Chapter 11

842 45 1
                                    

Chapter 11

"What the hell, Lance? Did I permit you to enter my office? What do you need?"

Inalis lang sa akin ni Colt ang mata niya, nabaling lang yun sa iba at para na siyang nag transform into a monster. Napakatapang ng kaniyang mukha ngayon habang kinakausap si Lance. Suplado at ang sungit pa nito. Bakit di siya ganiyan kapag nakaharap sa akin? Para siyang tuta kapag ako ang kausap tapos kapag ibang tao ang kausap niya para siyang tigre.

Teka lang, di ko mapigilang makiusisa sa kanila. I remained silent and let them speak. Nakinig lang ako sa kanilang dalawa.

"Remind lang kita, sir, na meron kang appointment 10 minutes from now kay Mr. Wolkzbin at important meeting before lunch kay Mrs. Saaved."

"I know. Thank you. You may leave. Now."

"Copy sir. Ay teka, okay ka lang ba? Gusto mo ba ng ice bag? Masakit masampal."

"Shut your mouth."

"Are you sure sir?"

"Hell yeah. Get the fuck out, Lance." He gave him a death glare. Mabilis na lumabas si Lance sa office ni Colt.

"Sorry. I didn't mean to slap you." I apologized. Siya naman kasi ang may dahilan. Ang manyakis niya. Kung di niya ako binastos kanina e di hindi ko siya nasampal.

"I understand. I deserved to be slapped, hopefully, you'll do it when you're in bed with me," he says with a playful smile.

Inangat ko ang palad ko at pinakita sa kaniya. "Gusto mo ulit ng sampal?"

"No. I'm just kidding," he said with a grin.

Inabot ko sa kaniya ang envelope na pinaabot ni Kassandra. "Kailangan mo raw nito sabi ng supervisor namin. And this one," another folder na naglalaman ng ibang dokumento. "Pakipirmahan daw. Kailangan ng pirma mo sa mga ito para ma-release yung pera at masimulan na yung ibang projects sa manufacturer."

Di niya man lang pinag aksayahan ng oras ang mga papel. Di niya yun tiningnan at nilapag lamang sa office table niya. Tapos umupo na siya kung saan uupo ang CEO.

"So ikaw nga ang CEO? Paano nangyari? Bakit hindi ko alam?"

"First of all, my dear, you don't know our family background. You don't know us, you only knew your ex who is my brother. After I graduated, I was able to take over this local company so my dad can manage our companies outside of the country. Samantalang ang kapatid ko, nag-aaral."

"Pero nakita ko siya dito nung isang araw. Intern din siya dito sa sarili niyong kumpanya? Hindi ba yun bawal?"

"He doesn't want to do an internship here. He was forced to do it."

"Who forced him to do it? You? Because you're the CEO here in the company?"

He shook his head. "No. He was forced to do it by our parents. Marami silang kundisyon at gaya ko, di yun kayang mawala ni Calvin. We are born to live like this. If we lose this all, we'll perish."

"Napilitan ka lang din ba imanage itong company ninyo?"

"Bakit bigla ka atang nagka-interes sa akin?" tanong niya habang may ngisi sa kaniyang labi.

"Ano? E di wag mong sagutin. Nagtatanong lang. Ikaw itong kwento nang kwento tapos kapag tinanong ka bigla mong lalagyan ng malisya. Siraulo ka rin e."

"Sabihin mo lang kung interesado ka rin sa akin. Di ko naman ipagdadamot sarili ko sayo. Iyong iyo lang ako, Ariel. Sa iyo lang ako."

"BA'T tulala ka ata ngayon? Gaya ng iba, iniisip mo rin ba ang mukha ni Coltier Mckinley dahil sa taglay nitong kapogian at kakisigan? May gusto ka na din sa CEO natin?" tanong ni Jared habang tinuturuan ako sa iba ko pang dapat gawin sa accounting department.

Natulala ako sa mga nakakakilabot na salita ni Coltier. Hindi dahil may gusto rin ako sa kaniya. Biruin mo nakuha niya pang sabihin sa akin na 'Sa iyo lang ako, Ariel. Iyong iyo lang ako'. Like, grr. Kadiri. Hindi ko akalain na may magsasabi sa akin ng ganun. Kahit ang ex kong si Calvin never akong sinabihan ng ganun, si Colt pa lang, siya ang una at talaga namang kinuryente ang buo kong katawan nung marinig ko yun sa kaniya.

At hindi ako natutuwa o kinikilig sa kaniya. Naiinis ako dahil pinagsamantalahan niya ako. He took advantage of me. Kung hindi, hanggang ngayon ay virgin pa sana ako. But he took it away from me. He devirginized me.

'Kasalanan mo rin naman yun. If you didn't push yourself to drink a lot you wouldn't be in that situation.' Suway sa akin ng sarili ko. Though may point, I have a fault din naman.

"Di naman pogi yung CEO. Malinis lang siyang tingnan. Saka di ba fiance yun ng supervisor nating si Ma'am Kassandra? Di ko ugali ang mang agaw ng boyfriend o manira ng relasyon."

Di makapaniwala si Jared sa naging sagot ko sa kaniya. "Grabe naman pala ang tabas ng dila natin, 'no?" natawa pa siya habang sinasabi yun. Di rin siya makapaniwala sa naging response ko sa kaniya.

AFTER MY SHIFT, dumiretso na ako ng uwi. Halos isang oras din ang byahe at pag naabutan pa ako ng traffic aabutin pa ako ng halos dalawang oras. I can't afford to waste my time para lang sa transportation.

Habang nasa byahe nakatanggap ako ng mensahe mula sa unknown number.

Unknown number: Where are you?

Nangunot ang noo ko. Sino itong nag chat ng where are you sa akin? Wala naman akong inaasahang tao na maghihintay o maghahanap sa akin.

I replied.

Ariel: Who are you?

Hindi ko pa naibabalik sa bulsa ang phone ko nang tumunog ulit ito at merong bagong mensahe mula doon sa unknown number. Ang bilis niyang mag reply.

Unknown number: Your future husband.

Unknown number: Answer my question, my dear wife, where are you?

My future husband? Isa lang naman ang sinabihan ko kanina ng salitang future husband. Si Colt. Wait, don't tell me nakuha niya na ang tunay kong number. Nagtaka pa ako malamang since CEO siya ng kumpanya ay hawak niya ang buong impormasyon tungkol sa kaniyang mga empleyado, mabilis niya na lang nakuha ang sa akin.

Ariel: I'm on my way home. Why?

Colt: Why didn't you wait for me? I was about to drive you home.

Ariel: For what? I can't find a reason for you to do that.

Colt: Next time you'll wait for me.

Ariel: I don't think it's appropriate for you to drive me home since I'm just your employee.

Ariel: It's a conflicted relationship. Di ka ba nagbabasa ng policy ng company mo?

Colt: You are not just my employee.

Colt: You are my future wife.

Colt: And don't reply with a stupid answer.

Colt: Take care. Text me when you get home.

Grabe ang suplado sa text. Akala mo hindi maamo sa personal kapag kaharap ako. Napa-make face na lang ako habang binabasa mga message niya sa akin.

An Affair With My Ex-Boyfriend's BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon