Chapter 19

617 42 3
                                    

Chapter 19

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Bigla akong kinabahan noong malapit na ako sa office ni Coltier. Hindi ko mawari kung saan ba ako kinakabahan. Kinakabahan ba ako dahil magpapapirma ako ng ilang dokumento sa kaniya? O kinakabahan ako dahil makikita ulit siya?

"Ma'am? May appointment po ba kayo kay Sir Colt today?" tanong nung nasa small reception area bago ang office ng CEO.

Umiling ako sa kaniyang tanong. "Wala. Puno ba ang schedule niya ngayon? May kailangan kasi akong mapapirma sa kaniya ngayon."

"Ay ganun po ba? Sandali lang, Ma'am, I'll check his schedule for today. Wala po kasi ngayon si Sir Lance, ang secretary ni Sir Coltier, lumabas siya kanina at hanggang ngayon po e hindi pa bumabalik." Paliwanag niya sa akin.

Ngumiti na lang ako ng maliit para di niya ako masabihang snob. Di naman ako nang hingi ng explanation from her. Pero salamat na rin sa detalyado niyang impormasyon. At least I know na wala ang secretary ni Colt sa kaniyang opisina.

"May meeting si Sir Coltier mamayang 3 pm." Sabi nung babae habang tinitingnan ang mga schedule ni Colt ngayong araw.

"Ganun po ba? Ayos lang, hindi ko na lang muna siya aabalahin ngayon. Baka naghahanda na rin sya para sa susunod niyang meeting."

"And he'll not be able to assist you today, Ma'am, because Ms. Mendusa is inside his office,"

Mendusa?

"Ma'am Claire, kayo po pala,"

Matagal na atang empleyado itong bagong dating at ang kausap ko kanina ay mukhang bago lang din katulad ko kaya naman kung magtrabaho ay by the book pa.

"Ako na ang bahala dito, you can go back to your station." Sabi nung Claire. Pagkatapos ay hinarap niya ako at tiningnan yung mga hawak ko. "Ayan ba yung report for the next month's project?" tanong niya sa akin.

To be honest, I do not have any idea about this paper I am holding. Kinuha ko lang itong mga papel na ito sa pinatong ni Jayda sa aking office table. I didn't even read any of these.

Tinaasan niya ako ng kilay dahil matagal bago ako nakasagot sa kaniyang katanungan.

"Oo. Ito nga 'yon."

Napakunot ang noo nito. "Mukhang hindi ka pa sigurado huh. Would you mind If I look at it?" tanong niya sa akin.

Hindi ako pumayag syempre. "Hindi puwede. It is confidential between the accounting department and the CEO."

"Kailan pa nagkaroon ng ganun dito? Are you a new employee?"

"Babalik na lang ako dito pagkatapos ng meeting ng boss mo sa medusa."

"It's Mendusa, Ma'am, not Medusa. Gusto mo na bang mawalan ng trabaho? Pwede kitang isumbong kay Ma'am Mendusa at siguradong maari niyang irequest na tanggalin ka dito sa kumpanya," pananakot niya sa akin.

Akala niya ba e matatakot niya ako? Well hindi siya nagkakamali. Ito na lang ang kumpanyang pag asa ko upang magkaroon ng internship certificate at hindi ako makakapayag na dahil lang sa Mendusang iyan kaya mawawala.

Konti na lang sana ay mapapatulan ko na itong Claire. Bakit ba kasi ito ang nilagay dito sa small reception area ng office ni Colt? Baka siya ang isumbong ko kay Colt nang mawalan din siya ng trabaho.

Mabuti na lang at biglang dumating si Lance. "Ma'am Ariel? What brought you here? Si Sir Coltier ba ang sadya mo rito?" mabilis niya akong dinaluhan at tila ba may special treatment agad ang paglapit niya sa akin.

Napataas ng kilay si Claire at parang may nakita akong selos sa mga mata nito. Ah huh. Don't tell me may gusto itong si Claire sa kay Lance. Grabe ka talaga kupido, biruin mong itong napakasungit at malditang ito ay magkakagusto sa kay Lance? Sa bagay may hitsura din naman kasi itong si Lance at mukhang mabait pa.

"May papapirmahan sana ako sa kaniya kaso mukhang busy pa siya at kausap pa si Ma'am Mendusa. Importante yata yun."

"No. Just stay here. I'll go inside and let him know that you're here."

"Ha? Naku, wag na, nakakahiya naman kung maiistorbo pa ang meeting nilang dalawa. Sabi kasi nitong si Claire e importante daw ang pinag uusapan nung dalawa."

"Ano? Wala akong sinabi ah." mabilis na angil nung si Claire. "Ang sabi ko may meeting ngayon si Sir Coltier at nandun si Ma'am Mendusa sa loob."

"Sorry, mali ata ang pagkaintindi ko kanina." Sabi ko sa kaniya. Inirapan niya lang ako. Tumirik sana yang mata mo at hindi na bumalik sa normal, irap irap ka pa dyan.

"Okay, girls. Chill. Di niyo kelangan mag away. Sayang ang mga ganda niyo."

Kita ko kung paano namula ang mukha ni Claire sa sinabi ni Lance. Pahapyaw din kasi tumingin sa kaniya si Lance nung sinabi nitong ganda.

"Anyway, Claire please next time kapag dumating si Ma'am Ariel, you have to prioritize her. You can cancel Mr. Rolierstone's schedule anytime as long as it is for Ms. Mendoza, are we clear?"

"Yes. But why? Kaano-ano ba siya ni Sir Colt at may pa special treatment naman yata pagdating sa kaniya?"

"Di kasama yan sa job description mo, Claire, just follow our order to you. Understood?"

"Fine," aniya na parang napilitan lang.

Pumasok na sa loob ng office ni Colt si Lance. Ilang sandali pa ay may lumabas ng babae doon. Ito ata ang Mendusa. She looks gorgeous. Pang model ang datingan ng babae. Matangkad ito, halos kasing tangkad ata siya ni Colt.

Ni hindi ako tinapunan ng tingin nung Mendusa. Diretso ang lakad nito palabas at akala mo e nagcacat walk. Wagas kung makalakad akala mo nasa fashion show siya.

"Nakita mo yun? Ganun ang mga babaeng nalilink kay Sir Colt. Tingnan mo naman ang sarili mo, wag kang feelingera. Know where you stand, loser." Sabi ni Claire sa akin.

"Inaano ba kita at mukhang galit na galit ka sa akin?" Di ko na napigilan sagutin siya. Wala akong pakialam kung siya pa ang tao dito sa small reception area. Napuno na talaga ako sa kaniya kanina niya pa ako sinusungitan e.

"Gusto ko lang ipaalam sa yo kung hanggan saan ka lang. Ang mga babaeng katulad mong mukhang dukha e hindi nararapat sa isang CEO."

"Di rin kayo bagay ni Lance. Maldita ka."

Bago pa siya makapagsalita ng masama sa akin e bumukas na ulit ang pinto ng office ni Colt at lumabas doon si Lance. Natutop ang labi ni Claire nang makita ang the only one niya.

"Okay na, Ma'am Ariel, pwede ka nang pumasok sa loob. Hinihintay ka na ni Sir Coltier."

"Thank you, pero Lance, please lang, tawagin mo na lang akong Ariel, wag mo nang dagdagan ng iba pa. Alam ko kasi kung saan ako lulugar at ang isang dukhang katulad ko e di nararapat na matawag ng Ma'am ng katulad ninyo."

Labis na naguluhan si Lance sa sinabi ko at mahahalata iyon sa kaniyang mukha samantalang si Claire ay halos pasuin na ako ng kaniyang masamang tingin.

An Affair With My Ex-Boyfriend's BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon