ako sa nagsalita, bigla na lang lumitaw sa gilid ko si Maris. Muntik pa akong mapatalon sa gulat dahil sa biglaan niyang paghawak sa braso ko at sabay pa cute kay Colt.

"Hi, handsome! Are you hitting on my best friend?"

"Not yet." Ang firm ng pagkakasagot ni Colt. Sumeryoso ang mukha nito hindi katulad kanina na playful. He smiled a bit at Maris.

"Bakit hindi pa? You're wasting time," Maris' says and then winked at him. Colt smirked.

Are they flirting? They are. Randall hissed. Nasa likod lang siya ni Maris at wala namang ginagawa kun'di panuorin lang si Maris sa pag usap nito kay Colt.

"Kanina ko pa kayo hinihintay bakit ang tagal ninyo? Baka kanina pa tayo hinahanap ng kuya mo." Sabi ko sa kay Maris.

"Don't worry, di sila magsisimula hangga't wala ako. Kailangan ni kuya mag send ng picture kay mommy."

"Excuse me," paalam ni Colt. Hindi niya na hinantay pa ang response namin ni Maris.

"See you later handsome."

"Stop flirting," Randall said in a serious tone.

"I'm not flirting!"

"Okay."

Maris rolled her eyes and then her mood shifts as she turned to him and look at me. "Bruha ka sino yun? Sobrang pogi niya!!"

Hinampas pa ako sa braso dahil sa sobrang kilig. "Tinanong ba niya name mo? Magmimeet ba kayo later? What happened? Come on tell me, anong pinag uusapan ninyong dalawa?"

"Wala. Kilala ko yun."

"What? Really?"

"Yes. He's a friend."

"Just a friend? Sinasayang mo siya. Pucha naman, Ariel! Ang sarap nun! Damn, sayang."

"Ano ka ba? Yung words mo, nandyan si Randall sa tabi mo."

"Bakit hindi ko siya kilala?" tanong niya pa. Wala siyang pakialam kahit nasa tabi niya pa si Randall.

Sasagot pa sana ako kay Maris ngunit naunahan na ako ni Randall. "Sorry to interrupt ladies, pero kailangan na nating pumunta sa VIP room."

Sinamaan ng tingin ni Maris si Randall. "Ang KJ mo kahit kailan. We're having fun."

"Your brother texted me, Ma'am. Kung di ka sasama sa min, kakaladkarin kita papasok sa VIP room."

"How dare you?"

"Pero alam mo namang di ko kayang gawin yun kaya please tara na. Punta na tayong VIP room... please..."

"Fine."

Hanga din ako sa pasensya nitong si Randall. He loves her. Mukhang okay naman itong si Randall for Maris. I vote him for my best friend. Team Randall for Maris.

An Affair With My Ex-Boyfriend's BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon