Chapter 30

795 38 3
                                    

CHAPTER THIRTY

ARIEL

"IKAW ba yan, Ariel?" lahat sila ayan ang tanong sa akin nang makapunta ako sa pwesto ng mga taga accounting department. May kaniya-kaniyang table per department. "Akala talaga namin hindi ka makakapunta," dagdag pang sabi ni Mia. Pero halata sa mukha niya ang saya noong makita niya ako ngayong gabi dito sa party.

"Parang sinabi niyong ang pangit ko kapag di nakaayos ah!"

"Iba talaga ang mukha mo ngayon, ang ganda ng make-up, everything was on point and your dress, girl you've got to be kidding me, it looks very expensive! So beautiful! You're the most beautiful girl in the whole company. No one can go above your beauty tonight. Kahit si Ma'am Kassandra uuwi kapag makita ka." Jayda praised my make-up and the gown that I am wearing. "Saang thrift shop mo nabili yan?"

"Hindi yan sa thrift shop nabili, sis. Look at her gown. It's Mark Ghaloeit's design. It's an exclusive dress and for sure bilang sa kamay ang meron nyan. Baka isang taon na sahod mo ang presyo." Tapos bumulong pa siya. "We all know, the CEO bought that for her," and then Mia winked at me. It's like my secret is safe with her and she's very supportive of me with my relationship with him.

Napanganga si Jayda sa sinabi ni Mia. "For real?"

"Yes, para kang hindi bakla, dapat alam mo yan di ba?"

"Sis di ako masyadong maalam pagdating sa mga fashion designer and sa mga gowns, more on party-goer ako di ba?"

"Sa bagay, pagpasensyahan mo na tong kaibigan natin, Ariel. Di talaga yan bakla mas maalam pa yan sa basketball sport, tanungin mo kung sino sino ang MVP sa bawat team kilala niyan."

"Gaga ka siyempre mga papa yun!"

Nagtawanan kaming tatlo nina Mia sa sinabi ni Jayda. Minsan talaga wala kaming nagagawa kundi magtawanan habang nagkukwentuhan, nakakatuwa naman kasi talaga itong dalawa na 'to.

Matagal din nawala si Ma'am Kassandra sa pwesto namin, nagpaalam lang siya dahil magbabanyo daw pero siguro mga kalahating oras na wala pa rin siya.

Badtrip si Kassandra nang bumalik sa pwesto namin, hindi yata nahalata ng iba yun pero ako pansin na pansin ko siya.

"Sis seryoso ang tingin sa yo ni Ma'am Kassandra mukhang masama ang dugo niya sa yo, alam na ba niya ang tungkol sa relasyon ninyo ng CEO natin?" bulong sa akin ni Mia, pumasimple akong tingin kay Kassandra at tama nga siya mataim itong nakatingin sa akin habang nagsisip sa kaniyang wine glass.

Ilan pang inom ng alak ay hindi na ito nakatiis nakipagpalit siya ng upuan kay Mia.

"Hi, Ariel. Are you enjoying the party?" she asks.

"So far, yes, it's fun."

She smiled, it was sarcastic. Di ko alam kung tipsy na ba siya o nantitrip lang.

"It's so fun working with you. In a time, you were able to steal my fiance." She whispered the last word.

Napatingin ako ng diretso sa kaniyang mga mata, kung kanina ay nakangiti siya ngayon ay masama ang tingin niya sa akin, tila ba nagliliyab ang kaniyang mga mata, nakakapaso sa galit.

"I'm sorry?"

"Wag ka nang mag maang maangan pa, Ariel. Matagal na akong nagtitimpi sa yo. I know myself, I'm better than you. I am a grown-up person but since you're getting on my nerves. pagbibigyan kita. Do you want war? I'll give you war."

She was about to pour me the wine but someone stopped her. "Don't do this, Kassandra. You know my brother, he'll not let this pass if you hurt her."

Calvin?

An Affair With My Ex-Boyfriend's BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon